Nang makarating kami sa gilid ng hamog, nakita ko na maliban sa mga zombie-like undead ay may mga skeleton pa na may hawak na espada at shield; ang ibang skeleton ay palakol ang hawak, ang iba naman ay dual wielding; meron ding mga skeleton archer pero nasa pinaka-loob pa at tanging mga silhouette lang ang nakikita ko.
"<Ifrit>, <Hellwave>, sa mga kalansay," sabi ko at sumigaw uli ang ibon at pinagaspas ang mga pakpak, maya-maya pa ay nagkaroon ng crack sa lupa at mula sa mga crack na iyon ay isang high-temperature flames ang lumabas with a range of 15 meters diameter, annihilating all skeletons.
Habang ginagawa ni <Ifrit> ang <Hellwave>, ay gumamit din ako, gamit ang dalawang kamay for dual-cast, gumamit ako ng isang malaking range ng <Flare Storm> para sa lahat ng nasa paligid at <Ping-Pong Mana Bolt> para sa mga wala sa range ng <Flare Storm>.
Nang matapos ang spell, ay abo na lang ang mga natira, pati ang lupa ay nasunog, making it black.
"Be ready," sabi ko at gumawa ng <Fire Blade>, isang mana blade with fire element, at isang normal na <Mana Blade>.
"Tara," sabi ko matapos maglagay ng palaso sa pana si Lyfa, at matapos mag-cast si Mimir ng supportive spells.
Dahan-dahan kaming naglakad, maingat na tinatahak ang <Cursed Plains> dahil mababa ang visibility salamat sa hamog, pasalamat ko na lang at nasa balikat ko si <Ifrit> upang makita namin ang isa't-isa.
Pero dahil din kay <Ifrit> kaya marami kaming undead na nakakalaban, dahil binibigay niya ang lokasyon namin.
"Mark, cover, naubos na ang palaso sa hita ko," sabi ni Lyfa.
"<Fire Wall>!" sigaw ko at napaligiran kami ng apoy na may taas na isang metro, dahilan para makita ko ang paligid at napanganga dahil sa dami nila.
"[I, command the powers of origin, I have read and deciphered the laws of nature, water, crush my enemies,]" chant ni Mimir "<Aqua Hammer>!" at biglang nagkaroon ng waterfalls sa ibabaw ng ilang skeleton, tinamaan ang mga skeleton at nabasag ang mga buto nito, kaya naman hindi na nito nagawang mabuo uli.
Nagpakawala si Lyfa ng palaso at tumama iyon sa ulo ng isang zombie, nang sumabog ang palaso ay nahagip ng pagsabog ang mga nakapalibot na skeleton dahilan para magkalasog-lasog ito, pero matapos ang tatlong segundo ay nabuo uli ang mga ito.
"Tch," patunog ko ng dila at gagamit na sana ng isang AoE spell ngunit
"Yuko!" sabay na sigaw nina Lyfa at Mimir kaya yumuko ako at mula sa kaliwa ko, isang lightning bolt ang lumagpas sa kung nasaan ang ulo ko kanina kung hindi ako yumuko at tumama sa isang zombie na natusta.
"What?! PVP?!" gulat kong sabi at tinignan ang may sala at nakita ang isang kalansay na may hawak na staff "what... <Analyze>,"
<Undead Lich>
Rank: C
Level: 60
HP : ???/???
MP : ???/???
STR: 0
AGI: 100
VIT: 10
INT: 4000
"Anong 'to?! Wala 'to sa info na nakuha ko!" reklamo ko.
"<Undead Lich>, isang variant ng <Skeletal Mage> na may kakayahang mag-isip," narinig kong sabi ng isang babae na nagpatigas buo kong katawan.
Agad akong tumingala, pinapanalangin na sana mali ako ang nadinig pero hindi iyon natupad, dahil nakita ko si Cecile, na may pakpak ng katulad ng sa isang paniki, lumilipad at nasa ibabaw lang namin.
"Hi♪ mahal ko, na-miss mo ako?" sabi niya at tumagilid upang maiwasan ang palasong pinakawalan ni Lyfa at ang aqua bolt na isinunod ni Mimir.
"Tch," sabay na patunog ng dila nina Lyfa at Mimir.
Kumunot ang noo ni Cecile nang makita ang dalawa, pinahaba niya ang mga kuko at naghanda sa paglusob, cue ko para gamitin ang
"<Retreat>!" sigaw ko bago pa tuluyang makalusob si Cecile upang makatakas kami.
"Hindi tayo mananalo sa kanya," sabi ko kina Lyfa at Mimir nang mabalik kami sa <Town of Herling>.
"— oo, na-enkuwentro namin siya dito," narinig kong sabi ni Lyfa kaya naalala ko ang sinabi nina Luxerra at Galice, tawagin sila pagna-enkuwentro muli si Cecile dahil may kailangan silang malaman.
"Nasa malapit lang si Luxerra, at papunta na ri—"
"Andito na ako," sabi ni Luxerra, hindi man lang pinatapos si Lyfa.
Nakasuot si Luxerra ng isang pure white robe na may metal sa balikat at chest part; sa kamay niya ay isang mahabang staff na may orbeng kulay puti sa dulo at sa kabilang dulo ay may maliit iyong patalim, nakita ko na ang staff na iyon, di ko lang mawari kung saan kaya ginamitan ko iyon ng <Judge>.
<SAPERE AUDE>
Attack +10
Magic Damage +1000
Magic Defense +1000
Light Enchanted(Large)
Auto(Holy Bolt)
<Holy Lightning>
Chant Omission
Curse Immunity
Magic Absorbtion
Quality: Legendary
"What? Anong staff iyan," di ko maiwasang sambitin.
"Hmm? Etong staff na ito? Nakuha ko ito sa mensahero ni ama nang ipaalam ko na may pumatay kina Flamma," sagot niya "wala pa ngang card 'to eh, kasi wala akong makitang magandang card na pwedeng isalpak dito, tri-slot pa naman."
"Sad to say, bounded, cannot be sealed," sabi ni Luxerra bago pa ako makapagsabi ng pahiram.
"So, ikuwento mo na ang mga nangyari," sabi niya kaya ikinuwento na namin ang lahat ng nangyari, simula nung matanaw namin ang <Cursed Plains>.
"Ano ginagawa niya dun?" tanong ni Luxerra.
"Ewan, siguro dahil sakin?" tanong ko dahil hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit andoon siya.
"Manatili muna kayo rito, ng isang linggo, antayin niyo siya, pagdumating siya, ako na ang bahala, kontakin niyo na rin si Noir," sabi ko.
"Kinontak ko, hinahabol daw nila ni Ricotta yung isang binuhay nung summoner, ayon kay Galice, tinatawag niya ang sarili niyang <Envy>," sabi ko.
"Tsk, dalawa na sila, etong Cecile na ito at iyang <Envy> na iyan," sabi ni Luxerra.
"Anyway wala tayong mapapala dito, tara at maghanap ng posada," sabi niya.
"Okay," sabay naming sagot nina Lyfa at Mimir.
Pero kahit na sinabi ni Luxerra na maghanap ng posada, madali naman kaming naka-kita, nagpalit nga pala si Luxerra ng equipments dahil takaw pansin ang true-equipment niya bago kami magcheck-in sa posada, kaya isang mukhang normal na robang puti ang suot niya at isang sanga ng puno bilang staff; nasabi kong mukhang normal na roba ang suot niya dahil ang suot niya ay ang <Robe of Light> isang roba na kapantay ng <Oracle's Robe> na suot niya kanina; at ang staff ay binigay sa kanya ng creator nung ipa-alaga na sa kanila ang mundong ito, ang <Ygdrassil Branch>, na halos kapantay lang din ng <Sapere Aude>, at tulad ng <Sapere Aude> isang unsealable bounded item.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...