Chapter 60

1.7K 95 3
                                    

Matapos ikuwento sakin ni Ricotta ang tunay na history, pati love story nila napasama, ay madilim na kaya inaya na niya akong sa guild magpalipas ng gabi.

Nang mag-umaga ay agad akong umalis at bumisita sa mga bayang madadaanan at nakikita ko ang mga miyembro ng Dark Carnage na nagbabantay sa mga alagaing halimaw.

Dahil sa paulit-ulit kong pagbisita sa mga nadadaanang mga bayan ay ilang araw ang kinailangan ko para makabalik sa kapitolyo at ang unang sumalubong sakin ay isang plains na nababakuran ng bakod na yari sa kahoy, apparently iyon ang stage sa gaganaping turneyo at bukas na ang semi-finals kaya agad kong pinuntahan ang ari sa opisina niya, since ginagamit lang ang throne room sa mga mahahalagang bagay at seremonyas.

"Patingin ako ng mga kalahok sa finals," bungad sabi ko sa hari at binigay niya sakin ay ang apat na pirasong papel na naglalaman ng deskripsyon ng mga semi-finalist at kabilang doon si Galice.

"Ugh... Pwedeng kontakin tong lalaking to?" sabi ko.

"Maari po ngunit, bakit?" tanong ng hari.

"Uhm... Alam mo ba ang kwento ng tagapangalaga ng dilim at liwanag?" tanong ko.

"Ahh... Kung saan nagtraydor ang tagapangalaga ng dilim at ngayon ay pinaghahanap ng liwanag?" tanong ng hari at dahil doon ay hindi na ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin na lang sa kanya "bakit?"

"... W-wala, sige wag na lang," sabi ko 'alam ko na kung bakit ka nagtatago Galice, tama nga si Ricotta, paniguradong magagalit siya dahil doon.'

"Kokontakin ko pa ba ang lalaking ito?" tanong ng hari.

"Wag na lang," sabi ko at binigay ang mga papel "ah, oo nga pala, si Lafayette?"

"Hindi pa po bumabalik," sagot ng hari at tumango ako.

"Okay, anong oras ang simula bukas?" tanong ko tinutukoy ang paligsahan.

"Tatlong oras matapos sumikat ang araw," sagot ng hari.

"Okay, kung may kailangan ka, sa may silid lang ako, magpapahinga mula sa malayong paglalakbay," sabi ko at tumango ang hari at muling may binasang report, nagka-urge akong tignan ang report pero ang sabi ni Anthony, hindi ko kailangang hawakan ang politika, ang mahalaga lang ay protektahan ko ang bansa at supportahan ang palasyo kaya pinabayaan ko na lang siya at lumabas na ng opisina niya.

Habang nasa loob ng silid, pinag-iisipan ko na ang una kong pupuntahan matapos ang turneyo kasama ang mananalo sa paligsahan, at naalala ko ang sinabi ni Ricotta paukol sa Mountoria.

'Okay, after kong pumunta sa Floria for a quick visit, pupuntahan ko ang Mountoria,' sabi ko sa isipan bago magdesisyong matulog na muna pansamantala.

Dahil siguro sa pagod ko, nagising na ko kinaumagahan at eto, naka-upo sa may fence ng stage, kumakain ng isang kebab bilang almusal, pinapanood ang laban ng isang lalaking, Hybrid ata, kasi florian ang itsura niya, at ng isang were-dog na babae.

"...Sit upon the blazing sky! <Fury Phoenix>!" sabi ng were-dog at mula sa wand niya, isang apoy na kumorteng ibon ang siyang dumiretso sa lalaki, mabilis ang apoy ngunit nagawa itong mailagan ng lalaki sa pamamagitan ng pagtalon pagilid.

Kahit na nailagan ang atake ng babae, nagtuloy-tuloy lang ito, nag-iiwan ng apoy sa bawat daanan at napansin ko ang babaeng ginagalaw ang wand niya na animo'y kinokontrol ang apoy.

"Anong spell yung ginamit niya?" tanong ko sa isang castle mage.

"High Class Choral Magic <Fury Phoenix>, at para magamit niya at makontrol ang mahika ng mag-isa, napakahusay niya," sagot sakin ng babae.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon