Chapter 156

1K 45 0
                                    

"Oi, anong ginawa mo?" sabi ni P-knight isang araw nang bumisita siya.

"Huh?" tanong ko.

Ilang araw na ang lumipas simula nung kausapin ko yung pari, pinaubaya ko kina P-knight ang paghahanap sa wind guardian kapalit ang ilang administration work like subdue this monster, subdue that monster, solve this **** on **** village; sina Mimir at Lyfa naman ay nagpapalevel sa umaga, at ngayong free-time ko at nilalaro si Lantis na tawa ng tawa tuwing kinikiliti ko ay dumating si P-knight at iyon ang bungad-sabi niya.

"Anong huh? Paniguradong may alam ka!" sabi niya.

"No, seriously, hindi ko talaga alam," sabi ko.

"Haah... may bagong religion sa bansa, <Faith on the Origin>, pertaining about the true history, at ang <Demon Lord> ang siyang pumatay sa first gen," sabi ni P-knight.

"Surprisingly, marami ang naging devoter ng faith," dugtong niya "around 300K, at halo-halo ang mga race, merong <Human>, <Elf>, <Werebeast>, meron ding <Dwarf> sa faith, tapos ang pope ay isang local fire guardian faith priest."

"..."

"Ba't ka tumahimik, may idea ka ano," sabi niya.

"Yeah... pero hindi ko alam na magiging ganun kabilis ang pag-gawa ng faith kung saan kaming pito ay ituturing lang na apostle at ang true god ay ang creator," sagot ko.

"Then, you failed," sabi niya "kayong pito ang sinasamba sa <Faith on the Origin>, at dahil doon, binabatikos ang bagong faith ng mga simbahan around the world, surprisingly, may mga pari ding from different faiths na umanib sa newly founded faith."

"I-I see..." sabi ko.

"Don't I see me! Alam mo bang maaring magkaroon ng giyera dahil binabansagan silang heretic," sabi niya.

"Grabe, giyera agad," sabi ko at napabuntong-hininga, specially nang tumawag sakin si Celine, mukhang nakarating na din sa kanya ang info; after ni Celine ay si Nekone naman ang tumawag sakin, them si Galice na tinatanong kung anong goal ko sa ginawa ko.

Ba't ba ang bilis kumalat ng info? Iyon ang katanungang namumuo sa isipan ko at naalala ang mga nasa department of foreign affairs.

The next day, pagkagising na pagkagising ko ay agad kong nakita sila Nekone at Celine sa may sitting room ng mansyon.

"Sa wakas gising ka na!" sabi ni Celine.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Explanation mo," sabi ni Nekone kaya pinaliwanag ko ang goals ko, dahil sa ginawa kong alliances nagkaroon ng bad vibes ang mga higher ups ng simbahan kaya sinabi ko ang tunay na history to dispell it, at ngayon turn naman nila dahil hindi titigil ang ibang sect kung hindi rin nila sasabihin sa simbahan ng bansa nila.

"Haah... kailangan ba talaga yan?" tanong ni Nekone.

"Oo, kailangan," sagot ko "yun lang ba habol niyo?" tanong ko.

"Oo, pero makikikain na rin kami dito, after all, maraming may level 18-20 cooking skill dito," sabi ni Celine.

'Well, lahat sila tumutulong sakin tuwing gumagawa ako ng bagong recipe kaya talagang tataas ang skill proficiency nila,' sabi ko sa isipan.

****************************************************************

"Ei, ano na nangyari sa search?" tanong ko sa hari nang magpunta ako para mag-report na naresolba ko na ang goblin infestation.

"Ah, well, dahil sa kakulangan ng mga sundalo, hindi maganda ang progreso ng paghahanap," sagot niya sakin.

"Bakit kasi mga sundalo, ba't di mo gamitin ang shadows or kung ano mang tawag niyo sa spec ops niyo," sabi ko.

"Shadows? Spec ops? Ano yun?" tanong niya.

What the f, seriously? What. The. F.

"Wala kayong elite team?" tanong ko "elite team na gumagawa ng mga dirty works ng palasyo like assasination, covert operations or anything?" tanong ko.

"Wala," sagot niya at nagtitigan lang kami, mata sa mata for unknown seconds.

"Haah... fine," sabi ko "wala kang shadows, fine, kung wala ka, bibigyan kita ng isa," sabi ko at humingi ng list ng mga taong kahit wala sila sa squadron nila ay okay lang, in other words mga problem child, at dahil hindi siya agad makakapagbigay ay binigyan ko siya ng palugit while maghahanda ako sa training place nila, of course sa labas ng siyudad kung saan delikado, dahil spartan training ang gagawin ko. Nagpunta din ako sa <Mountoria> para bumili ng mga kailangang equipments, at kumuha din ng mga problem child doon, the same with <Nocturia> and <Hydroria>

Nang matapos na ay nagbalik ako sa palasyo at kinuha ang list and surprisingly, madami siyang problem child kaya ang total ng mga problem child na hawak ko ay nasa 100.

"Alam niyo ba kung bakit kayo lahat nandito?" tanong ko at syempre hindi nila alam kaya walang makasagot.

"Dahil kayo ang mga bottom feeder sa squadron niyo, mga okay lang kahit wala kayo, mga anytime pwedeng sibakin sa trabaho, mga walang asawa at namumuhay na lang mag-isa," sagot ko sa sariling tanong at lahat sila ay may pained expression "pero babaguhin natin yan, gagawin natin kayong mga elite member ng palasyo, kayong mga <Werebeast>, <Elf> at <Dwarf>, magtratrabaho rin kayo sa palasyo ng <Floria>, wala akong paki-alam sa race, kaya wag kayong mag-aalala sa mga discrimination," sabi ko pero walang na-motivate sa kanila mukhang hindi tumalab ang pag-arte ko "sino gustong makapag-asawa!"

"Ako!" sigaw nila

"Sinong gustong sumikat!" sabi ko.

"Ako!" sigaw nila

"Sinong gustong lumakas!" sabi ko

"Ako!" sigaw nila.

"Then, sasanayin ko kayo para maging elite, magtrabaho sa palasyo at malay niyo makapag-asawa kayo doon, now sinong sasama sa training!" sabi ko.

"Ako!" sigaw nila.

'Peste na, yun lang ang nag-motivate sa kanila,' sabi ko sa isipan.

"Then, welcome to hell," sabi ko at sinimulan na ang training.

After a few more weeks of spartan training naipanganak na ang elite corps with the codename: <Shadow Templar>, isang corps kung saan lahat ang mga 'best of the best' lang ang makakasali; mga taong sa dilim nagtratrabaho, mga taong magaling sa covert operations, mga taong magagawang makapasok at makalabas ng ligtas sa isang bahay with super tight security; mga tinatawag na ninja. Wala akong ginawang iba, pinakain ko lang sila ng luto ko at sinabing yun na ang last nilang makakain ang luto ko, pero magluluto ako sa bahay ko at kung gusto nilang kumain, looban nila ang mansyon ko, kuhain ang luto ko ng walang makaka-alam at makabalik sa training grounds nila, dahil doon, pansamantalang natulog kami nina Lyfa sa may guest mansion dahil sa chaos na bumalot bahay namin dahil sa laban ng <Battle Maids> at <Shadow Templar>. Oo nga pala, pinaparusahan ko silang lahat everytime na may mag-ulat saking maid na may nanloob sa bahay, dahil doon, ipinanganak na ang teamwork nila sa isa't-isa, at after ang first success nila naglagay ako ng mga traps sa bahay, of course yung mga traps na ding iyon ay ang mga traps na itinuro ko sa kanila.

Oo nga pala, dahil sa patuloy na sparring matches ng mga battle maids sa palace knights, ang average level nila ay nasa 150 na, while ang average ng shadow templar ay 50.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon