"Tingin niyo?" sabi ko sa mga kasama "habang nag-hahanda sila bakit hindi na lang muna tayo maghanda ng mga supplies natin?" tanong ko.
"Magandang ideya," sabi ni F-guy "kailangan ko ring pumunta sa guild para maibenta 'to," at pinakita niya ang isang balat ng devil wolf.
"Tatawagin ko na si Rumia," sabi ko.
"Sige, aantayin kita sa may pinto," sabi ni F-guy bago ako lumabas ng silid.
Madali kong natunton ang kusina at nakita si Rumia, kasama ang mayor at isang matandang babae, lola niya ata, na nagluluto.
"Rumia," tawag ko at biglang naging tense ang paligid.
"B-bakit po?" tanong niya.
"Maari mo ba kaming samahan patungo sa weapon shop at guild?" tanong ko.
"Opo," sabi niya at dali-daling binaba ang hawak-hawak at naghugas ng kamay.
Wala akong masabi sa dalawang matanda kaya tahimik na lang akong umalis na sinundan ni Rumia.
Pagkalabas namin ng pinto ay nakita namin si F-guy, nakaupo sa mga baitang, inaantay kami.
"Tara na," sabi ko at agad tumayo si F-guy.
Una naming pinuntahan ay ang guild para maipapalit ang nga nakuha niya, at dahil may nakita akong aphotecary sa loob ay nilapitan ko iyon at nakipag trade-in ng mga nakuha kong herbs nung tumatakbo ako kanina para sa ilang zeny at MP pills. Dahil hindi pa tapos si F-guy ay napagpasiyahan kong iwanan siya doon at kasama si Rumia ay pumunta kami sa weapon shop, at dahil natatakot siya sakin ay napaka-akward habang naglalakad kami kaya,
"Paumanhin nga pala sa inasal ko kanina," sabi ko at agad siyang napatingin sakin "medyo iritado lang ako kasi walang tumatanggap saming posada, at dahil doon sa kairitahan ko, aksidente kong napaapoy ang kamay."
"Mahal na-"
"Sevilla, iyon ang itawag mo sakin, ayaw kong tinatawag akong tagapangalaga, hindi ako diyos para sambahin niyo," putol ko sa sasabihin niya.
"Masusunod po," sabi niya
"Teka nga, ilang taon ka na ba?" tanong ko dahil naiirita ako sa po niya kahit na mukang magkasing-edad lang kami.
"Bente po,"
"Wag mo na rin akong i-po, magkasing-edad lang tayo," sabi ko
"Masusunod," sabi niya at napabuntong-hininga ako dahil hindi niya makuha ang gusto kong iparating.
'Kung andito siya, panigurado tutulungan niya ako dito since kulang-kulang ako sa mga communicational skills,' sabi ko sa isipan at naalala ko kung paano ko naging kaibigan yung mga tao dun sa earth, yung mga peke kong kaibigan na madalas kang hingian ng pabor kesa gawan ka ng pabor 'pero kung andito siya... papatayin ko siya pag lumapit siya sakin,' at sub-consciously nahawakan ang espada sa likod-bewang at nang marealize na baka matakot uli si Rumia ay
"Patawad, may naalala lang ko," sabi ko "anyway, wag mo akong galangin, kanina ko pa gustong iparating pero di ko alam kung papaano na ituring mo ako bilang isang iyong kaibigan," at dahil sa sinabi ko ay napangiti siya.
Nang makarating kami sa weapon shop ay agad akong bumili ng mga palaso. Hindi na ako bumili ng quiver at nilagay ang mga arrows diretso sa <inventory> na siyang kinabigla ng shopkeeper at dahil alam ni Rumia kung ano ako ay hindi na siya nagtaka pa.
"Buti hindi inaatake ng mga halimaw itong village," sabi ko dahil napansin kong walang bakod ang village.
"Inaatake ang village, at ang lumalaban ay ang mga adventurer na ginagawang himpilan itong village," sagot ni Rumia at napansin kong lumungkot ang mga mata niya at dahil hindi ko alam kung papaano siya tatanungin na kung saan ay hindi siya maiiyak ay nanahimik na lang ako.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...