Chapter 40

1.9K 117 0
                                    

"Tanong lang," sabi ko isang gabi matapos ikuwento sakin ang history ng Soria o ng mundong 'to "paano naging katulad ng laro 'to?" tanong ko dahil sa kwento niya ganito ang nangyari:

Hindi alam ni Luxerra kung paano ginawa ang mundo ng soria dahil nang imulat niya ang mga mata niya ay nasa gitna na siya ng kagubatan kasama ang kakambal niya. Nasa harapan nila ang kanilang ama, ang dakilang manlilikha na gumawa sa mundong 'to, at ipinaubaya sa kanila ang pangangalaga ng mundo. Sa umpisa ay ayos lang pero nang maglaon ay nalungkot sila dahil sila lang ang nagkakausap, at kahit may mga hayop silang kasama ay nalulungkot parin sila kaya nang bumisita ang kanilang ama ay ikinuwento nila iyon, umalis saglit ang kanilang ama at nang magbalik ito ay may kasama na itong limang bata na pinangalanang: Flamma; Aqua; Terra; Aera; at Sylva.

Lumipas pa ang mga taon kung saan malalaki na ang mga bata ay nalungkot uli sila, kaya ninais nilang sabihin ito sa kanilang ama ngunit laking gulat nila dahil nang bumisita ang ama nila ay may kasama na itong sampung tao, limang babae at limang lalake. Ang isang pares ng babae at lalake ay may patulis na tenga, maputlang kutis at may kulay pilak na buhok; ang isang pares naman ay katulad ng nauna ay may patulis ding tenga ngunit meron silang pakpak na wala ang nauna, katamtaman ang kutis, meron din silang kulay dilaw na buhok; ang isang pares naman ay may kaliitan at tanging hanggang bewang lang nila, patulis din ang tenga nila ngunit kung ikukumpara sa dalawang nauna, ang pinakamahaba ang sa pares na may kulay pilak na buhok, kasunod ang pares na may pakpak at sila ang pinakahuli; ang isang pares naman ay may tenga at buntot ng hayop na nakikita nila, kakaiba nga lang dahil ang lalaki ay may tenga ng pusa pero ang buntot niya ay sa isang aso, ang babae naman ay may tenga ng isang kuneho pero may buntot ng isang squirrel; at ang huling pares ang tanging kapares nilang pito. Natuwa sila dahil may makakasama na sila, at kahit na sa hiwahiwalay na lugar nanuluyan ang sampu ay naging maayos parin ang pamunuhay nila. Lumipas ang mga taon ay napansin nilang hindi sila tumanda hindi katulad ng sampu kaya tinanong nila ang kanilang ama at nalaman na dahil kailangan nilang alagaan ang nilikha niya na siyang ginawa nila.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon