Chapter 161

963 40 0
                                    

Nang makarating ako sa palasyo ay nakita ko na nandoon na sina Lyfa at Mimir, namumula ang mga mata nila kaya niyakap ko sila; lumabas din si Celine sa palasyo, meron na siyang kulay berdeng mata, kasama niya si Eriole with a sullen look; andoon na din si Luxerra, si Galice at Eri, pati si Ventus at tanging si Nekone na lang ang kulang. Dahil hindi ko makita ang mga kasama nila, napagtanto kong iniwan nila para protektahan ang mga bansa.

"Sa loob na natin antayin si Nekone," sabi ni Celine.

"Hindi na kailangan, andito na ako," sabi ni Nekone sakay kay Aqua, at mukhang hindi pa siya ascended katulad ni Eri.

Nagpunta kami sa may kwarto ni Celine at doon ginanap ang pagpupulong namin of course after ma-confirm na walang impostor sa amin at malagyan ng silencing field, isang wind magic na ginawa ni Ventus para hindi lumabas sa kwarto ang mga pag-uusapan namin.

"I see... so dahil doon," sabi ni Celine matapos ikuwento ni Ventus kung paano niya nalaman ang lokasyon "someone, please explain this mixed feeling of mine na nagagalak at naiinis dahil may nakidnap na mamayan."

"Sorry, hindi ko maipapaliwanag," sabi ni Nekone.

"South pole huh..." sabi ni Eri "mabilis tayong makaka-kilos kung tayo, pero..."

"Kung lahat tayong pito nandoon, aatake sila dahil sa mababang depensa natin," sabi ni Ventus.

"Pero kung aatake tayo, dedepensa lang sila, that is kung full power tayo aatake," sabi ko.

"Point taken," sabi ni Ventus.

"Eriole hindi ka pwedeng umalis," sabi ko na ikinabigla niya "ikaw na ang namumuno, hindi ka pwedeng mamatay, lalo na't hindi ka ascended," sabi ko.

"..."

"Kami na ang bahala, so alagaan mo ang bansa niyo nang wala nang iba pang matulad sa inyo," sabi ko.

"..."

"Mark, sasama kami," sabi ni Mimir.

"No room for objection," dugtong ni Lyfa kaya tinignan ko ang mga mata nila at nakita ang resolution nila na para bang sinisigaw na kahit iwan niyo kami susundan namin kayo.

"Okay," sabi ko.

"Oi, stay with the flow ba tayo at tayong pito ang lalaban sa mga heneral?" tanong ni Ventus.

"Personally, oo, may kailangan akong patayin doon," sabi ko, tinutukoy si Cecile.

"Well, tayo lang naman ang makaka-pantay sa kanila so of course," sabi ni Nekone.

"Okay, then, simple lang ang plano," sabi ni Luxerra "sugurin ang mga kalaban, patayin ang pito, then ang summoner, just that."

"How about those demon race?" tanong ni Aria.

"Kung payapa silang mamumuhay kasama ng mga ibang lahi then, bagong race sila, after all may civilization na sila, may single city na siyang tinitirahan nila; kung hindi, alam niyo na ang gagawin," sabi ni Galice.

"Annihilate them, and let their souls rest," sabi ni Luxerra.

"Yun lang, maghanda kayo, in two days, aatake tayong lahat," sabi ni Galice at nagsitango kaming lahat.

****************************************************************

"Eriole," tawag ko nang makalabas kami "wag ka madismaya, isipin mo muna ang nakakarami, uulitin ko, kami na bahala sa gusto mo," sabi ko.

"Please, ipaghiganti mo ang amang hari," sabi niya.

"Hindi mo kailangang sabihin, gagawin ko talaga, by killing their master that is," sabi ko at tinapik ang balikat niya.

"Good luck," sabi ko.

"Mark," tawag niya "mag-iingat kayo, ayokong alagaan sina Lilith at Lantis."

"Ha! Hindi mangyayari yun, after all, kung mamatay kami, masisira na ang mundo," sabi ko.

"But still, mag-iingat kayo," sabi niya.

"Pero in case na no choice na at kailangang isama na lang sa hukay ang mastermind; ikaw na bahala sa mag-iina ko," sabi ko kahit na alam kong isa iyong flag, death flag to be exact.

"Uulitin ko, gawin mo ang lahat para mabuhay, okay lang na tumakbo kang nasa pagitan ng mga hita mo ang buntot, pero gawin mo ang lahat para mabuhay," sabi niya.

"I know, insurance lang," sabi ko at nilapitan na sina Lyfa at Mimir at umuwi na para maghanda, mag-bonding dahil maaring ito na ang last.

Nang gabing iyon, hating-gabi na nang matulog kami nina Lyfa at Mimir.

Nang sumunod na araw, nagtungo ako sa palasyo at pina-alam na manatili na lang sila sa depensa, iiwan ko sina Lulu at Lina as insurance nila, pati ang combat maids, pinagalaw ko na rin.

Habang papalabas ako ay nakita ko ang magkapatid na Adelaide at P-knight. Nag-usap usap kaming tatlo about sa kung paano agad nakapunta dito si Adelaide, sa una naming pagkikita hanggang sa ngayon.

"Mark Anthony Sevilla," sabi ni Adelaide kaya napatingin kami ni P-knight sa kanya.

"Bakit?" sabi ko.

"Kunin mo virginity ko," sabi niya with a face full of seriousness.

"Read the damn atmosphere!" reklamo ko dahil sa seriousness nang pinag-uusapan namin bigla niyang sasabihin yun.

"Yun na nga yun, nag-confess ako sayo noon dahil hindi ko alam kung mamatay ba ako sa laban na yun pero hindi mo ako sinagot, in fact hanggang ngayon nag-aantay pa ako sa sagot mo, pero nalaman ko na lang na naging mag-asawa na kayo ni Lyfa, pero ininda ko yung sakit na naramdaman ko dahil kailangang mabuhay ang bloodline mo," sabi niya "pero ngayon, ewan ko kung buhay pa ako pagbalik mo, dahil tulad nga ng sabi mo, maaring umatake sila habang umaatake kayo, so at least, gusto kong makayakap ka sa kama."

"Haah... death flag yan, kaya wag mo ituloy, kung gusto mo talaga, mabuhay ka, dahil pipilitin kong mabuhay para sa dalawa kong anak, kaya pilitin mo ring mabuhay tapos pilitin mo si Lyfa na idagdag ka," sabi ko at napangiti siya at bigla na lang akong hinalikan sa labi.

"Pipilitin ko talaga, kaya wag mo subukan sabihing ayaw mo, si kuya ang witness," sabi niya at narinig na tinatawag siya kaya umalis na siya.

"Kung yun lang ang kapalit para naisin niyang mabuhay, then ayos lang sakin," sabi ko "after all, masakit ang malamang namatay na ang isang kakilala."

"Bakit hindi mo nga pala sinusuyo si Adel?" tanong ni P-knight sakin.

"Hmm... nung napunta ako dito, may trauma ako sa mga babae remember," sabi ko at tumango siya "partly dahil doon, partly dahil sa wala akong mga kaibigan dun sa earth timeline ko maliban lang kay Celine at Cecile, kaya naman natatakot akong masira yung relationship namin kung hindi magtugma," sagot ko.

"I see..." sabi niya "ah, tinatawag ako, so pano, mauna na ako."

"Yeah," sabi ko at tumingala sa kalangitan, cloudy ang langit, giving everyone a gloomy atmosphere.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon