Chapter 36

2K 115 0
                                    


"Hindi ko aakalain na ganito dito," sabi ko sa sarili habang nakatingin sa bilog na buwang kulay pula, inaalala ang mga sinabi sakin ng dating prinsesa ng Floria at ng asawa niya.

'Ang tawag sa mga half-bloods ay hybrid dahil ang alam nila ay mga anak sila ng halimaw at tao, at dahil din doon pinapatay sila.'

"Hoy, alam kong nandyan kayo," sabi ko at lumabas sina P-knight at Eriole sa may likod ng puno.

"Ano iniisip mo?," tanong ni P-knight.

"Iniisip ko kung ano mangyayari sa oras na makabalik tayo," sabi ko "That's why, we should start planning to stop this foolish war before it even start?" tanong ko at binigyan nila ako ng nagtatakang tingin.

"Tingin mo, anong mangyayari kung makabalik tayo sa Floria with a failed alliance?" tanong ko.

"Babalik ang slavement at matutuloy ang patayan," sagot ni Eriole.

"See, personal na rason lang ang dahilan, pero isang buong bansa ang nakasalalay," sabi ko 'naiisip rin kaya to ng mga pinuno sa mundo namin tuwing gagalaw sila for personal interest?' tanong ko sa isipan.

"May plano ka ano?" tanong ni P-knight na tinanguan ko at sinabi ko sa kanila ang plano dahil sila ang magiging core members ng planong nabuo sa isipan ko.

"Asaan si kuya?" tanong ni Lyfa kinaumagahan ng hindi niya makita ang kapatid.

"Hmm... Ah, bumalik na siya sa kapitolyo, kagabi pa," sabi ko at kinain ang tinapay na inabot sakin 'okay, better start with the preparation,' sabi ko sa isipan.

"Adelaide, tara, aalis na tayo," sabi ni P-knight.

"Okay," sabi niya at tumingin samin ni Lyfa.

"Tayo na lang ang babalik sa Floria," sabi ni P-knight "sa daan na ako magpapaliwanag, kaya tara," sabi niya.

"May plinaplano ka ano?" tanong ni Lyfa.

"Ganoon ba kadali basahin ang mukha ko?" tanong ko.

"Hindi naman gaano," sabi niya.

'Ibig sabihin madali pa rin,' sabi ko sa isipan at nang makita ang asawa ng dating prinsesa ay agad ko itong tinawag para sabihin sa kanya ang binabalak ko at para makatulong na rin sila.

*************************************************************************************

"Mahal na hari! Nadakip na po ang prinsipe Eriole aa bayan ng Carne at kasalukuyang dinadala papunta dito," ulat ng isang kawal "at tulad ng sabi ng mahal na tagapangalaga, ginamitan nga po siya ng isang mind control magic," dugtong ng kawal na kinaalarma ko dahil gawa-gawa ko lang ang mind control magic na yun.

May sinabi sakin ang hari pero hindi ko iyon pinansin sa halip ay pinag-isipang maiigi ang kung anu mang binabalak ni Anthony.

'Sa mga tactic type games madali niya akong natatalo pero anong balak niya, sacrificial piece lang ba sa kanya ang prinsipe? Pero bakit? Kung ako si Anthony, anong gagawin ko... Arrggh! Di ko alam! Papanoorin ko na lang siya sa mga kung anong gagawin niya,' sabi ko sa isipan.

*************************************************************************************

Limang linggo na ang lumipas, patuloy pa rin sila sa paghahanap sakin at patuloy lang din ako sa pagtatago sa settlement kapalit ay ang pagtulong namin ni Lyfa sa mga gawain sa settlement.

"Prinsesa... Asawa mo ba ang tagapangalaga ng apoy?" tanong ni Lamiah habang kumakain kami ng hapunan kaya naman muntik ko na maibuga ang ini-inom na tubig.

"Hindi po, alipin niya ako," sagot ni Lyfa.

"Mas malala pa nga yun eh!" reklamo ko.

"Totoo naman diba?" tanong niya.

"Oo, pero..."

"Ina... Ano po yung alipin?" tanong ng anak nila kaya natigilan kami.

"Uhm... Anak, ipapaliwanag ko sayo pagmalaki ka na," sabi ni Lamiah.

"Bakit?" tanong ni Lyfa sakin dahil nakakunot ako ng noo.

"W-wala," sabi ko at nagtuloy na sa pagkain.

"Anthony," tawag ni Lyfa sakin kinagabihan habang nakahiga ako sa sofa.

"Bakit?" tanong ko at bumaling sa kanya na nakahiga sa sahig na may malambot na kamang yari sa wool ng mga halimaw na tinatawag na Aput.

"Uhm... Wala, wag na lang, good night," sabi ni Lyfa at ipinikit na niya ang mga mata.


'Malapit na, malapit na matapos 'to' sabi ko sa isipan at ipinikit na ang mga mata.


*************************************************************************************

"Ngayon, paano ko kaya 'to makukuhaan ng info," bulong ko sa sarili habang nakatingin sa listahan ng mga heneral na sasali sa giyerang mangyayari.

"Mahal na prinsipe," tawag ng isang maid sa labas.

"Bakit?" tanong ko.

"Nais kang makita ni Duke Zedrick," sabi niya.

"Papasukin mo," sabi ko at bumukas ang pinto at pumasok ang matalik kong kaibigan.

"Kamusta na siya?" tanong niya at panigurado akong tinutukoy niya ay ang kapatid ko.

"Ayos lang siya," sabi ko at napangiti siya.

"Oo nga pala," sabi niya at lumapit sakin saka patagong inabot ang isang papel "yan ang mga skills na nakita kong ginamit ng tagapangalaga," bulong niya.

"Okay," sabi ko "handa ka na ba? Isang linggo na lang," tanong ko sa kanya.

"Oo naman," sabi niya.

"Ano nga pala sabi ng mga magulang mo?" tanong ko.

"Gawin mo ang kung anong sa tingin mo ay tama," sagot niya at tumingin sa labas ng bintana "Eriole," tawag niya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Parang may nagmamasid satin kanina," sabi niya kaya napalapit ako sa bintana "may nakita akong tumalon palayo eh," sabi niya kaya napatunog ko ang dila.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon