'Asaan ang libingan ni Rafael? Bakit mo natanong?' sabi ni Galice nang tanungin ko siya.
'Naisipan ko lang bumisita,' sabi ko.
'Okay, ituturo ko sa'yo kung saan,' sabi niya at sinabi niya sakin kung nasaan ang libingan.
'Okay, salamat,' sabi ko.
Isang linggo na ang lumipas simula nang mag-meditate ako, sa loob ng isang linggo na yun ay puro information gathering ang ginagawa ko, about sa kung sino si Rafael, yung mga nagawa niya, etc.
"Aalis ka na?" tanong ni Lyfa nang makita akong naglalagay sa may inventory ng mga gamit.
"Oo, gusto mo pumunta sa may Nocturia?" tanong ko.
"Hindi pa pwedeng isama sa paglalakbay si Aria," sabi ni Lyfa, at biglang ikinabig ang mga braso niya sa leeg ko.
"Hindi ko alam kung kelan ka uli makakabalik kaya..." sabi niya kaya napangiti ako at niyakap siya at hinalikan.
Two hours later na ako lumabas sa kwarto.
"Ako din," sabi ni Mimir.
"No, buntis ka," sabi ko at sumimangot siya pero agad siyang namula nang halikan ko siya sa labi.
"Yan lang muna," sabi ko at hinimas ang ulo niya at napansing nagwawala ang buntot niya.
'Kambal nga sila,' sabi ko sa isipan dahil nagwawala din ang buntot ni Lyfa paghinihimas ko ang ulo niya.
Agad akong lumabas at tinawag si Flamma at lumipad papunta sa libingan ni Rafael, nagpunta ako sa may <Montres> dahil malapit doon ang libingan, and unexpectedly, nakita ko doon si Alissa.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko out of curiousity.
"Bibisitahin ko ang mausoleo namin," sabi niya "lahat ng namamatay naming kamag-anak, dun namin nililibing, ikaw? Ano ang kailangan mo dito? Maari kitang matulungan."
"Sorry, pero kailangan kasi ako lang mag-isa, pupunta ako libingan ni Rafael, ang pinakamalakas na tagapangalaga ng apoy," sagot ko.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam na mauuna na.
Agad akong nagpunta sa may libingan at agad na pumasok sa loob.
May mga nagkalat na halimaw doon, mga skeleton na nag-aapoy ang bungo like a certain character sa isang movie, may mga golem din, pero hindi sila umaatake, kaya agad akong nakarating sa may final floor.
"Expected ko, matagal ka pang makakarating," sabi ng isang lalaking nakaupo sa may isang nitso na nandoon, nakasuot siya ng purong itim, at namamaskarahan ng tela ang mukha niya kaya hindi ko makita ang buo niyang mukha, pero kapansin-pansin ang kulay crimson niyang mata.
Kung ano ang suot niya nung makita ko siya sa may isipan ko that time, ganun na ganun pa rin ang suot niya, except sa kamay niya ay isang short sword almost nearing the minimum lenght of a katana.
"Bunutin mo ang espada mo, guardian," sabi niya kaya binunot ko ang dalawang espada sa likod bewang ko "sabihin mo ang pangalan mo, nilalang na gumising sakin."
"Mark Anthony Sevilla," sagot ko.
"Ako naman si Flamma, ang kauna-unahang nangangalaga ng apoy, yun sana ang gusto kong sabihin kaso hindi pa kumpleto, mali, hindi ko kinumpleto ang ascension," sabi niya "so tawagin mo akong Rafael," at pumosisyon siya para umatake kaya naghanda na rin ako.
"Ang parting gift ko, ibibigay ko sa taong kauna-unahang gumising sakin, at ikaw yun," sabi niya "tanggapin mo, danasin mo, gamit ang sarili mong katawan!" at bigla siyang nawala.
Hindi ako agad nakareact, sinipa niya ako sa likuran na nagpatalsik sakin. Agad akong nag-ukemi para makalapag ako sa lupa ng nakatayo pero bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
"<Hacking Stance: Blazing Sword>!" sabi niya kasabay nang paglagay ng espada sa may kaluban na nasa bewang niya at bahagya niya iyong inalabas ang talim at...
Nagkaroon ng malakas na hangin kasabay nang mga nagliliparang sword waves na gawa sa apoy na tumatama sakin, salamat sa complete fire resistance ko, di ako tinatablan ng apoy, pero nasusugatan ako physically at unti-unting mauubos ang HP ko.
Hindi ako makapalag, kahit na mag-counter ako, bigla siyang mawawala at susulpot malapit sakin.
"<Line Drive: Unlimited>," narinig kong bulong niya at bigla siyang nawala kasabay nang pag-ihip ng hangin mula sa iba't-ibang direksyon, sa bawat ng ihip ng hangin ay nagkakaroon ako ng sugat sa katawan.
Nanatili akong nakahiga sa may sahig, puno ng sugat ang katawan unti-unting nauubos ang HP ko dahil sa mga dugo.
Nakikita ko sa isip ko ang lahat ng mga naranasan ko, simula pagkabata, nang mamatay si Eri, nang mamatay si mom, nang mag-asawa uli si dad, nang lumipat ako dahil sa hindi ko kinaya ang bahay, nang mapunta ako dito, nang makilala ko si Lyfa, nang ikasal kami, at ang huling ngiti niya bago ako umalis.
'... hindi ko na makikitang lumaki si Aria... sorry Lyfa...' iyon ang huling pumasok sa isipan ko bago magdilim ang isipan ko.
Yun na yun? Wala ka nang gagawin? Susuko ka na lang? How weak... well, ganyan naman talaga ng mga tao... hmm... gusto mo paring mabuhay at makita ang anak mo? Oh well, fine, pakita mo sakin ang determinasyon mo.
Bigla akong nagdilat, nakita kong unti-unting nagrerecover ang HP ko kaya tumayo ako at nakitang nag-aapoy ang buo kong katawan.
"<Flames of Phoenix>," sabi ni Rafael kaya tinitigan ko siya ng masama habang papatayo ako.
"Magiging masaya 'to," sabi ni Rafael at bigla uling nawala.
Lumitaw siya sa harapan ko at isang overhead slash ang ginawa niya na sinalag ko gamit ang <Umbra> at nakitang nabasag iyon.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang laban namin, katulad kanina, hindi ko mahabol ang mga galaw niya, napuputulan ako ng braso or binti, nasasaksak sa puso pero lagi akong nagigising na para bang naka-idlip lang at nag-aapoy ang katawan, exactly sa may mga sugat ko, ang mga naputol kong parte nang katawan ay nag-aapoy din, and in turn ang apoy na yun ay kumokorte bilang bagong parte ng katawan ko.
Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin, pero okay lang yun, battle of endurance ang gagawin namin, sino ang tatagal, siya ba o ako.
"Tapusin na natin 'to," narinig kong sabi ni Rafael, hindi ko siya makita dahil sa bilis niya at patuloy lang siya sa pag-atake, and then, sinaksak niya ako sa dibdib "ipapaubaya ko na sa'yo ang lahat, alagaan mong maigi itong mundo na ito, protègè," bulong niya at nagdilim na uli ang paligid.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...