Chapter 111

1.1K 67 0
                                    


Lumipas pa ang mga araw at natapos na rin ang renovation kaya agad akong pumunta sa Merchant Hall at sinabing ayos na ang renovation kaya agad niya iyong tinignan.

Tulad nga ng sinabi ko, ang unang palapag ay ang magiging tindahan ng mga perishables at isang general store na magtitinda ng mga materials; sa second floor ang mga tindahan ng damit at mga alahas; sa third floor naman ang tindahan ng mga weapons, armors, potions; and for the final floor, ginawa ko na lang restaurant ang huling palapag para sa mga magutom habang namimili; at tulad ng inaasahan ko, humingi ang chief ng ilang puwesto para sa mga kasapi ng asosaayon, nagbigay naman ako, isang puwesto sa bawat palapag dahil nais kong bigyan ang mga small time merchants na tinanggap niya naman.

"Pero saan sila gagawa ng produkto?" tanong ng chief habang pabalik na kami sa merchant hall.

"Hindi ko talaga nilagyan ng espasyo para sa pag-gawa upang maiwasan ang nakawan ng istilo," sabi ko at tumango-tango siya "kaya kung kakailanganin nila ng custom-maid, kailangan nilang gumawa sa base nila."

"Magandang ideya," sabi niya.

"Maglalagay nga rin pala ako ng ilang tauhan ko doon upang tumao sa mga tindahan na ilalagay ko," sabi ko.

Nang makarating kami sa merchant hall ay agad niya akong binigyan ng permiso kaya agad akong nagpunta sa may banko.

Simple lang ang proseso sa banko, ibigay ko lang ang card, ipaalam kung anong uri ng negosyo ang gagawin ko; nang sabihin ko na isang paupahang tindahan ay tinanong niya ako sa kung magkano ang upang kukunin ko na sinagot ko ng 20% ng total monthly income ng umuupa and voila, naka-konektado na ang Guild Card ko sa bahay-pamilihan.

Dahil alam ng mga farmer, nung hydrorian, at ni Orin ang patungkol sa bahay pamilihan, kaya nang sabihin kong pwede na, ay agad silang kumuha ng permiso sa merchant hall na agad pinayagan at agad ding pumunta sa may banko upang makakuha ng kaukulang gamit kagaya nung swiping-machine.

Kinabukasan matapos nilang makakuha ng swiping machine ay agad naming inasikaso ang puwesto nila, katulad ng ilang mga small time na merchant na tinanggap agad ang lokasyon makapagtinda lang; at ilang big-time merchants; of course ang mga shrine— mali, mga maids, na hindi kinaya ang training at nag-concentrate sa mga gawaing bahay ay ang naatasan sa restaurant kasama ang teacher nila sa pagluluto nung shrine maiden days nila.

Habang nasa gitna kami ng preparaayon ay nakatanggap ako ng isang distress call mula kay Nekone na agad kong sinabi sa hari ang nilalaman na agad nagpatawag ng senatorial meeting.

"Lyfa, Mimir, Lulu, Lina, maghanda kayo, pwedeng pupunta tayo sa Nocturia," sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Lyfa kaya sinabi ko ang maaring dahilan kaya napalunok ng laway ang sina Lyfa, samantalang sina Lina at Lulu ay hindi maintindihan ang sitwasyon pero ramdam nila ang tension.

"Alam na ba ito ni Luxerra?" tanong ni Lyfa.

"Oo, at pupunta daw siya agad, pero dahil nasa Mountoria siya ngayon medyo matatagalan siya," sagot ko, dahil isang araw matapos ang graduation ng mga batang nanatili sa training ay agad umalis si Luxerra para ipagpatuloy ang paghahanap sa necromancing summoner, at si Noire naman ay bumalik na sa tabi ni Celine.

"Sorry, kung ang unang pagsama niyo samin ay sa giyera na kung saan ay makakapatay kayo ng tao," sabi ko kina Lulu at Lina.

'I'm such a bastard,' sabi ko sa isipan dahil ang mga batang poprotektahan ko ay hahawak ng espada.

"Para sa mga bata—"

"Hindi na po kami bata," sabi ni Lulu.

"Sorry, pero paki-ulit," sabi ko.

"Hindi na po kami bata," sabi ni Lina "hindi niyo po alam pero dito sa Floria, basta sabihin ng nangangalaga, sa kaso namin ang head shrine maiden, na matanda na ang isang bata, matanda na siya."

"Ako na ang guardian niyo," sabi ko.

"Alam po namin, pero itinuring niyo na po kaming matanda dahil binigay niyo na samin itong suot namin, ibig sabihin pinapayagan niyo na po kaming sumama sa inyo at ang sinabi niyo samin noon ay pagmatanda na kami mo lang kami papasamahin, kaya matanda na kami."

'... Shit, pesteng lack of information,' sabi ko sa isipan.

"Fine, pero wag niyo pilitin ang sarili niyong pumatay ng tao," sabi ko at tinanguan nila.

A week later, kahit na may tension sa hangin ay binuksan na ang bahay-pamilihan na dinagsa ng ilang mga tao, nung hapon din nung araw na nagbukas ang bahay-pamilihan ay dumating na ang mga senador at agad na nagkaroon ng pagpupulong.

Nasa isang malaki kaming kwarto, sa tapat ng isang rectangular na mesa, nasa unahan ang hari, right side ako at sa left ng hari ay isang duke na hindi ko kilala, sa likuran ng duke ay ang limang heneral ng palasyo, sa natitirang upuan ay ang ibang senador.

"Simulan na natin ang pag-pupulong, wala ng paligoy-ligoy at didiretsohin ko na," sabi ng hari "nakatanggap ang Tagapangalagang Mark ng isang mensahe mula kay Tagapangalagang Nekone, ang nangangalaga sa tubig, Tagapangalagang Mark, kung maari."

"Araw ng Ignis, isang linggo pa lang ang nakakaraan, oras ng tanghali," sabi ko dahil walang konsepto ng oras dito "nakatanggap ako ng isang tawag, na tanging kami at mga pinili namin ang makakagawa, na puno ng kagipitan, ang laman ay isa lang: nasa kalabang kampo si Cecile," sabi ko.

"Mahal na tagapangalaga, sino itong Cecile na ito?" tanong ng isang senador.

"Kung gusto mong sagutin ko iyan ng buo, kailangan nating bumalik sa panahon bago ako mapunta dito at maging isang tagapangalaga," sabi ko.

"Kung maari," sabi ng hari kaya kinuwento ko ang lahat, pati kung paano ko siya nakita sa Hydroria at kung papaano ako kinailangang iligtas ni Galice, pero dahil sa alam kong naka-link sa kanya ang nangyayaring masama ang sinabi ko lang ay ng isa pang tagapangalaga.

"Isang delikadong babae," sabi ng kaharap ko.

"Oo, isang delikadong babae, dahilan kung bakit takot ako sa mga babaeng may gusto sakin," sabi ko.

Walang nagsalita, lahat ay tahimik na na nag-iisip at ang pumutol noon ay ang hari.

"Ano ang gagawin natin?" tanong ng hari.

"Mahal na hari," sabi ni Princess.

"Ano iyon?" tanong ng hari.

"Suhestiyon kong pumunta doon, dahil kabilang na si Cecile sa rebelyon, pwede na tayong mangi-alam kung ilalagay natin kay Cecile ang trahedya ng <Town of Herling>," sabi ni Princess.

"Saglit, malaki ang tsansa na totoo iyang sinabi mo kaya kakayanin ba kayong kalabanin ang isang... yung pinakamahina na lang, binuhay na <Lesser Dragon>?" tanong ko at walang nakasagot.

"Wag niyo na lang isipin na magpadala ng mga sundalo, di ba tatlumpu lang ang napadala dahil sa kakulangan ng tao?" tanong ko.

"Ako na pupunta," sabi ko "isasama ko sina Zekeil, Calyx, Princess, Xian, at Mira, isama na rin si Adelaide," sabi ko at nagkaroon ng mga komentong puno ng kagalakan.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon