Ang mga nakapalibot na liwanag kay Celine ay unti-unting nawawala, at nang tuluyan nang nawala ay nagising na siya.
"Good morning," sabi ko.
"Sisipain kita, pagabi na," sabi ni Celine nang tumingin siya sa may bintana.
"So, ano nangyari at naging isa kang mummy?" tanong ko.
"Kagabi—"
"Boss, nung nakaraang linggo," sabi ng isang lalaki at doon ko lang napansing ang dalawang werebeast na hindi ko kilala sa loob ng kwarto, isang puting were-tiger na lalake at isang were-dog na babae.
"Isang linggo?" tanong ni Celine.
"Opo, mahal na tagapangalaga," sabi ng babaeng were-dog.
"Damn, kaya pala," sabi ni Celine at nakarinig kami ng tumunog na sikmura "nagugutom ako."
"Lyfa," sabi ko.
"Okay," sabi niya at umalis patungong kusina.
"Continuation," sabi ko.
"Okay— sino yang dalawang cute na batang iyan?" tanong niya ng makita sina Lulu at Lina.
"Lina, tutal ayaw niyang ituloy ang kwento, may paraan ba para ibalik siya sa estado niya kanina?" tanong ko.
"A...uhm.... K-kung gugulpihin po siya ni Kuya Mark," sagot niya kaya lumapit ako with a smile.
"Teka saglit!" sabi ni Celine, "saglit lang, saglit lang, naisip ko lang na mas maganda kung marinig din yun ni Prinsesa Lyfa," sabi niya.
"Okay, bago iyon, sino sila?" tanong ko, sinakyan na ang gusto niya.
"Ah, sila ang mga kasama ko, si Rhozanse yung puting-tigre, mataas ang depensa niya at magaling sa hand to hand combat; tapos si Alissa, yung were-dog, isang mage, at siya rin yung ipapadesipulo ko."
"Ah, so tatlo ang mga kasama mo kung isasama sa bilang si Noire," sabi ko.
"Yup, so sino yung cute na bata na iyan lalo na yung maliit na nasa ninja-attire?" tanong niya at tinuro si Lulu.
"Okay, ito si Lina, isang light elemented mage, tapos si Lulu isang dark elemented, yan yung suot niya kasi nagustuhan niya yung mga ninja moves ni Noire," sabi ko.
"Oo nga pala Nekone," sabi ko at hiniram ang staff ni Lina na agad naman niyang binigay, hindi nagbago ang size kahit na may 'auto-size correction' yung staff sa isang dahilan, bounded kay Lina ang staff at ipinahawak ko kay Nekone, at nakitang nag-iba ang hawak niyang staff.
"Ohh... Ang gandang staff, saan mo nabili?" tanong niya.
"Sa SM," sabi ko tinutukoy ang bahay-pamilihan na binigyan ko ng pangalang 'Sevilla Mall o SM for short'.
"Try mo gawin to," sabi ko at hinila ang bandang ulo ng staff at lumitaw ang natatagong talim na agad niyang ginaya pero hindi magawa "I see," sabi ko at ibinalik na yung staff kay Lina.
Habang inaantay si Lyfa, ay nagpalitan kami ng inpormasyon, specially, info paukol sa Mountoria na siyang magiging next stop namin.
"Hindi mo na kailangang baguhin pa ang pamamalakad nila," sabi ni Celine "oo, sa kanila, absoluto ang lakas pero, wala sa palasyo ang tagapangalaga," dugtong ni Celine.
"Wala sa palasyo?" tanong ko.
"Oo, wala sa palasyo, di tulad natin na nakatira sa palasyo, ang tagapangalaga na dapat ay nandoon ay wala; either hindi pa dumadating or hindi nagpapakita sa kanila kasi ang sabi nila ay inaantay daw nilang dumating ang tagapangalaga pero hindi pa daw dumadating," sabi ni Celine.
"I see," sabi ko at saktong dating ni Lyfa, dala-dala ang congee na inihain kay Celine.
"Kuu... Para sa ganitong kasarap na luto..." sabi niya kaya umubo ako ng pilit.
"Okay, nung nakaraang linggo, nasa isa akong misyon nang ma-enkuwentro ko ang isang grupo nang mga rebelde, madali ko namang napatulog ang mga rebelde gamit ang <Tranquilizing Arrow>; papa-alis na ako nang biglang, mula sa itaas, ay atakihin ako ng isang babae," sabi niya at dinescribe si Cecile "nang makita niya ako ay agad niya ako sinugod, walang sabi-sabi, at kung hindi dumating si Nekone na nasa misyon na puksain ang rebel army sa isang bayan, panigurado namatay na ako."
"I see, bad luck at ikaw pa ang naka-enkuwentro kay Cecile," sabi ko "tanda mo pa yung sinabi kong ikaw ang isa sa pumatay sakin?" tanong ko.
"Oo, kasi balak nating magpatayan nun at nasolba matapos malaman na sa ibang timeline pala tayo," sabi niya "then ano connect?"
"Isa si Cecile sa pumatay sakin," sabi ko "sa timeline ko, nagkita kayo sa apartment ko, nag-away dahil pinag-aagawan niyo ako, ewan ko kung ano nakita niyo sakin, tapos nagsinungaling ako na may kasintahan na kahit wala at pinagsasaksak niyo ako, at habang pinagsasaksak niyo ako, pinag-aawayan niyo pa rin kung sino ang makakasama ko sa langit," sabi ko.
"What a yandere," sabi ni Nekone na first time lang narinig ang kwento ko.
"So dahil andito ako, akala niya ako yung Celine na naka-away niya?" tanong ni Celine.
"Ganoon na nga," sabi ko.
"Tch, may naisip kang plano laban sa kanya?" tanong niya.
"Sorry, pero wala," sabi ko.
"Pero kahit na wala, balak niyo parin labanan siya?" tanong ni Nekone.
"Tinawagan ko na si Luxerra at Galice kaya on the hunt na sila kay Cecile," sabi ko at nagbigay sila ng sigh of relief.
"Boss, maari na ba naming makilala sila?" sabi ni Alissa at naalala kong hindi pa kami nagpapakilala.
"Oo nga, hindi kayo nagpakilala," sabi ni Nekone.
"Okay," sabi ko at ang unang nagpakilala si Lulu.
"Ang aking pangalan ay Lulu, desipulo ng kadiliman katulad ng aking guro na si Noire, tagasunod ng tagapangalaga ng apoy, ikinagagalak ko kayong makilala, kuya Rhozanse, Ate Alissa."
"Ako naman si Lina, isang desupulo ng liwanag, tagasunod ng tagapangalaga ng apoy, ikinagagalak ko po kayong makilala."
"Lyfa de Sylfaen Nocturia, desipulo ni Celine," sabi ni Lyfa.
"At ang kakambal niyang si Mimir de Sylfaen Nocturia, desipulo ni Nekone," sabi naman ni Mimir.
"Tagasunod(Asawa) ng tagapangalaga ng apoy, ikinagagalak namin kayong makilala," sabi nilang sabay.
"Mimir, anong nais mong sabihin at sinabi mong asawa?' tanong ko sa isipan at nagpakilala.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...