Nang makarating ako sa <Pyr City>, lahat ng mga tao ay nakatingin sakin pero ininda ko lang yun at nagtuloy-tuloy sa guild. Tahimik ang lahat nang pumasok ako at wala man lang tumulong sakin nang ipagpilitan ko sa loob ang bangkay ng pagong.
"Excuse me" sabi ko kay counter girl.
"A-ano yun?" tanong niya.
"Nasunog yung sakong pinaglalagyan ng herbs dahil sa kumag na'to" sabi ko at sinipa ang bangkay ng pagong "so pano yun?"
"P-pwede ka naming bigyan ng panibagong sako..." sagot niya "uhmm... pwedeng magtanong? Ikaw ba ang pumatay sa <Flame Tortoise> na yan?" tanong niya.
"Hmm? Oo, bakit?" tanong ko habang sinasabi sa isipan na '<Flame Tortoise> pala ang tawag sa kumag na'to'.
"W-wala" sagot ni counter girl.
"Anyway, may alam ka bang pwede kong pagbentahan nito?" tanong ko.
"P-pwede mo pong ipapalit dito ang mga parte" sabi niya.
"Then, iwan ko na yan dito, kayo na lang bahalang magparte-parte" sabi ko.
"Okay, yung guild card niyo po" sabi niya at binigay ko ang guild card ko.
"Oo nga pala, pwedeng makuha yung crystal? Remembrance lang" sabi ko at tumango si counter girl at inabot sakin ang guild card ko na mayroon nang 15,000 Zeny "pwedeng bukas na ring ipagpatuloy ang quest?" tanong ko at tumango siya kaya lumabas na ako at naghanap na inn na matutulugan.
"Excuse me, a room for one with meals included" sabi ko sa inn keeper ng makakita ako ng inn
"Guild Card" sabi niya at inabot ko ang guild card, may sinulat siya sa isang papel at maya-maya pa ay ini-swipe ang card ko sa isang machine na nandoon bago iabot sakin kasama ang isang room key at stub for dinner. Tinuro niya sakin ang daan patungo sa kwartong nirentahan ko at nang makuha na ang direksyon ay agad akong umalis.
Sa kwarto ay muli kong binuksan ang <status> at pinindot ang <Level> in hopes na may lalabas na description pero lumabas lang ay isang window containing my current exp and the exp needed to level up. Sunod kong pinindot ang <STR> at lumabas naman ay isang window na may description na doon nakasalalay ang maximum weight na mabubuhat ko at ang attack damage ko. Sa <AGI> naman ay kung gaano kabilis ang movement speed ko, critical chance and anything pertaining to speed. Sa <VIT> naman ay ang HP ko at defense, at sa <INT> ay MP, Magic damage at magic resistance. Pinindot ko rin ang <Rank> at pinakita kung ilang level ang kailangan ko para maging rank D. At nang pindutin ko naman ang <WORLD TRAVELER> ay:
<WORLD TRAVELER>
Title given to those who traversed the other world. Gives an auto-translation to language both words and letters for the bearer to survive the world he's in.
"Hmm... interesting title" sabi ko at tinanggal ang description ng <WORLD TRAVELER> at pinindot naman ang <OVERSEER OF THE FLAME>
<OVERSEER OF THE FLAME>
A unique title given to chosen ones. The overseer title gives the bearer a complete resistance against the element the bearer overseers and doubles the damage of the element magic the bearer overseers, on the other hand, would receive double damage if hit by the counter element of the element the bearer overseers.
"Hmm... no wonder, okay lang ako nung bugahan ako ng apoy, pero... ano ang counter element ng apoy?" sabi ko at inisa-isa ang pwedeng makapatay sa apoy "ANONG TITLE TO! LAHAT NG ELEMENT COUNTER KO!" sigaw ko pero wala rin akong magagawa kaya tinanggal ko na ang description at pinindot ang huling title.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasiaMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...