Chapter 116

1.1K 57 0
                                    

Ang unang hinto namin ay sa isang bayan, nakalimutan ko na ang pangalan since hindi naman kami naglagi dito.

Agad kaming nagtungo sa may plaza at doon inilagay ang munting tindahan, tindahan pero sa totoo lang nakalatag lang ang mga ibinibenta namin sa isang sapin, may mga nagreklamo pero nung ipakita ni Lyfa ang permit ay nanahimik ang nagreklamo, nakipag-eye contact ako kay Lyfa at nang tumango siya ay agad kong iniwan sa kanila ang ni Mimir ang peddling at pangongolekta ng inpormasyon sa mga customer at kasama sina Lina at Lulu, nilibot namin ang buong bayan sa ilalim ng sight seeing at paghahanap ng posadang tutulugan.

"Ano may nalaman kayo?" tanong ko kina Lyfa nang mag-gabi.

"Walang matino, at puro pangungutya sa palasyo dahil sa pag-alyansa sa mga human-race; na dinepensahan naman ng isang werebeast, may asawa siya sigurong human at nagkaroon pa ng sagutan sa harap ng tindahan," sabi ni Lyfa.

"Kung hindi nga lang gumitna ang mga town guards ay magkakaroroon na ng labo-labo," sabi naman ni Mimir.

"Ano ang standing ni Celine?" tanong ko.

"Somewhere in the middle but declining," sabi ni Lyfa "may mga nanatiling naniniwala sa kanya pero kakaunti na lang yung talagang sumusuporta," dugtong niya.

"At meron ding mga sabi-sabi na isa siyang impostor dahil kung totoo siya, aanib siya dapat sa rebelion army," dugtong ni Mimir.

"Ikaw, may nakuha ka?" tanong ni Lyfa.

"Tulad lang din ng nakuha niyo," sabi ko.

"Yung susunod na yung <Oldale> diba," sabi ko.

"Oo," sagot ni Lyfa "bakit?"

"Switch tayo ng roles," sabi ko.

"Okay," sabi niya.

Kinaumagahan agad kaming umalis pero imbis na ang Oldale, isang village ang nadaanan namin, at iyon ay sa may nasunog na village nung una kong punta dito.

Dumaan kami doon at agad na sinalubong; since nag-stock kami ng mga pagkain para sa amin dun sa binistahan naming bayan, iyon ang naging mabili sa mga villagers specially karne, pero dahil mahihirap lang sila ay bartering system ang ginamit pero by kilo, at habang nakikipag-barter sina Lyfa, Lulu at Lina; kami ni Mimir naman ay kina-usap ang village chief, at tinanong kung ano ang nangyari sa village at parang kulang sila sa pagkain.

"What? Sinalakay kayo ng mga sundalo ng palasyo at kinuha ang mga pagkain niyo?" tanong ko "kelan nangyari?" tanong ko.

"Kahapon ng umaga lang po, ginoo," sagot niya sakin.

"Saang direksyon sila nagmula? At saang direksyon umalis?" tanong ko.

"Hindi ko po alam kung saan sila nag-mula pero nagtungo po sila sa may hilagang tarangkahan, sa direksyon ng siyudad ng Oldale," sagot ng village chief.

"I see..." kunot-noo kong sabi.

Matapos kong makipag-usap sa village chief ay agad kaming nagpunta sa wagon at doon ay tinawagan ko si Celine at ipina-alam ang nakuha ko.

"Ano?!" sabi ni Celine nang marinig ang ulat ko "...shit, mukhang tama ka nga, ipapatingin ko ang oldale kaya wag kayong masyadong mangalap ng inpormasyon doon."

"Roger," sagot ko at pinatay na ang linya at nanatiling naka-upo sa may loob, hindi makapag-isip ng maayos.

"Ano sabi," tanong ni Lyfa na pumasok sa loob ng covered wagon.

"Wag daw tayong maghanap masyado ng inpormasyon," sabi ko.

"Okay," sabi ni Lyfa.

Kinabukasan nang umalis kami sa village at medyo malayo-layo na ay:

"Hinto! Napapaligiran namin kayo!" sabi ng isang lalaki kaya tinignan ko ang <Map> at nakitang napapaligiran nga kami ng bente katao.

"Bumaba kayo at iwan niyo ang mga gamit niyo!" sigaw niya kaya napa-ngiti ako.

"Okay," sabi ko at bumaba sa may driver seat gayun din sina Lulu at Lina na nasa tabi ko, pati na rin sina Lyfa at Mimir bumaba na rin mula sa loob ng wagon.

"Mga bata ang kasama, tch, walang-hiyang floryano," narinig kong sabi ng isang lalake somewhere.

"Ano kailangan niyo?" tanong ko.

"Lahat ng gamit niyo," sabi ng lalaking nagpahinto samin.

"Boss, may mga <Storage Ring> sila," sabi ng isa sa mga humarang.

"Haah... 5 seconds, kailangan sila ng buhay," sabi ko at gumawa ng mga <Mana Blade> sa magkabilang kamay at sinugod sila.

5 seconds later.

'Mind Reader I' gamit ko sa aking mind reading spell at "saan hideout niyo," tanong ko.

"Hindi ko sasabihin!" sabi niya sakin pero ang isipan niya, binigyan ako ng isang detalyadong direksyon.

"Sino ang boss niyo?" tanong ko.

"Ba't ko sasabihin sayo," sabi niya pero ang isip niya ay sinagot ako ng maayos.

"Hmm... Well, kasi isa akong bounty hunter at pinaghahanap ko ang worldwide criminal na nagngangalang Cecile," sabi ko at kumunot ang noo sa nabasa.

"I see, Lyfa, tingin ano gagawin ko dito sa Rebel Army Members na ito," sabi ko.

"Miyembro sila?" tanong ni Lyfa.

"Oo, at may base sila sa Oldale, ang leader nila ay isang lower noble na nagngangalang Ruuzashi," sabi ko at tinignan ang mga nakataling miyembro ng rebelyon na may expression na nagsasabing paano nila nalaman.

"Tinawagan ko na si Celine, at Nekone, pupunta daw sila sa may village na dinaanan natin kaya mag-antay tayo doon," sabi ni Mimir at nakita kong napa-ngiti ang leader, naiisip niya sigurong makakatakas sila.

***

"So yun po ang sitwasyon, mabait naman po iyan si <Flamma> kung magutom siya kakainin niya na lang yung mga binabantayan niya na magnais tumakas," sabi ko sa village chief.

Bumalik kami sa may village matapos malamang pupunta sila sa village na yun at nang madala namin doon ay nalaman naming sila din yung kumuha ng mga pagkain nila kaya agad silang nagpahiram ng storehouse pero nang tawagin ko si <Flamma> ay naalarma sila at natakot, well sino bang hindi matatakot kung may dragon sa village.

At sa pagnanais na makita ang itsura nang mga tatakas ay nag-antay ako sa tabi ni <Flamma>, sinigurado kong tago ako, ginagawa ang mga damit nila with a size of a baby. Nang matapos ako sa damit ni Nekone ay tinignan ko kung may auto-restiration at auto-size correction iyon na meron naman kaya inilapag ko muna iyon saglit at ginawa naman ang kay Celine, ewan ko nga lang kung tama ako sa disenyo gayun din ang kay Alissa, at nang matapos ako ay inilagay ko na ang mga damit sa inventory at nakita ang mahika ng auto-size correction, dahil kinuha ko ang size ng sa isang baby ay maliit iyon, kahit na nung ilapag ko, pero nung hawakan ko uli ay lumaki bigla ang size kung saan pwede kong masuot kung gugustuhin ko.

'Isang literal na one size fits all,' sabi ko sa isipan habang pinipigilan ang pagtawa.

Hindi pa rin lumalabas yung mga nahuli namin at wala akong magawa kundi ang mag-basa.

Hindi ko alam kung anong oras bumukas ang pinto nung storehouse, pero nung bumukas ay agad akong sumilip pero hindi ko nakita ang expression dahil sinara agad ang pinto kaya lumapit ako  sa storehouse at umupo sa gilid ng pinto, yung tipong hindi ako makikita kahit buksan nila ang pinto.

"— yoso ka? Dragon? Paano magkakaroon ng dragon dito?!" narinig kong sabi nung boss nung mga nahuli.

"Seryoso! Tignan mo pa" at narinig kong bumukas ang pinto nang malaki kaya napatingin si <Flamma> sa may pinto at nang makitang may taong palabas na hindi niya nakitang pumasok ay tumayo siya dahilan para agad isara ang pinto nung nagbukas.

"Boss?" tawag ng isa sa mga nahuli namin "ano na gagawin natin?"

"Isa lang, ang maupo at manalangin sa may tagapangalaga ng kagubatan," sabi nung boss kaya hindi ko na napigil ang tawa ko pero sinigurado kong mahina ang tawa ko hanggat maari.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon