Chapter 99

1.3K 72 0
                                    

Kakahiga ko pa lang at papatulog na nang biglang nawala ang ang antok ko salamat sa kampana ng guild.

Agad akong nagbangon kasabay ng pagbangon nina Lyfa. Agad naming sinuot ang mga gamit at naghanda sa pakikipaglaban dahil isa lang ang dahilan ng pagkalembang ng guild bell, may emergency katulad ng sa <Thaniar> noon.

Dali-dali kaming lumabas at nakita ang kakaharapin sa langit, may limang metro ang taas at dalawang kilometro ang haba, hindi ko alam kung paano ito nakakalipad gayung mga buto na lang ito, at sa bungo nito na imbis na mga mata ay may orbe doong kulay pula.

"Mark, gusto mong makakita ng mga buto ng dragon diba?" sabi ni Lyfa at itinuro ang halimaw "ayan nakakita ka na, lumapit na sayo," biro niya kaya napatawa ako.

"Hindi ito ang oras ng biruan, kakalabanin natin yan malayo sa bayan," sabi ni Galice at naglabas ng isang greatsword na kulay ginto ang talim at lila naman ang hawakan.

Nakita ko ring nagpalit si Luxerra sa <Sapere Aude> at <Oracle's Robe> meaning, delikadong kalaban yang <Bone Dragon>.

"Tch," patunog ni Galice sa dila "tara," sabi niya at tumakbo palabas ng bayan na agad naming sinundan.

Habang tumatakbo kami ay pinapaulanan namin ng mga mahika ang <Bone Dragon>; nang makalayo na kami sa bayan ay tumalon si Galice at winasiwas ang hawak na greatsword randomly, from upper left to lower right; horizontal, vertical, from lower left to upper; halo-halo ang ginagawa niyang pagwasiwas at sa bawat wasiwas ay may mga energy waves na lumalabas sa espada at tumatama sa <Bone Dragon>.

"<Blitschlag XL>!" sigaw ni Luxerra at tinamaan ng isang malaking kidlat ang <Bone Dragon> dahilan upang mapatingin na ito sa amin.

"Mark! Vanguard ka kasama ko," sigaw ni Galice.

"Lyfa! Mimir! Support tayo!" sigaw naman ni Luxerra habang inaantay naming bumaba ang <Bone Dragon>.

Nang makababa na ang halimaw ay agad kong binunot espada sa likod.

"<Analyze X>!" sigaw ni Galice.

Iba sa analyze ko, nagkaroon ng malaking magic circle like sa halimaw, restraining it at agad lumusob si Galice, pinapatamaan ang mga magic circle like sa halimaw.

"<Flame Javelin>!" sigaw ko at nagkaroon ng apoy sa kamay ko na kumorteng sibat na siyang hinagis ko sa halimaw at nang tumama ito sa bungo ay sumabog ito.

Winasiwas nang halimaw ang butong buntot nito, target ako kaya

"<Mana Shield X>!" sigaw ko at nagkaroon ng force field like sa paligid ko.

"<Radiant Wall EX>!" sigaw ni Luxerra at sa loob ng mana shield ay nagkaroon pa ng isang layer na yari sa liwanag.

Tumama ang buntot sa mana shield ko na nabasag kaagad at kung hindi sa second layer na ginawa ni Luxerra ay paniguradong nakatamo na ako ng isang critical na damage.

"Noir!" sabi ni Luxerra nang alisin na ng halimaw ang buntot niya.

"Status!" sigaw niya kasabay nang pagtalon palayo nang subukan siyang kalmutin ng halimaw, at ang sinabi niyang status ay:

<Skeletal Dragon>

Rank: SSS

Level: 700

HP : ???/???

MP : ???/???

STR: 500000

AGI: 500000

VIT: 300000

INT: 100000

"Anak ng! Ba't undefined!" reklamo ni Luxerra "I seek the power of origin! <Luminous Wind EX>!" sigaw niya at nabalutan ng nagliliwanag na buhawi ang <Skeletal Dragon>.

"Hindi ko alam, wag akong tanungin mo!" sigaw ni Galice at itinaas ang hawak na greatsword, may naiipon na enerhiya sa talim ng espada, isang kulay itim na enerhiya na nagsisimulang bumalot sa talim na kumokorteng isang malaking espada.

Habang may naiipong enerhiya sa espada ni Galice ay pinauulanan nina Mimir at Lyfa nang palaso at mahika ng dragon.

"I, the one who overseers the flame, protector of the world, seeks the power of the creator, the origin of the world, let thy principles be cut and retied, laws broken and recreated. I, the guardian of fire orders my element to do my bidding, flames, sit upon the blazing sky and pass judgement to the foolish sinner who dare to cross swords with me!" baybay ko habang pinapa-ulanan nina Mimir at Lyfa ng atake ang halimaw "<Lost Seraph>!" winasiwas ko ang espada sa kanan ng pahiga, nagtuloy at umikot at sinundan nang vertical slash nang makapag full rotation.

Tinamaan ang halimaw ng super skill kong <Lost Seraph> at nang mawala na ang apoy na bumalot sa halimaw ay naging fireball ang mga natira sa apoy na tumama rin sa halimaw, ending with some cracks sa bungo ng halimaw.

"Divine Darkness: Shadow Void Slash!" sigaw ni Galice at ginamit ang energy covered sword na nag-mistulang isang higanteng talim na panghiwa sa halimaw, at lalong lumaki ang crack sa bungo nito.

Binuka ng halimaw ang bibig at nagsimulang mag-ipon doon ng kulay itim na enerhiya.

"Take cover!" sigaw ko at dahil tumakbo sina Lyfa at Mimir papalapit sa halimaw ay sumunod ako, gayun din sina Luxerra at Galice.

Pinakawalan ng halimaw ang enerhiya sa bibig na tumama sa lupa. Nangitim ang lupa sa paligid na umabot hanggang sa may bayan.

Nakita ko na ang itim na lupa na iyon kaya may hinala ako sa kung ano ang mangyayari, at para bang sinigurado ako sa hinala ko, nagsimulang magsilitawan mula sa ilalim ng lupa ang mga undead.

"Tch," sabi nina Luxerra at nang makita kong gumalaw ang mga tenga nina Lyfa at Mimir ay

"Hinde," sabi ni Lyfa kasabay nang pagsigaw na galing sa may bayan.

"Lyfa! Mimir!" sigaw ko at humarap na uli sa halimaw, sakto lang para makita kong ini-angat nito ang kanang unahang paa upang kalmutin kami kaya nagawa kong maka-ilag.

"Roger!" sabay nilang sabi at matapos atakihin ang halimaw sa huling pagkakataon ay tumakbo sila sa bayan upang iligtas ang kaya nila.

"Mark," sabi ni Luxerra "magwawala kami at baka mahagip ka," sabi niya "tulungan mo na lang ang mga tao," dugtong niya at biglang nagkaroon ng mga kadenang nagliliwanag ng puti sa buo niyang katawan; at nang lingunin ko si Galice ay may kadena rin siya sa may katawan pero kulay itim ang liwanag na ibinibigay ng kadena niya.

"Umalis ka na, kami na bahala," sabi ni Galice seryosong-seryoso ang mukha.

"Isang maling galaw ang hindi kaagad patayin ang halimaw na iyan," sabi ni Luxerra.

"Well, bibihira na lang ang dragon sa panahon ngayon, isang chance na bigyan sila ng experience na lumaban sa isa, pero merong pasakit na skill ang dragon kaya," sabi ni Galice.

"Mamatay ka!" sabay nilang sigaw at nasira ang mga kadena sa katawan nila at nakaramdam ako ng takot sa dalawa dahil sa lakas ng aura na inilalabas nila.

"Umalis ka na Mark, tulungan mo yung bayan," ulit ni Luxerra.

"Okay," sabi ko at tumakbo na patungo sa bayan matapos ang isang <Flare Storm> para sa halimaw.

"Tara na at maglaro," narinig kong sabi ni Galice nang paalis na ako kasunod ang pag-ungol ng halimaw.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon