Chapter 125

996 42 0
                                    


"So, paanong nangyaring trinaydor ka?" tanong ni Galice nang nasa palasyo na kami.

Matapos ang enkuwentro kay Cecile at ang pag-traydor ni Rhozanse ay nagbalik kami agad sa palasyo, and with 5 guardians working together, madali naming natapos ang atake ng mga rebelde at nahuli at ginawang mga crime slave, at habang inaayos ng palasyo ang aftermath, andito kaming lima, nagpupulong, pinag-iisipan kung bakit kami trinaydor.

"Ang pagkakakilala ko sa kanya ay isang taong loyal," sabi ni Nekone.

"Gayun din ako," sabi ni Celine.

"Pero nagtraydor na siya, nakita niyo naman," sabi ni Luxerra at tumango sila ni Nekone.

Apparently, sakto ang dating ni Nekone nang humarang si Rhozanse, pero dahil sa gulat ay hindi na siya nakagalaw.

"Desipulo ba siya?" tanong ko.

"Hinde, hangin ang elemento niya," sabi ni Celine "sinabi na sakin yung pang-loloko ni Noir paukol sa may descipleship, pero mas gusto ko ay ibase sa elemento para mas lalo siyang lumakas."

"Kung gayon, bakit—" at dahil sa isang katok ay naputol ang sasabihin ni Luxerra.

"Sino yan?" tanong ni Celine.

"Boss ako ito," sabi ni Alissa.

"Pasok," sabi ni Celine.

"Boss, si Rhozanse," sabi niya kaya kumunot ang mga noo namin maliban lang kay Celine at Nekone, at dahil trinaydor na kami ay ginamitan ko siya nang <Mind Reader> pero tanging mga isiping puno ng pag-aalala ang nababasa ko "may nainkuwentro kaming lalaki at pina-una niya ako dito upang mag-ulat at humingi ng tulong, nag-aalala ako na maaring napano na siya."

"Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Luxerra kaya nagtaka si Alissa.

"Trinaydor tayo ni Rhozanse," sabi ni Celine na ikinagulat ni Alissa.

"P-paanong..." di niya makapaniwalang sabi at napa-upo sa sahig, droopy eared.

"Ikuwento mo lahat," sabi ni Celine at pina-upo siya sa may mesa.

Kinuwento niya ang mga nangyari simula nung papuntahin sila sa may kapitolyo.

Sa pinakamabilis nilang bilis, tumakbo sila pabalik sa kapitolyo at nakasalubong ang isang lalaki. Mayroong mahabang buhok ang lalaki na umaabot sa kanyang balikat, isa siyang heterochromatic na ang kulay ng mata niya sa kanan ay pula na kasing pula ng dugo at sa kabila naman ay kulay itim, kasing itim ng gabing walang buwan na magbibigay liwanag. Meron siyang matangos na ilong at hindi kakapalang labi, kulay kape ang kanyang balat at sa kanyang ulo ay may pitong sungay, iyon ang description niya. Natakot sila sa lalaki kaya agad umatake si Rhozanse at tumakbo, papunta sa kapitolyo sa pamamagitan ng ibang ruta, ngunit nahabol sila ng lalaki at upang mai-ulat samin, tinanong siya kung bakit di niya ginamit ang <Connect>, at ang sagot niya ay hindi siya maka-konekta, well, naka-<Connect> kami sa isa't-isa thinking na andito na silang dalawa so acceptable.

"Sabi mo ay: isang lalaking magkaiba ang kulay ng mata at may pitong sungay hindi ba?" sabi ni Galice at tumango si Alissa.

"Okay, hindi tayo trinaydor, namatay na si Rhozanse, at binuhay lang uli," sabi ni Galice "yung lalaking nakasalubong niyo ay ang summoner/necromancer."

"Pero paano natin maipapaliwanag ito?" sabi ni Celine.

"Sabihin na lang na trinaydor tayo, tatanggapin nila yun, sabihin na naghahangad siya ng kapangyarihan at makukuha niya yun sa dark side, at least sa mga novels ganun ang paliwanag," sabi ko.

"Pero..." sabi ni Alissa.

"Hindi na siya si Rhozanse, at least kung siya nga yun, kakaayawan niyang kontrolin ng iba at papaki-usapan kaming patayin na siya," sabi ko.

"Point taken," sabi ni Nekone.

"Pero kailangan nating sabihin ang totoo sa may hari," sabi ni Celine.

"Yeah, then ipa-wanted siya dead only," sabi ko at tinitigan si Alissa "sorry, Alissa, pero wala na kaming magagawa kung maging kalaban siya dahil binuhay siyang muli," sabi ko "kung patayin namin ang bumuhay sa kanya, mamatay lang din siya uli dahil wala na yung nagbibigay sa kanya ng enerhiya para mabuhay."

*****************************************************************************

"Ahahahaha!" malakas na tawa ni Envy nang pumunta ako sa kinaroroonan niya.

Nakaka-irita.

"Manahimik ka, nakaka-irita," sabi ng lalaking tumulong saking makatakas.

Isa siyang were-tiger, pero imbis na orange and black color tulad ng isang siberian tiger, ang kulay niya ay puti at may stripes na itim, isang white tiger, ang kulay ng mata niya ay parehong pula.

"Hoy, newbie, bago ka lang dito kaya rumespeto ka," sabi ni Envy.

"Rerespetuhin ko ang mga malalakas," sabi ng bago.

"Sinasabi mo bang hindi ako malakas?" sabi niya.

"Oo, nakita ko kung paano ka tumakas at kinakailangan pa ng tulong ng panginoon upang matakasan ang lalaking naka-itim," sabi niya "kung ako iyon, pinatumba ko na ang lalaki."

"Aba... Gusto mong mamatay?!" sabi ni Envy.

"Kung kaya mo ba eh," sabi niya.

"Aba—"

"Andyan na si Boss," sabi ko nang maramdaman ang presensiya ni boss.

Pumasok ang boss sa loob kaya nagsiluhod kaming tatlo.

"Boss, patawad, hindi ko nagawa ang iyong ini-atas," sabi ko.

"Anong sinasabi mo? Nagawa mo ng matino, ang panatiliin ang gubat sa Nocturia habang ginagawa naman ni Envy ang trabaho niya dito," sabi ni Boss.

"Ngayon Lust, sa misyon na ito ay nasa ilalim ka ni Envy," sabi ni Boss.

"Masusunod," sabi ko.

"Wrath," sabi ni boss.

"Po," sabi ng bago.

So Wrath pala ang pangalan niya...

"Hanapin mo ang tunay na tagapangalaga at alisin mo na sa mundong ito."

"Masusunod," sabi ni Wrath.

"Envy, ituloy mo lang ang ginagawa mo," utos ni Boss.

"Masusunod," sabi niya at naglakad na palabas si Boss.

Nang makalabas na ang boss ay tumayo na kami at napansin kong naglakad na palayo si Wrath.

"Aalis ka na wrath?" tanong ko pero hindi siya sumagot at nagdiretso sa may pinto at lumabas.

"Narinig mo ang panginoon, nasa ilalim kita," sabi ni Envy na may nakaka-iritang ngiti.

Wala akong magagawa, utos ni boss eh, kahit na nakaka-irita.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon