Chapter 39

1.9K 115 0
                                    

"Hey! Zedrick!" narinig kong tawag niya sa kaibigan nang makita niya itong naglalakad sa pamilihan.

"Oi, Eriole," sabi nito "bibisitahin mo siya?" tanong ni Zedrick kay Eriole.

"Oo," sagot niya.

'Makikita ko na ba ang tinutukoy nilang siya?' sabi ko sa isipan at tahimik na sinundan ang dalawa.

Naglakad sila sa pasikot-sikot na daan ng pamilihan at huminto sa isang bahay, medyo maliit ang bahay at matatawag na itong barong-barong.

"Kuya Zedrick! Kuya Eriole!" narinig kong tawag ng isang bata at namukaan ko ang tumawag sa kanila, isang bata na nailigtas at palihim na inaalalayan ng palasyo.

"Ah, mahal na prinsipe, mahal na duke," sabi ng isang babaeng may tenga at buntot ng kuneho na isa ring nailigtas nila noon.

'Siya ba yung tinutukoy nila?' tanong ko sa isipan.

"Pumasok po kayo," sabi ng babae.

"Andyan ba si Liz?" tanong ni Eriole.

"Kakarating niya lang," sabi ng isang bagong dating at tulad ng babae kanina ay meron din siyang tenga at buntot ng kuneho.

"Pumasok na kaya muna tayo," sabi ng babae kanina bago pa man magkuwentuhan ang bagong dating at si Eriole.

'Masyadong delikado paglumapit pa ako, baka matulad nung noon na muntikan na akong mahuli,' sabi ko sa isipan at napagdesisyunan na bantayan ko na lang din ang mga nakatira sa bahay.

*************************************************************************************

"Sino yung taong nasa bubong?" tanong ni Liz ng makapasok kami sa tinitirahan nila.

"Ah, sinusundan ako niyan, apparently hindi ako pinagtitiwalaan nung tagapangalaga ng kagubatan," sabi ko.

"Kaya nag-hire siya ng spy?" tanong ni Liz.

"Nope, siya mismo yan," sabi ko.

"I see," sabi ni Liz.

"Kamusta na nga pala ang asawa ko?" tanong ng babaeng kaibigan ni Liz.

"Hindi mo siya asawa! AKIN siya!" sabi ni Liz at napabuntong-hininga kami ni Zedrick.

'Ano ba meron ka Anthony at madaming nagkakagusto sa'yo,' sabi ko sa isipan.

"Wag na kayong magtalo," sabi ko at inawat ang dalawang magkaibigan "si Lafayette nga pala, ano na nangyari sa kanya?" tanong ko dahil simula nung makabalik ako dito, hindi ko pa siya nakikita.

"Akala ko nakita mo na siya," sabi ni Zedrick.

"Magtatanong ba ako kung nakita ko na siya?" sabi ko.

"Nahahawa ka na kay Sevilla," sabi ni Zedrick "nasa palasyo siya at tinuturuan niya ang tagapangalaga ng kagubatan sa mga gamot."

"Talaga?" di ko makapaniwalang sagot.

"Oo, kaso nga lang, hindi ko na rin siya nakikita nitong mga nakaraang araw, binigyan kasi siya ng sarili niyang kwarto para pag-aralan ang mga halamang gamot kaya ayun, nawili nanaman siguro sa pinag-aaralan," dugtong ni Zedrick kaya naglagay ako ng mental note na hanapin siya mamaya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon