Tulad nga ng sinabi ko kay Mark Anthony, inimbestigahan ko ang mga paukol sa pang-aalipin, sinubukan kong itanong sa isang opisyales pero hindi niya ibinigay ang nais kong inpormasyon sa halip ay binalak pa akong ilayo sa inpormasyong gusto ko, kaya naman nag-imbestiga ako ng patago.
With a cover of training, nag-iimbestiga ako, pumupunta sa mga bayan at nagtatanong-tanong doon incognito hanggang sa nakita ko na ang brothel pero wala na iyon at ang natira ay ang kwintas na nakuha ko sa isang camp site.
"Pero anong insignia ito?" tanong ko sa sarili habang nagpapahinga sa isang hotel room, sinubukan ko ng gamitan ito ng <Judge> pero ang nakuha ko lang ay <???>.
"Haah... no choice," sabi ko at pinindot ang <Friend> icon, hinighlight ang pangalan ni Mark Anthony, double click para lumabas ang dalawang option na <Track> at <Connect>.
Una kong pinindot ang <Connect> pero hindi ako makakonekta, siguro na isa siyang kweba or something kaya pinindot ko ang track at nakita siya sa may isang kweba malapit sa may isang fishing village, seven days of travel ang layo kung gagamit ako ng <Oyabak>.
Agad akong nag check-out sa inn at pumunta sa gubat.
"Summon! <Aqua>" tawag ko sa aking Familiar na nakuha ko sa isang parting gift. Nagkaroon ng tubig sa aking harapan, lumaki ng lumaki ang tubig hanggang sa nag-anyo itong dragon, sa unang tingin para itong tunay na asul na dragon pero kung lalapit na at titignang maiigi makikitang yari sa tubig ang mga kaliskis niya. Sinakyan ko si Aqua at sinabing pumunta sa fishing village na malapit sa kinalalagyan ni Mark Anthony, nagkaroon uli ng tubig sa hangin na kumunekta kay <Aqua> at naging isang pakpak na siyang ginamit nito upang lumipad patungo sa village na iyon.
Nakarating ako sa may village nang magdapit-hapon. Payapa ang village at mababait ang mga tao, ngunit pansin ko para sa isang fishing village, maraming mga taong may dalang espada at pana.
Dumiretso ako sa kweba at pagpasok na pagpasok ko ay:
"<Aqua Barrier V>!" gamit ko sa skill nang bigla akong paulanan ng mga mahika at palaso.
Madilim ang paligid dahilan upang hindi ko makita kung saan nakapuwesto ang mga umaatake sakin para maka-counter kaya naman naghagis ako ng isang kulay puting crystal at "<Fiat Lux>!" sigaw ko sa keyword.
Nagliwanag bigla ang crystal, saglit lang iyon dahil sinira agad nang isa sa mga umaatake pero ang saglit na iyon ay sapat na para makita ko sila "<Hydro Blast>!" gamit ko sa skill at mula sa aking wand, isang malaking blast ng tubig ang lumabas at tumama sa mga assailant, proweba ang narinig kong pagtama ng mga katawan nila sa pader.
"Damn, ano ba nangyari kay Mark Anthony," sabi ko "at tinawag ang dalawa sa mga familiar ko: si <Aqua> at <Neptune> para makatulong ko sa mga aatake pa sakin bago naglabas ng isa pang light crystal para maging liwanag ko sa dilim.
****************************************************************
"Sinasalakay tayo!" narinig kong sabi ng isang sundalo kaya agad kaming napalabas sa kusina.
"Ilan?" tanong ni Heneral Luna.
"Isa lang komander, hindi namin nakita ang mukha sa dilim kaya hindi namin matukoy kung sino," sagot niya at pumasok sa isang tent.
"Man your post!" sigaw ni Heneral Luna.
"Pupuntahan ko lang si Mimir," sabi ko at tinungo si Mimir sa tent.
"Mimir!" sabi ko sabay pasok sa loob which is a bad timing dahil nasa kalagitnaan siya ng pagbibihis "sorry, pero sinasalakay tayo, alam kong hindi ka pa nakakarecover pero kailangan natin silang tulungan," sabi ko at sinuot niya muli ang tinatanggal at naghanda sa laban.
Huminga muna siya ng malalim bago sinabing "tara," sabay kuha sa baril niya na nakasandig sa may kama.
Agad kaming pumuwesto sa may ikalawang lagusan bago makarating sa kampo, at ang sumalubong samin ay isang kulay asul na lobo.
Binaril agad ni Mimir lobo pero tumagos lang ito sa halimaw.
"What?!" gulat kong sabi.
Sumugod patungo samin ang halimaw, agad kong binunot ang espada sa may likod-bewang at hiniwa ang halimaw, naramdaman ko ang pakiramdam nung hinihiwa ko ang mga <Slime> ang kaibahan lang ay hindi agad namatay ang halimaw.
"Tss, <Analyze>!" gamit ko sa skill ngunit walang lumabas na kung anong info paukol sa halimaw "isang hindi kilalang halimaw? Mimir! Imposibleng walang kahinaan itong halimaw, magtago ka at hanapin mo yun, pagnakita mo na, alam mo na ang gagawin," utos ko at tumakbo palayo si Mimir.
"<Mana Blade>," gamit ko at lumikha ng isa pang patalim para sa kaliwa kong kamay "<Enchant: Fire>" sabi ko at nag-apoy ang parehong talim ng espada "come on, boy," sabi ko at sumugod ang lobo.
Nang tumalon ang lobo para ako'y sakmalin, agad akong yumuko para makailag at counter ng vertical slash sa may tiyan nito. Umusok ang parteng nahiwa ko at umangil ito.
"<Heat Wave>!" at winasiwas ko ang espada sa kanan ko at nagkaroon ng wave na nagdiretso sa halimaw, umikot ako counter-clockwise para maiwasiwas ang nasa kaliwa ko ng pahiga para sa isang follow-up attack ng <Heat Wave> "<Cross Wave>," sambit ko nang makarinig ng notification.
Umangil muli ang halimaw at bumuga ng tubig mula sa bibig nito. Hindi ko inasahan ang atake kaya tinamaan ako at dahil sa impact na maihahalintulad sa bomba ng mga bumbero, tumalsik ako at tumama sa pader na nasa likuran ko.
"Aray... lintek na," sabi ko at nakitang almost 1/2 kaagad ang HP ko 'damn, counter-element.'
Bumuga uli ang halimaw ng tubig pero sa oras na ito ay nagkaroon ng tubig na pumaligid sakin at nagsilbing pananggala laban sa tubig na ibinuga ng halimaw.
"I, the one who overseers the flame, protector of the world, seeks the power of the creator, the origin of the world, let thy principles be cut and retied, laws broken and recreated. I, the guardian of fire orders my element to do my bidding," baybay ko at habang nagbabaybay ay may naiipong enerhiya sa espada ko sa kanan "flames, sit upon the blazing sky and pass judgement to the foolish sinner who dare to cross swords with me!" at nireverse ko ang paghawak sa espada at "<Lost Seraph>!" winasiwas ko ang espada sa kanan ng pahiga, nagtuloy at umikot at sinundan nang vertical slash nang makapag full rotation.
Ang cross na nabuo sa ginawa ko ay nag-anyong ibon at dumiretso sa halimaw. Direktang tinamaan ang halimaw na siyang nakulong sa buhawing apoy nang madikitan ng skill ko, nang mawala ang buhawi ay nag-iwan ito ng ilang bolang apoy na nagdiretso din sa halimaw. Nang mawala ang usok na gawa ng mga atake ko ay nandoon parin ang halimaw, umuusok ang buong katawan.
"Pashneya!" sigaw ko ginagaya ang sikat na palabas nung kabataan ko "SS ko na nga buhay ka pa rin!" reklamo ko at nag dive-roll upang maiwasan ang buga nitong tubig.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...