Chapter 89

1.2K 73 0
                                    


"Ano?" tanong ni Lyfa nang lumabas na ako.

"Well, naghirap sila dahil sa isang conglatory gift plus refugees, pagtatrabahuhin ang mga lalaki at ibebenta ang mga bata at babae, syempre itinago niya pero dahil sa kaya kong magbasa ng isipan ng tao nalaman ko," sagot ko.

"K-kaya mong magbasa ng isipan?" tanong niya.

"Ah... oo, hindi ko ba nasabi sayo?" tanong ko.

"Hinde!" sabi niya, hindi ako matignan sa mata.

"Wag ka mag-alala, pinagtitiwalaan kita kaya hindi ko binabasa ang isip mo, pero yung kapatid mo oo," sabi ko at tinignan si Mimir na may itsurang gusto niyang basahin ko ang nasa isip niya kaya ginawa ko at...

'Mahal kita! Pakasalan mo na ako!'

Ang nabasa ko pero matatalo ako kung sasagot ako kaya pinabayaan ko na lang.

"Wala kang sasabihin?" tanong niya pero hindi ko pa rin siya inintindi.

"Lyfa, maghanda ka na, aalis na tayo at didiretso sa hilaga," sabi ko.

"Ahh! Sorry na! Pansinin mo na ako!" sabi ni Mimir pero hindi ko parin siya pinansin hanggang maghapunan kami sa camp ground.

"Ano ba talaga ang pupuntahan natin sa hilaga?" tanong ni Lyfa habang nakatingin sa apoy ng camp site.

Siya ang nakatalaga sa first watch, ako sa second at si Mimir na ang bahala hanggang sa sumikat ang araw, nakatulog agad si Mimir at dahil sa hindi ako makatulog ay gumawa ako ng mga potions at ilang spices mula sa recipe na nakuha ko sa <Grand Archive>.

"Nabasa ko kasi sa archive na may dragon graveyard dito sa dulong hilaga," sabi ko "gusto ko lang makita yung graveyard, at kumuha na rin ng ilang buto, kuko, pangil at kung ano-ano pang buto na magagamit sa weapon creation, armor creation at accessory."

"Malakas na naman yang nasa likod-bewang mo diba, at kaya mong gumawa ng <Mana Blade>," sabi ni Lyfa.

"Alam ko, pero may flaw ang <Mana Blade>, tanda mo yung ginawa ni Luxerra sakin dati?" tanong ko.

"Alin dun?" tanong niya sabay kunot ng noo.

"Yung umatake ako gamit ang <Mana Blade>," sagot ko at napa ah siya, marahil ay naalala na niya ang ginawang combo ni Luxerra starting from <Dispell> ending with a flurry of mana arrow.

"Kung sabagay, masisira ang spell," sabi niya "sandatang gawa sa buto huh..."

"Gusto mo rin ba?" tanong ako "balak kong gumawa bilang sandata ko for holding back."

"Marunong ka?" tanong niya.

"Hinde, pero magpapaturo ako, nagkaroon ako ng <Blacksmithing> skill nung nagbasa ako ng libro about sa pagpanday pero dahil walang experience hindi ako gumawa," sabi ko at iniligpit na ang mga gamit sa paggawa ng potion at binigyan si Lyfa ng tatlong HP recovery at MP recovery potion bago matulog.

Nang gisingin ako ni Lyfa para shift ko ay dali-dali akong nagbangon at naupo sa tapat ng bonfire. Nang makatulog na si Lyfa ay agad akong nagsanay ng mahika, gumagawa ng mga bagong salamangka, at nakuha ang <Mana Javelin> at matapos ang shift ko without any difficulty ay ginising ko na si Mimir for change shift at umidlip at nang idilat ko uli ang mga mata ay nakita ko siya na akmang hahalikan ako kaya pinitik ko ang noo niya.

"Aray..." sabi niya "kailangan bang pitikin ang noo ko?!" reklamo niya at gumamit ng healing spell at doon ko lang napansin na bawas ang HP niya by 5%, mukhang kailangan kong magpigil pagpipitikin ko siya.

Agad kong pinagising si Lyfa at gamit ang mga cookingwares na binili nila bago umalis ay nagluto ako ng simpleng cream of mushroom soup bilang almusal kasama ang ilang tinapay.

'Ang galing talaga ng <Inventory> ko hindi nasisira yung mga pagkain,' sabi ko sa isipan at naalala ang sa inventory nila Lyfa, apparently pinapakita lang sa kanila ang mga laman ng <Storage Ring> nila kaya kung wala silang suot na singsing wala din silang inventory kaya nasisira ang mga pagkain sa inventory nila, kaibahan siguro ng sa guardian at desciple.

"Ang sarap talaga ng luto mo," sabi ni Lyfa habang kumakain at sinabihan ang kapatid na kumain na dahil binabasa niya yung librong kulay itim.

"Ano ba 'yang librong iyan?" tanong ko at biglang sinara ni Mimir ang libro.

"Paumanhin ngunit hindi ko maaring ipabasa sa iyo itong libro," sabi niya at inilagay na sa <Inventory> niya ang libro bago kumain.

Matapos mailigpit ang campsite ay agad kaming nagtuloy patungong hilaga, ayon sa <Map> ko ay maraming mga halimaw sa paligid pero hindi sila umaatake, pero may mga pangahas na humarang samin kaya matapos mapatulog ang mga pangahas ay kinuha ko ang mga gamit nila at iniwan na sila nagdadasal na hindi sila atakihin ng halimaw.

Lumipas ang dalawang araw ay nakarating kami sa isang siyudad, bago kami makapasok sa gate ay hiningian kami ng ID kaya pinakita namin ang ID namin at agad na pinapasok, at napagalaman ko na dahil sa madami ang mga nakakapasok na magnanakaw ay ipinag-utos ng governor na hanapan ng ID ang mga papasok.

'May punto ang namamahala, since sinisira ng guild ang mga ID ng mga criminal,' sabi ko sa isipan at biglang nagtaka dahil papaano sila makakakuha ng pera since by card transaction or ID ang pagbayad kaya tinanong ko ang guard.

"Dark guild, ang ID na gawa ng DG ay isang purong itim at walang insignia, hindi rin nakalagay ang pangalan doon, walang nakaka-alam kung papaano nagagawa yung dark ID kaya hindi ko alam kung maitatago ba iyon na kagaya ng Guild Card o hinde," sagot ng guwardiya.

"S-salamat sa info," sabi ko at stiff-legged na naglakad palayo dahil nakita ko na ang ID na tinutukoy nung guwardiya and in-fact meron ako nun, nakuha ko nung nagimbestiga ako sa black market auction, yung binigay ng hari.

'Maipasa nga ang mga laman nun sa guild card ko,' sabi ko sa isipan dahil hindi ko iyon ginamit.

"Ayos ka lang?" tanong ni Lyfa habang naghahanap kami ng matutulugang inn.

"Oo, ayos lang ako, medyo namimintig lang ang binti ko," pagsisinungaling ko at naglakad na ng maayos tutal malayo na kami sa gate.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon