"Gusto niyo bang sumama sa-- kay Mark?" tanong ni Luxerra.
"Sumama sa tagapangalaga? Maging asawa?" tanong ng babaeng nabunggo ko.
"Hinde, ibig kong sabihin ay samahan siyang protektahan itong mundo," sabi ni Luxerra at nakita ko ang pagkamangha sa mga mata ng bata "pero pagsumama kayo, marami kayong kakaharaping panganib, maraming halimaw na ma-eenkuwentro at maari niyong ikamatay, dahil sa oras na may lumabas na malaking halimaw, hindi niya kayo mapoprotektahan," at nawala ang pagkamangha at napalitan ng takot.
"Pwede po ba namin sabihin kay elder?" tanong ni Lulu.
"Hinde, kasi paniguradong sasabihin niya na sumama kayo, mapanganib kaya gusto ko kayo ang mag-desisyon, kung ayaw niyo pabor sakin iyon," sabi ko.
"Okay," sabi ng babaeng nakabungguan ko "sasama ako."
"Eh?" tanong ko.
"Sasama si ate Lina? Sama rin ako!" sabi ni Lulu sabay taas ng kamay.
"Lulu, hindi ito laro, isipin mong maiigi, kung hindi mo magagawang protektahan ang sarili mo, mamatay ka sa paglalakbay," sabi ko.
"Then, magsasanay po kami, tulad po nina Ate Mimir at Ate Lyfa, nagsasanay sila para protektahan ang sarili nila hindi po ba?" sabi niya na para bang hindi isang limang taong gulang na bata at naalala ko ang isang kailangan dun sa dambana, matalino.
"Tumutulong din sina Lyfa at Mimir kay Mark sa paglaban sa isang malaking halimaw," sabi ni Luxerra "maari niyong ikamatay ang pakikipaglaban sa kanila."
"Sasama pa rin po ako," sabi ni Lina.
"Kung sasama ang ate, sasama rin po ako," sabi ni Lulu.
"Sure?" tanong ko
"Opo," sabay nilang sagot.
"Okay, Mark, alam mo na," sabi ni Luxerra sabay tingin sakin.
"Okay," sabi ko "kayong dalawa, tara sa dambana, sasabihan ko yung head shrine maiden."
*******************************************************************************************
"Lina! Lulu!" alalang tawag ng head shrine maiden nang makarating kami "saan ba kayo nagpunta! Pinag-alala niyo kami!"
"Wag mo pagalitan, natakot silang umuwi ng hindi nagagawa ang inutos sa kanila," sabi ko at nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.
"Lina, Lulu, malaki ang pinagkaiba ng hindi nagawa sa hindi ginawa," malumanay niyang sabi "ang papagalitan lang ay ang ayaw sumunod at ayaw gawin ang ipinag-uutos," sabi niya na tinanguan ng dalawa.
"Mahal na tagapangalaga, salamat at iyong inihatid sa aming dambana ang dalawang bata at paumanhin dahil ipinag-utos kong sundan ka nila," sabi niya at itinaas ko lang ang kamay ko.
"Pumunta na kayo sa silid sanayan sa pagsayaw," sabi niya.
"Pwede ba tayong mag-usap, paukol sa dalawang iyon," sabi ko nang umalis na ang dalawa "ano relasyon nila sa isa't-isa?" tanong ko out of curiosity dahil sa naging interaction kanina sa may posada.
"Ah, tatlong taon pa lang si Lulu nang dalhin siya dito ng pamilya niya para mailigtas sa mga naghahangad na saktan ang pamilya nila, dahil itatapon niya ang apelido ay ligtas siya," sabi ng head shrine maiden "at si Lina, ang nag-aalo sa kanya sa tuwing umiiyak siya sa kalungkutan dahil hindi niya makita ang ina."
'Lina, ikaw ba si Sarah,' sabi ko sa isipan.
"I see..." sabi ko "kukunin ko silang dalawa," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...