Chapter 145

1K 42 0
                                    

"Ano na mangyayari?" tanong ko kay Galice nang bumisita siya a week later.

"Itago mo 'to," sabi niya at binigay sakin ang isang gem na kulay brown, na para bang pamilyar ang itsura.

"Ano 'to?" tanong ko.

"<Earth Gem>," sagot niya.

Earth gem? Ano yun?

"Yan yung alahas na nasa guwantilete ni Hephaestus," sagot niya "kailangan yan for guardian summoning."

"Guardian summoning huh," sabi ko at naalala ang araw na tinawag ako.

"Oo, ang problema, kailangan siyang tawagin sa earth sanctum," sabi ni Galice at nalaman ko na yun ang lugar kung saan pwedeng tawagin ang guardian, needless to say, ang fire tower ay ang fire sanctum.

"Paano mo nakuha yan?" tanong ni Celine.

"Nilooban ko ang palasyo, pinutol ang kamay ng revived hephaestus, normally hindi mo makukuha ang gem sa vessel pero mukhang hindi na ang lalaking iyon ang pinili niya kaya nagawa ko, at para lang magawa yun ay nagsacrifice ako ng tatlong tao," sabi ni Galice "it pains me, pero... full war ang gagawin natin, aatakihin natin ang kapitolyo, ibaba ang current ruler na isang puppet ng necromancer, then ilalagay natin ang dating hari."

"Acknowledged," sabi ni Nekone at sinabi ko rin ang pagpayag ko.

"Anthony," tawag niya "lumabas ka sa laban, suportahan mo na lang kami," sabi ni Galice "nakita ko ang weapon na ginawa mo, gumawa ka ng mga sandata para sa mga sundalo, kahit casted iron or copper swords okay lang, basta may matino silang sandata, kinuha ko nga pala 'to sa palasyo, recipe yan sa gun production, pati bullet production, may mga vessel din pero metal ship lang ang nandyan," sabi ni Galice at binigyan ako ng isang bugkos ng papel na inisa-isa kong tignan specially ang gun production part.

"So basically, ako ang pupuno sa dapat na part ni Hephaestus?" tanong ko at tumango siya.

"Sabihin mo samin ang mga kailangan mong materyales, at anong level na ng blacksmithing skill mo?" tanong ni Galice.

"Ah... teka, titignan ko," sabi ko at minanipula ang menu at tinignan ang skills "ah, max na pala siya nang di ko namamalayan, level 20 proficiency."

Tumango-tango lang siya at nagtuloy na ang meeting, lastly, nang paalis na siya ay tinutukan ko siya ng patalim sa leeg.

"So... anong ginagawa mo, envy," sabi ko at pinatunog ng dila, bigla siyang nag-iba nang anyo at naging isang lalaki around 15 of age at agad na binunot ang espada pero mabilis kong pinagana ang magic edge ng dalawang espada at pinutol ang paa niya pero bigla siyang naging usok.

"Paano mo nalaman na hindi si Galice yun?" tanong ni Celine kaya tinuro ko ang mga mata ko "<Identify>, gusto ko din nyan."

"No wonder, mali-mali ang sinasabi mong bilang ng mga sundalo, skill level etc," sabi ni Nekone.

"Lilipat tayo," sabi ko.

"Saan?" tanong ni Celine.

"Sa may <Wyvern Scale Inn>, dun tayo lilipat," sabi ko "paki-contact na din si Galice."

"Ginawa ko na, kasalukuyan kong kinakausap, i-check daw ang gem, baka isang tracking gem," sabi ni Nekone.

"Tinignan ko na, isang hindi isang tracking gem, ginamitan ko din nang dispell, para sigurado," sabi ko.

"Itabi daw, at magtatawag daw tayo nang bagong guardian once na matapos na ang giyera," sabi ni Nekone.

"Okay," sagot ko.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon