Chapter 87

1.4K 75 1
                                    

"Aalis na kayo agad?" tanong ni Adelaide a week matapos naming makabalik.

"Oo, kailangan ko rin kasing magpataas ng level," sabi ko 'at pataasin ang mga skill level ko,' dugtong ko sa isipan.

"Sasama ako," sabi niya.

"No, kasi gusto kong tulungan mo yung mga elf na dinala ko dito," sabi ko at nilagay sa friend list si P-knight na nagulat dahil naramdaman nanaman niya yung link "kontakin mo ako kung may emergency like isang malaking halimaw," sabi ko.

"Akala ko ba wala kang balak?" tanong niya.

"Wala nga pero exp ay exp," sabi ko at matapos pumayag ni P-knight ay umalis na kami.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Lyfa habang naglalakad kami sa northern plains.

"Hmm... how about sa teritoryo ni Earl Lankar, sabi ni Calyx may undead infestation doon, since first timer tayo sa undead type magandang kalaban yun," sabi ko na sinang-ayunan nila, pero kahit na sabihin ko yun masyadong malayo ang teritoryo nung earl na yun at kahit pa tumakbo kami aabutin kami ng siyam-siyam bago makarating doon at isa pa, mababa ang overall agi ni Mimir kumpara kay Lyfa since wala siyang agi stat bonus at kahit gusto kong lagyan using cards, walang slot yung mga gamit niya.

Marami kaming nakakasalubong na halimaw, meron ding mga bandits pero madali naming natalo at matapos kuhaan ng mga gamit ay iniwanan na namin silang nakatali sa puno, hindi naman sila aatakihin ng mga halimaw... siguro.

Nakarating kami sa isang village, matapos ang isang araw, kumpara sa mga nakita kong village, halatang naghihirap ang mga tao dito dahil madudumi at gulagulanit ang suot ng mga bata, may mga butas ang suot ng mga kababaihan at ang iba ay masisilip na ang dibdib nila, ang mga lalaki naman ay trousers lang ang suot, meron namang maayos-ayos ang suot pero kung susumahin, 70% ng populasyon ang gulagulanit ang suot, nagtungo kami sa isang inn at matapos makapagcheck-in ay agad akong nangalap ng inpormasyon paukol sa village at napag-alaman na mga refugees ng isang bayan sa malayong hilaga ang mga may gulagulanit na suot.

Inatake sila ng mga bandido, nagawa namang magapi ang mga bandido pero umatake ang mga halimaw kaya napilitan silang tumakas, may mga nagawang makapagsalba ng mga gamit nila pero inatake sila ng ilang magnanakaw sa daan, laking pasalamat na nila at hindi sila inalipin o pinatay sa halip ay kinuha na lang ang mga gamit nila.

"Kaawa-awang nilalang," narinig kong sabi ni Mimir na naka-upo sa tabi ko.

"Pero ano na ang balak nung namumuno sa kanila?" tanong ni Lyfa pero nagkibit-balikat lang ang landlady.

"Paumanhin ngunit hindi ko alam," sabi niya samin kaya nilapag ko ang isang card at nang makita niya ang insignia ay "balak ng mayor na pagtrabahuhin sila sa may bukid, pero dahil mauubos ang mga imbak na pagkain bago pa magkaroon ng ani, ipapapalit ata ang mga walang pamilya sa black market para sa pagkain," sabi niya at nailagay ko ang kanang palad sa noo.

'May slavery pa nga pala, nyemas na, akala ko na abolisyo na,' sabi ko sa isipan.

"Ano pinakita mo?" bulong sakin ni Mimir kaya pinakita ko sa kanya ang card na may insignia ng royal family, kaya tumango-tango lang siya.

"Paano sila mapapapalit?" tanong ni Lyfa.

"May mga darating na merchant dito in a few days, ipapapalit sila doon tapos sila na ang bahalang magtinda sa black market auction sa may kapitolyo," bulong samin ng landlady.

"Ano yung affiliation nung merchant?" tanong ko dahil may mga branches yung merchant guild tulad na lang ng sa mga blacksmith affiliated sila sa <Sacred Anvil> na puro blacksmith ang kasali.

"Ah, hindi sila kasama sa merchant guild, kasama sila sa isang shadow guild <Brown Wolf> ang pangalan ng grupo nila," sagot ng landlady.

Shadow guild, isang guild na lahat ay gagawin sa ngalan ng pera, tinatawag silang underground guild dahil tumatanggap sila ng mga assasination quests; abduction, etc at ang pinakawanted na guild, ang <Blood Sword> ay isang shadow guild, dahil sa mahirap matukoy kung sino ang mga miyembro ng shadow guild ay hindi sila mapuksa, at bago pa man ako mapunta dito pinoproblema na nila ang mga shadow guild kaya labas na iyon sa jurisdiction ko.

"Exactly, kelan?" tanong ko.

"In a week," sagot niya samin kaya tumango-tango ako.

Dahil sa hindi na ako nagsalita ay umalis na ang landlady at inasikaso namam ang ibang customer niya.

"Anong balak mo?" tanong ni Lyfa.

"Teka, hayaan niyo akong pag-isipan amg advantage ay disadvantage; pag masmalaki ang advantage, tutulungan ko sila, kung hindi, ipapanalangin ko na lang na sana hindi sila mapunta sa isang malupit na master," sagot ko.

"Haah..." buntong-hininga ko at kinontak ang isang taong makakagawa ng paraan sa sitwasyon na ito, tutal naman at naghahanap sila ng mga trabahador since binabalak nilang gumawa farm na pag-aari nila using the method found on <Grand Archive> crop rotation ata tawag dun "okay na, pupuntahan na niya kaagad at magseset-up ng trap para mahuli yung shadow guild," sabi ko sa dalawa na ngumiti kasabay order ng hapunan naming tatlo.

"Anong ginagawa mo dito, Lyfa?" sabi ko sa babaeng katabi nang magising ako kinaumagahan at dahil sa tanong ko ay nagising ang katabi ko.

Yes, katabi ko ngayon si Lyfa kahit na alam kong natulog siyang katabi ni Mimir kagabi.

"Uhmm... binalak kang tabihan ni Mimir, so for countermeasure tinabihan kita nung nakatulog siya," namumulang sagot ni Lyfa.

"Ahh... buti naman," sabi ko dahil paniguradong hindi lang tabi ang gagawin ni Mimir sakin since sinabi na niya sakin na gagawin niya ang lahat makasal lang kami "salamat," sabi ko kay Lyfa at niyakap siya.

"A-anong ginagawa mo Mark," sabi niya.

"Niyayakap ka, normal lang sa magkaibigan ang magyakapan diba? Pero kung sabagay babae ka," sabi ko aalisin na sana ang kamay na nakayakap sa kanya pero umakap siya sakin bigla.

"Yup, tama, normal lang sa magkaibigan ang magyakapan, nagulat lang ako kasi biglaan," sabi niya habang may kakaibang ngiti sa labi, pero dahil sa medyo inaantok pa ako, pumikit pa uli ako at napaidlip nagising lang nang madinig kong sabihin ni Mimir ang

"Napakatuso mo ate!"

"Ang ingay niyo," reklamo ko at nag-unat para mawala ang antok ko sa katawan.

"Paano si ate," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mimir.

"Wag ka na umiyak, lilibre na lang kita mamaya," sabi ni Lyfa kasabay ng pagbangon ko at hilamos.

"Mauuna na ako sa baba," sabi ko.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon