Lumipas ang tatlong araw at handa na kami sa paglalakbay namin patungo sa <Mountoria>.
Sa tatlong araw na iyon, tanging paghahanap lang ng mga pwedeng gawing familliar ang ginawa nila.
Ang pamilyar na pinili ni Lina ay isang ibon, ang orihinal nitong katawan ay isang <Snowy Owl> kaya pinangalanan niya itong <Snow>, at kay lulu naman ay isang <Devil Wolf> na pinangalanan niyang <Shadow> at ang alaga niyang si <Meow Meow> na ginawa niya ring pamilyar; ang binili naman ni Mimir ay isang <Sinister Eagle>, at dahil gusto niyang ako ang magbigay ng pangalan, ang binigay ko ay <Umi>.
"Lizbeth, ikaw na ng bahala, sa allocation ng mga puwesto," sabi ko kay Lizbeth nang mapadaan kami sa opsina nila.
"O-opo!" sabi niya kaya umalis na ako.
"So, lakbay?" tanong ko.
"Of course! Kailangan namin palakasin ang mga pamilyar namin," sabi ni Mimir.
"Ako din, gusto ko rin palakasin si <Dryad>," sabi ni Mimir.
"Okay," sabi ko at dumaan sa may storehouse at kumuha doon ng mga ilang gulay, since ang karne naman ay pwede naming kuhain sa mga mamamatay na halimaw.
Agad kaming umalis patungong hilaga, patungo sa port city sa silangan ng <Town of Herling>, mali, iniba na pala ang tawag sa bayan <Herling Ghost Town>.
"Di ko aakalain na babalik tayo dito," sabi ni Mimir nang nakarating kami days later.
"While were at it, punta na rin tayo sa <Dragon Graveyard>?" tanong ko.
"Sige, gusto ko ding makita," sabi ni Lyfa.
"Then, shall we?" sabi ko at naglakad na kami papunta sa <Cursed Plains> habang pinapatay ng mga familliar namin ang mga undead at skeleton na lumalabas sa lupa.
"<Meow Meow>," sabi ni Lulu at ang familliar niyang pinapalakas, ang dating <Asup> na si Meow Meow na nagkaroon ng darkness element ay umungol ng isang beses, maya-maya pa ay naging isang espada ang buntot niya at isinaksak iyon sa lupa at sa puwesto ng mga kumpulang undead, mga kulay itim na sword blades ang umusbong sa lupa.
"<Snow>," sabi ni Lina at lumipad ang dating snow owl na nagkaroon ng holy/light element sa may mga skeleton at nagpakawala ng isang liwanag and just like that, nagsilaglagan na ang mga buto nila.
"<Dryad>," sabi ni Lyfa at umalulong si Dryad at nagkaroon ng mga baging na pumigil sa pag-galaw ng mga undead.
"<Umi>!" sabi ni Mimir at pinagaspas ni Umi, isang dating <Sinister Eagle> na nagkaroon ng elemento ng tubig, pagkapagaspas niya sa pakpak ay may mga nagsitalsikan na mga icicles na tumatama sa ulo ng mga undead.
"<Ifrit>, Flare Volley," sabi ko at ginaya ni Ifrit ang ginawa ni Umi pero ang mga lumabas ay daan-daang bolang apoy na tumama sa mga undead, mukhang meteor strike pero one direction lang ang galaw ng mga bolang apoy.
Just like that, pinapalakas namin ang mga pamilyar namin like a certain monster trainer from a certain game, maybe dapat nasa loob sila orb or crystal, oh well doesn't matter.
Patuloy lang namin ang ginagawa, at habang lumelevel ang mga pamilyar namin, nagkakaroon din kami ng exp, killing two birds in one stone so they say.
Limang araw ang kinailangan namin upang makarating kami sa <Dragon Graveyard> at ang tumambad sakin ay limang dragon, actually isa sa mga dragon ay <Ancient Dragon>, si Draigg.
"Yo, gusto nilang makita kaya dinala ko sila," sabi ko.
'Kung andito pa ang mga binabantayan ko maganda sanang tignan, ang huling hantungan ng aking mga kaapu-apuhan,' sabi ni Draigg
"Pero ang daming nag-aantay ha," sabi ko.
'Normal na ito, sa bawat isang linggo, may tatlong dragon ang napipisa sa itlog at may isang matandang mamamatay,' sabi ni Draigg.
"I... see, at sila ay... mga nag-aantay na maubusan ng oras?" tanong ko.
'Hindi, ikaw ang inaantay nila,' sabi ni Draigg.
"Huh?"
'Inaantay ka nila dahil tulad ng dragon na pinangalanan mong <Flamma> mas gugustuhin nila ang maging pamilyar at tulungan ang tagapangalaga,' sabi ni Draigg.
"Uhuh... okay," sabi ko "pero... nais ko sana sa kanila kung pwede," at pagkasabi ko nun ay kanya-kanyang nagsilapitan ang mga dragon kina Lyfa na ikingulat nila kaya ipinaliwanag ko ang mga nais nilang mangyari.
"Ah... I see... kunsabagay, mas nanaisin nila yun," sabi ni Mimir.
Ginawa nila ang <Familliarization> sa mga dragon, greater din sila, since mga greater lang ang mga may kakayahang makaintindi sa mga salita. Ang ipinangalan ni Lyfa sa dragon familliar niya ay <Pomona>; ang kay Mimir ay <Mari>, at nang tanungin ko kung bakit kasi kulay aquamarine ang kaliskis ng dragon, yung physical body nito I mean; ang kay Lina ay <Shiiro> at ang kay Lulu ay <Kuro>, ako nagpangalan sa kanila of course.
Nang matapos na ang familliarization ay kinuha na namin ang harvest, at inabot nang limang buong araw para matapos.
Matapos naming dumaan sa may <Dragon Graveyard> ay nagpatuloy na kami sa port city na nasa silangan ng <Herling Ghost Town>.
Matapos pa ang ilang mga araw, ay nakarating na kami sa may port city matapos ang ilang pagdaan sa mga di naming mabilang na village.
"Okay, first ay ang barko," sabi ko "then kung mag-aantay tayo isusunod ang posada."
"Okay," sabi ni Lyfa at pumunta na kami sa may daungan at sa kasamaang-palad, kaka-alis lang ng barko at kailangan ng isang buong buwan upang makabalik sila dito.
"So... ayun," sabi ni Lyfa.
"Boredom Month," sabi ko at naghanap na kami ng posadang matutuluyan.
Boredom Month, pero kinaumagahan ay sumakay kami sa mga dragon namin at ipinaubaya sa kanila ang pagpunta sa <Mountoria>.
Nakarating kami sa Mountoria 5 days later at ang patunay ay ang black covering sa <Map> na ang ibig sabihin ay unexplored area.
"W-wow..." sabi ni Lyfa nang makita ang paligid.
"Okay, sinabi na ni Orin at Celine pero... di ko aakalain na ganito..." sabi ko.
"Hindi halata na dito ipinanganak ang baril," sabi Mimir.
"Okay," sabi ko sabay palakpak "ang una nating kailangan ay makakuha ng mapa, may mga halimaw silang unique dito tulad ng <Krashalome>, nakita niyo yung <Shoal Shark> diba? Parang ganun ang itsura nila, pero sa buhangin sila lumalangoy, meron silang dalawang paa na ginagamit nila tuwing nasa ibabaw sila ng lupa, malakas ang pandinig nila kaya isang shockwave lang ang kailangan para mapalabas sila sa buhangin; tapos ang <Earthworm>," sabi ko "isang —" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil hindi sa kalayuan ay may biglang sumabog at nakita namin ang isang tore, circular ang itsura nito, may diameter na siguro 3 meters radius at taas na 30 meters, maya-maya pa ay bumalik sa ilalim ng lupa ang tore na parang walang nangyari.
"Yun yung <Earthworm>," sabi ko nang makapagtago na uli ang <Earthworm>.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...