Matapos silang maturuan ay agad kaming naghanda sa pag-alis, at saktong hating-gabi, ay lumarga na kami papuntang <Atlantika>.
"Hindi ko aakalaing ganito kadali gumamit nito," sabi niya matapos makapatay ng isang halimaw gamit ang snipe niya.
"Nasasabi mo lang iyan dahil mababa ang recoil ng baril na iyan," sabi ko.
"Recoil?" tanong niya "ngayong sinabi mo iyan, meron nga, pero ba't meron?" tanong niya habang naglalakad kami kaya pinaliwanag ko sa abot ng makakaya ko ang patungkol sa pulbura "hindi ba pwedeng lagyan na lang nila ng fire magic ang mga metal na tinatawag niyong bala imbis na pulbura?"
"Okay, yun na lang ang isipin mo, maglalagay sila ng fire magic sa mga bala at sasabog iyon sa loob ng baril sa oras na pindutin mo ang gatilyo at magkakaroon ng impact na magiging recoil," sabi ko.
"Okay," sabi niya.
"Tsaka, nainpluwensiyahan na iyan ng <Status>," sabi ko.
"Paano mo nasabi?" tanong niya.
"Kung mababa ang <AGI> mo, mabagal ang lipad ng bala at malaki ang recoil, nasubukan ko na yan, gamit yung mga batang pinadala ko sa Floria," sagot ko.
"Mukhang maraming nangyari habang wala kami," sabi niya.
"Yup, marami nga," sagot ko.
Nang makarating kami sa may tarangkahan ng <Atlantika> gabi ng phlegein, pinagkampo ko sila hindi kalayuan sa tarangkahan at tinignan kung nasaan na si Nekone gamit ang <Track> ng friend list at nakita siya sa sa may kapitolyo with the icon of a dot na katulad ng akin pero kulay asul ang kanya, galaw ng galaw ang dot then after a while ay umalis na ito ng kapitilyo at mabilis na patungo sa <Atlantika>, may nadadaanang mga bundok ang dot pero tumatagos lang iyon most likely lunilipad siya sa tulong ni <Aqua> na isang familliar.
"Papasok ako sa loob, maiwan kayo rito," sabi ko.
"Maghahalungkat lang ako ng inpormasyon," sabi ko nang tumayo si Mimir "on second thought... sige Mimir, tara."
Pumasok kami sa loob ng <Atlantika> gamit ang illusion spell ko at nagtungo sa pinakamalaking espasyo sa siyudad pero tago pa rin sa mga mata ng tao. Maya-maya pa ay lumapag doon ang sinasakyan ni Nekone.
"Ano?" bating-tanong ko sa kanya.
Itinaas niya ang kanang kamay at huminga ng paulit-ulit na para bang kinakalma ang sarili pero mukang bigo siya dahil nang idilat niya ang mga mata ay bigla niya akong sinuntok sa dibdib, hindi naman malakas ang suntok niya dahil maihhalintulad iyon sa isang suntok ng bata.
"Para saan 'yun?" tanong ko.
"Sorry, pero kesa naman suntukin ko ang pader na malaki ang tsang magkabitak, ikaw na lang," sagot niya "anyway ang dahilan kasi ay may nalaman ako habang patungo rito salamat sa mga familliar na pinakawalan ko sa opisyales ng palasyo."
"Ano yun?" tanong ko.
"Nakahanda na raw ang mga iimbitahin sa gaganaping handaan, inaantay na lang ang walanghiyang may hawak sa brothel dito," sagot niya "tapos, marami-rami daw ang na-ani nila, curious kasi hindi naman harvesting season kaya pinaimbestigahan kong mabuti at nakita ang ilang dinakip na elf."
"Waa... That's bad," sabi ko "asaan yung mga dinakip?"
"On transport," sagot niya.
"Saan patungo?" tanong ko.
"Mountoria," sagot niya "at ang sinasabi ng mga papel ay evacuation, ugh."
Dahil sa narinig ay agad akong napapikit, at nang dumilat ay agad ko siyang tinanong ng "ano pang ginagawa mo rito?"
"... Gusto kong tulungan sila pero paano naman -"
"Dalawa tayong tagapangalaga, hello~" sabi ko.
"Aalamin ko pa kung saan, paano kung mahuli ako, paano kung makarating na sila ng Mountoria?" pessimistic niyang sagot.
"Ang mountoria huh..." sabi ko "then sasakay sila sa isang barko."
"Oo, pero madami ang sea port dito sa Hydroria," sagit niya.
"Madami nga pero kung alam natin kung nasaan ang Mountoria, pwede natin silang salubungin," sabi ko at tinignan ang <Map>.
Ang bansa ng Hydroria ay nasa kontinente ng Amerika sa earth map standard; ang Floria naman ay nasa Europe; nasa Africa naman ang Nocturia. Kung titignan ay lahat ng mga bansa ay nakalocate sa mga kontinente, dahil sa earth map standard ay may pitong kontinente: Asia, North and South America, Africa, Europe, Autralia, at Antartic.
"Bat ba nagpapakahirap akong mag-isip dito," sabi ko at tinignan si Nekone "may papel ka ba diyan at panulat?"
"Meron eto," sabi niya at nag-abot ng papel, quill, at ink mula sa inventory niya "aanuhin mo?"
"Guguhit ako ng world map," sabi ko.
"Hindi na kailangan," sabi niya at naglabas ng isang world map pero blanko ang mga ibang kontinente maliban lang sa <Hydroria> "ginuhit ko kahapon."
"Much better," sabi ko at kinuha ang mapa "tara sa kampo," sabi ko at hinila si Nekone.
"Kampo?" tanong niya.
"Mamaya na ako magpapaliwanag," sabi ko habang hila-hila siya.
Nang makarating kami sa kampo, agad na tinutukan ng mga elite ten si Nekone ng mga hawak na baril, salamat lang sakin kaya binaba nila.
"Princess," tawag ko at agad siyang lumapit.
"Isang Floriana?" tanong niya nang makita si Nekone.
"Hinde, siya ang tagapangalaga ng tubig na -wow, easy girl, easy, mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo," sabi ko nang itutok niya ang staff na hawak kay Nekone "anyway, nakita mo na si Orin?" tanong ko at tumango siya "saan makikita ang mga kauri niya?" at pinakita ko ang wotld map na ginuhit ni Nekone kung saan tinuro niya ang isang hindi inaasahang kontinente, ang pinakamalaki sa lahat: ang Asia.
"I see," sabi ko "ibig sabihin ang maaring daan nila ay sa kung saan hindi madadaanan ang <Floria>, most likely dito sila dadaan, pero hindi ako sigurado doon."
"Maari bang malaman ang sitwasyon?" tanong ni Lunaria.
"Simple lang naman," sagot ko at inulat sa kanila ang mga sinabi ni Nekone.
"Paano natin sila masasalubong?" tanong ni Lunaria.
"Kami lang ang sasalubong sa kanila," sagot ko "sasakay si Nekone kay <Aqua> at gagamitin ko ang <Flight> at para mahanap sila, <Flamma>!" tawag ko sa pamilyar "merong isang barkong patungo ng <Mountoria, hanapin mo iyon at ipakita mo sakin ang itsura," utos ko at lumipad na palayo ang pamilyar.
"<Hydor>," sabi ni Nekone at may namuong tubig sa lupa na nag-anyong isda "may mga dinakip na mamamayan at patungong <Mountoria> hanapin mo ang barko," utos niya at biglang nawala ang isdang tubig na para bang sinipsip ng lupa.
"Phew... one down, for the other one," sabi ni Nekone at tumungin sa <Atlantika>.
"Ah, right, Princess, sa explanation kung bakit andito si Nekone ay..." at sinabi ko na sa kanya ang lahat ng nangyari.
"At, Nekone, pwede mo bang gawing desipulo si Mimir?" tanong ko na ikinabigla ni Mimir.
"<Apprenticeship>? Paano gagawin?" tanong niya kaya tinuro ko sa kanya.
"Mmm... okay, tara," sabi niya at hinila si Mimir after a while ay bumalik na sila at nakita kong nawala na ang slave seal kay Mimir.
"... Damn, nawala na proteksyon ko," bulong ko sa pagkawala ng pangalan ni Mimir sa slave tab.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...