Chapter 162

887 42 0
                                    

"Mimir, may ibibigay ako sa'yo," sabi ko nang maka-uwi sa bahay.

"Kay Mimir lang?" sabi ni Lyfa sakin with a pout.

"Yeah, dapat kasi noon ko pa binigay pero... well <Destruction Incarnate> ang titulo ng baril," sabi ko at inilabas ang selyadong baril.

"Ito ay..." sabi ni Mimir.

"<Railgun>," sagot ko.

"Rail what?" tanong ni Lyfa.

"Railgun, isang uri ng baril from earth," sabi ko "nakuha ko sa iniwan ni Hephaestus na blueprints."

"Paano gamitin?" tanong niya kaya tinuro ko kung paano, sinabi ko rin kung bakit hindi ko agad binigay sa kanya.

"Seriously, isang baril na nagpapakawala ng bala sa bilis na 10KM/S kahit na level 50 at may 30 AGI lang, paano pa kaya kung..."

"Wag mo na sabihin," sabi ko pinuputol ang sasabihin ni Mimir at binigay din ang pistol version ng railgun.

"Eto ay..."

"Pistol version, ang bilis ng bala ay 2.5KM/S same level and agi ang user," sabi ko.

"Nice, so basically, gagamitin ko lang itong rifle in serious combats? Tapos pistol and magic lang ako?" tanong niya.

"Parang ganun na nga," sabi ko.

"Okay, magsasanay ako sa may <Herling Ghost Town>," sabi ni Mimir.

"Ingat ka," sabi ko.

"Yes, I will," sabi niya at umalis na.

*****************************************************************

Gabi bago kami lumusob, nanaginip ako, isang magic circle na kulay pula na may fire insignia at symbols sa border.

Nang magising ako, pumasok sa isipan ko na isa iyong parte ng sealing array, hindi ko lang makuha kung bakit ko iyon napanaginipan.

"Handa na kayo?" tanong samin ni Galice at lahat kami tumango kaya agad kaming sumakay sa dragon familliar ni Luxerra, na may ability na light deflection, sa madaling salita, invisibility, what a cheat.

"Nanaginip nga pala ako ng isang magic circle na part ng isang sealing array," open ko habang papunta kami sa south pole.

"Eh? Ikaw din, nanaginip din ako," sabi ni Celine.

"Taas nga ang kamay ng mga nanaginip ng isang magic circle for sealing array," sabi ni Galice at kaming pito, ako, si Nekone, Celine, Ventus, Eri, Galice at Luxerra ay nagtaas ng kamay.

"Oi, anong development 'to, wag niyo sabihing kailangan nating i-seal yung mastermind, what a clichè development," sabi ni Ventus.

"Possibility, pero delikado yun," sabi ni Luxerra.

"Agreed, delikado ang sealing, pagdating ng araw, masisira din ang seal tapos magkakagulo na naman ang mundo, as much as possible patayin natin ang summoner if possible," sabi ni Galice.

"I see... pero kung impossible..." sabi ko.

"Yeah, iselyo natin siya," sabi niya.

"Nung magising ako, alam ko na ang lokasyon ng circle sa panaginip ko at ang kailangan, please sana ako lang ang nakaka-alam para maisip kong hindi totoo yun," sabi ni Celine.

"Alin, na kailangan ang <Gem> para sa sealing?" tanong ko "sad to say pero alam ko rin."

"So basically..." sabi ni Eri.

"Yeah, para ma-seal ang mastermind, kaluluwa natin ang kailangan," sabi ko at napatingin sila Lyfa sakin na may pag-aalala sa mata.

Nginitian ko sila at sinabing "don't worry, gagawin lang namin yun kung no choice na talaga," pero may lungkot parin sa mga mata nila.

Naging tahimik na kami, inaantay na makarating kami sa destinasyon.

"Nakikita ko na," sabi ni Celine kaya napatingin kami at nakita namin ang isang siyudad, nag-iisa lang iyon at may kahina-hinalang malaking palasyo sa gitna; ang size ng siyudad ay nasa estimated kong 100KM radius.

"Damn, sole city pero malaki," sabi ni Galice.

"Okay, ang plano ay..."

"Mang-gulo kami ni Mimir," sabi ni Lyfa.

"Yes, at kaming pito, patayin ang seven generals at ang mastermind," sabi ni Galice.

"You ready?" tanong ni Ventus.

"Game," sagot namin at lahat kami ay tumalon na sa dragon at bumulusok sa pagbagsak.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon