-Celine Montemayor-
Nang makita kong may tumamang kidlat kay Cecile, ay biglang sumulpot si Anthony sa harapan ko at sinipa si Cecile.
Nakipag-usap siya ng kaunti, bago sumugod. Hindi ko makita ang galaw nila, masyado silang mabilis, makikita ko na lang na nakayuko na si Cecile inilagan ang hiwang ginawa ni Anthony; or si Anthony na pinagdikit ang hawak na dalawang espada, dinipensahan ang atake ni Cecile gamit ang kanyang pinahabang kuko.
May mga instance na tumatalon si Anthony at biglang may tatama kay Cecile na mga <Lightning Arrow>, <Poison Arrow>, <Piercing Shot>, <Exploding Arrow>, support-fire marahil ni Lyfa.
'Di ako dapat manood lang,' sabi ko at umasinta 'tch, ano ba speed nila, mach 10? Di ko ako makahabol,' reklamo ko dahil hindi ako maka-asinta ng maayos.
'Tama, yung pinag-aaralan kong technique, kaso baka matamaan si Anthony, bahala na nga,' sabi ko sa isipan.
Nang gumamit si Anthony ng <Brandish Cross> isang octuple slash na laging nag-iintersect sa naunang slash na ginawa niya forming 4 crosses na sinundan niya ng <Flare Rain>. Nang lumayo siya ay pinakawalan ko na ang <Track Arrow>, sinira ni Cecile ang palaso gamit ang kamay bago tumalon palayo upang maiwasan ang <Flare Rain>.
'Ayos! Dumikit sa katawan niya!' sabi ko sa isipan.
Nang mawala na ang <Flare Rain> ay nagpakawala ako ng mga palaso, salamat sa <Track Arrow>, sinusundan si Cecile ng mga palaso, saan man siya magpunta.
"Nakaka-irita, mamatay ka!" sabi ni Cecile na biglang napunta sa harap ko at sasaksakin gamit ang kamay.
"Not happening," sabi ni Anthony na sumulpot sa gitna namin ni Cecile at sinalag ang mga kuko ni Cecile gamit ang flat ng espadang hawak niya na may manipis na apoy sa talim "<Blazing Demolition Fist>!" sabi niya at nakita kong nag-apoy ang kaliwa niyang kamao at binigyan si Cecile nang hook punch gamit ang nag-aapoy na kamay.
Sumabog ang suntok ni Anthony at tumalsik si Cecile, hindi pa man siya bumabagsak ay tinamaan nanaman siya ng ilang mga palaso mula kay Lyfa.
Hinggal na hinggal si Anthony habang naka-hawak in reverse hold sa dalawang espada.
Nang tumayo na si Cecile ay nakita kong wala na siyang kanang braso.
"Sadist ako, Cecile," sabi ni Anthony at sa kanyang mukha ay isang ngiting nakakatakot, siguro ang isiping mananalo kami ang nagpapangiti sa kanya, or pwede ring totoo ang sinabi niya, kawawang Lyfa... teka, hindi ito ang oras sa pag-isip ng mga ganung isipin!
Umiling-iling ako upang mawala ang isiping hindi bagay sa laban at umasinta uli.
"Celine, inatake ang kapitolyo, asaan sina Alissa at Rhozanse?" pabulong na tanong ni Anthony.
"Pina-una ko na sila sa kapiyolyo," sabi ko.
"Dadating na sina Luxerra at Galice, hold-out tayo," sabi niya at tatanungin ko na sana kung bakit hold-out pero nakita kong nagkaroon uli ng kamay si Cecile, nakita kong nagkaroon ng thread like flesh sa may braso niya na humaba at kumorteng braso, then kamay hanggang sa naging kamay na iyon ni Cecile.
"Hold-out, okay," sabi ko at hinila ang string ng pana dahil imposibleng mapatay ang mga ganyang nilalang.
-Mark Anthony Sevilla-
'Tsk, may regenaration siya, ang duga,' sabi ko sa isipan at inayos ang pagkakahawak ko sa dalawang espada.
Nang makita ko siyang gumalaw ay sinalubong ko siya. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, binigyan ko siya ng roundhouse kick, na sinalag niya gamit ang braso. Pinahaba niya ang mga kuko at binalak akong kalmutin ngunit sinalag ko ito gamit an <Flame Overseer's Sword> at counter ng hiwa gamit ang <Infernus> na inilagan niya sa pamamagitan ng pagtalon palayo. Agad akong lumusob at ginawang forehand grip ang pagkakahawak ko sa <Infernus> at buong pwersang hiniwa siya, tumalon siya para maiwasan ngunit ang shockwave ng ginawa kong atake ay hiniwa ang katawan niya sa dalawa ngunit bago pa man tuluyang mag-kalayo ang torso at hip part ay biglang nagkaroon ng thread like flesh na nagdugtong sa dalawang nahiwang parte.
"Tch," patunog ko sa dila at tumalon palayo pagkalapag na pagkalapag ko sa lupa ay tinamaan si Cecile ng mga atake nina Lyfa at Celine.
Nang tumigil na ang atake ay bigla akong sumugod, hindi bibigyan ng pagkakataon si Cecile na maka-recover. Pinutol ko ang kamay niya gamit ang <Infernus> ang tanging hawak kong espada na nakakasugat sa kanya, at sinunod ko ang ulo niya, kasabay ng pag-galaw ko para hiwain ang ulo niya ay biglang may namuong dugo sa may naputol niyang kamay na naging karit. Sabay kaming umatake, ako sa leeg siya naman ay sa tagiliran ko. Unang dumikit ang karit niya sakin, ngunit salamat sa suot ko ay hindi nito nagawang bumaon, at pagtapos nun ay pinutol ko na ang ulo ni Cecile in one clean stroke at sinipa ang katawan niya.
Sa pag-sipa kong iyon ay nahiwalay na ang naputol na ulo ni Cecile pero tulad ng sa katawan niya, may thread like flesh na lumitaw sa katawan at dumikit sa ulo, hinila iyon at idinikit muli ang naputol na ulo sa katawan niya.
"Anak ng, mamamatay pa kaya tong babaeng 'to?" bulong ko kasabay ng pagbagsak nina Luxerra at Galice sa gitna namin.
"Nagkita uli tayo," sabi ni Galice at itinutok ang hawak na great sword kay Cecile.
"Ooppsie♪ tagilid ako~ bye bye♪ kita uli tayo asawa ko♪" sabi ni Cecile sabay takbo palayo.
"Hindi ka na makakatakas!" sabi ni Galice at sumugod ngunit bago pa man siya makalapit ay biglang may sumulpot sa gitna nila at sinuntok si Galice.
Sinalag ni Galice ang suntok sa pamamagitan ng pagharang ng espada. Nagkaroon ng pagsabog at napa-atras si Galice ng isang metro.
"R-Rhozanse, anong ibig sabihin nito?!" sabi ni Celine dahil ang humarang kay Cecile ay ang tauhan ni Celine, si Rhozanse.
Imbis na sumagot ay may naipong tubig sa kanyang kamao at isinuntok iyon sa hangin. Tumalsik ang tubig na kumorteng tulos at naging yelo. Pinaulan samin iyon ni Rhozanse at bilang depensa ay gumawa ako ng fire wall; pinaulanan ni Lyfa ng mga palaso si Rhozanse ngunit nagkaroon ng hangin sa kanyang palibot na nagpasawalang bahala sa mga palaso. Nang mawala ang hangin ay nagkaroon ng kidlat sa parehong kamay ni Rhozanse. Ang mga kidlat na iyon ay gumawa ng magnetic field na umipon sa mga iron dust sa paligid, ang iron dust na naipon ay kumorteng tulos na siya namang inihagis samin. Pinalakas ko ang apoy at nang tumama ang iron dust sa apoy ay nalusaw ito, maya-maya pa ay lumingon si Rhozanse sa likod niya at nakita naming wala na si Cecile.
Ngumiti siya at gumawa ng tubig at apoy sa parehong kamay at ipinagdikit iyon upang makagawa ng mist na nagtago sa kanya. Gumawa agad si Luxerra ng hangin upang maalis ang hamog pero nang maalis ay wala na si Rhozanse.
"Tch, oy, kagubatan kilala mo yun?" tanong ni Luxerra.
"Oo, kasamahan ko, si Rhozanse," sagot ni Celine.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...