Chapter 42

1.9K 111 0
                                    

Nang magdilim ay natanaw na namin ang mga mananakop.

"Pinuno," sabi sakin ng isang sundalo "sobrang onti nila at taliwas sa talang nasa isangdaan sila."

"Baka nagtatago," pananakot ko para maaliwalas na maisagawa ang balak "pero ayos lang yan, nais ko namang walang mamatay," sabi ko.

"Pero-"

"Hindi lahat masama, meron akong nakilalang nagalit dahil sinira ng mga mang-aalipin ang isang village," sabi ko at hindi na nakapagsalita ang sundalo.

"Huminto kayo!" sigaw ko sa lengguwahe nila nang malapit na sila sa tarangkahan.

Tinaas g nasa pinakaunahan ang kamay at lahat ay huminto.

"Ayokong may mga ibang madamay kaya nais kong hamunin sa isang duwelo ang inyong pinuno!" sigaw ko.

"Anong mapapala namin diyan?" tanong ng isang pamilyar na boses.

"Hahayaan ko kayong dumaan at umokupa dito ngunit hindi ko hahayaang sirain niyo at gambalain ang buhay ng mga nakatira dito, hindi niyo maaring gawin ang inyong mga nais sa lahat ng tao dito, yan ay kung mananalo kayo."

"At kung matalo ako ay kailangan naming umalis 'di ba?" sabi ng pamilyar na boses.

"Oo," sabi ko at bumaba sa sakay na chirtso ang nasa unahan at nang maliwanagan na ng apoy ay nakita ko si Zeke Nightcloud.

'Pagsinuswerte nga naman,' sabi ko sa isipan at tumalon pababa at para bang inaasahan na niyang ako ang lalaban dahil nakangiti niyang binunot ang espada.

"Play Fair," sabi niya at humanda na sa pag-atake.

"Kayo riyan, nais ko ang isang malinis na duwelo!" sabi ko sa mga sundalo sa likuran ko at naghanda na rin sa pag-atake gamit ang espada gawa ng pinsan niya.

"FIRST CLEAN HIT!" sabay naming sigaw sa rule tuwing may magduduwelo sa grupo namin noong kasama ko pa sila at sabay ding sumugod.

Dineflect ko ang diagonal slash na ginawa niya gamit ang espada ko, panandaliang nawala siya sa posisyon ng madeflect ko ang atake niya na siyang kinuha kong tsansa para umatake, sinubukan ko siyang saksakin ngunit gamit ang kanang paa, sinipa niya ang talim ng espada ko kaya napatabingi iyon ay hindi siya nasaksak. Sinundan niya ang sipa ng isang suntok na dinepensahan ko sa pamamagitan ng paglayo at nang magkaroon siya ng opening dahil sa hindi pagtama ng suntok niya ay bigla akong sumugod at walang habas na pagsasaksakin siya na hindi tumatama dahil sinasalag niya ang mga atake ko gamit ang espada.

"<Flame Slash>" sabi niya at nagkaroon ng apoy ang talim ng espada niya at winasiwas iyon pahalang na nailagan ko ng tumalon ako palayo ngunit hindi ko inaasahan ang wave na kasunod noon kaya tinamaan ako sa braso.

Nang matamaan ako ay naghiyawan ang mga kasama ni Zeke pero alam kong alam niyang hindi iyon clean hit dahil biglang naglaho na parang usok ang tinamaan niya at natigil din ang hiyawan.

Luminga-linga siya hinahanap ako, hindi niya alam na nasa itaas niya lang ako dahil nang gawin ko ang <Smoke Decoy> ay tumalon ako paitaas para sa pinakamalakas na rapier skill ng pamilya ko.

"<Starfall>!" sigaw ko at lumiwanag ang talim ng rapier ko at biglang bumilis ang pagbulusok ko paibaba.

Dahil sa sigaw ko ay tumingala si Zeke at nagawang makatalon palayo sa huling segundo bago tumama ang talim ng rapier ko sa lupa at sumabog ang enerhiya sa talim.

Pareho kaming nagtitigan, hinahabol ang hininga, naging tahimik ang paligid inaantay ng mga nanood ang susunod na mangyayari at nang may lumipad na ibon sa malayo ay sabay uli kaming sumugod.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon