Chapter 22

2.6K 159 3
                                    

"Ahh! Nakakatamad na!" reklamo ko habang nakahiga sa kama.

Isang linggo na ang lumipas simula nang makarating kami rito port city. Nung una, ayos lang sakin kasi pahinga, pero nang lumipas na ang tatlo-apat na araw ay nagsimula na akong mabatog.

"Wala bang pwedeng pagkaabalahan?" tanong ko

"Libutin mo ang city," sabi ni F-guy.

"Good idea! I'm out!" sabi ko at dali-daling lumabas.

Nalibot ko na ang buong siyudad pero wala akong interesanteng nakita. Pabalik na ako sa posada nang mapadaan sa guild at naisipang pumasok sa loob.

"Hmm.. Ano to?" tanong ko sa sarili at kinuha ang isang papel sa rank ng C "wow..." sabi ko matapos mabasa ang buong quest info.

"Kayong lahat, bored na kayo diba?" tanong ko nang makabalik sa posada.

"Bakit?" tanong ni F-guy.

"Kasi..." at sinabi ko sa kanila ang ginawa ko sa guild.

"KUMUHA KA NG QUEST?!" gulat nilang tanong.

"What? Malayo pa naman ang dating nung bangka-"

"Barko," pag-correct sakin ni Adelaide.

"Barko, so habang nag-aantay tayo, gumawa muna tayo ng ilang quest, kikita pa tayo," sabi ko.

"Haahh... Anong quest ba yan?" tanong ni F-guy.

"Kailangan lang naman nating kumuha ng mga sangkap sa paggawa ng potion," sabi ko at napatingin sila sakin dahil ang sinabi ko lang kanina ay isang rank C quest.

"Rank C quest na yun?" tanong ni F-guy.

"Oo, tignan mo, tara," sabi ko at tumayo para bumalik sa guild pero hindi tumayo si F-guy.

"Wag na, pero maghanda ka, maaring may delubyong kakaharapin ang bayan," sabi niya at binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin.

"Tumataas lang ang potion ingredients gathering pag may: nakitang malakas na halimaw sa paligid at kailangang paslangin o kung nilusob ang lugar ng mga halimaw," paliwanag ni Adelaide "isang port city ito at kung lulusubin sila, madali nilang mapupuksa ang mga halimaw kaya siguro may namataang halimaw sa paligid" at kinutuban ako ng masama sa dinugtong niya pero pinilit kong isawalang bahala ang kutob.

"Okay, tutal naman kaaunti na lang ang pera natin," sabi ni F-guy at tumayo "tara, gawin natin yang quest mo."

"Meron uling quest na ganoon," sabi ko sa kanila kinaumagahan matapos tignan ang quest board sa may guild.

"Ayoko sa direksyong pupuntahan nito," bulong ni F-guy "tara gawin natin, tapos pagnakakita ka agad ng herb gathering quest kunin mo agad basta ang mga kukunin ay mga sangkap sa potion, either HP or MP."

"Okay," sabi ko at lumabas uli para kunin ang quest.

"Zeke," tawag ko kay F-guy habang nangongolekta kami ng mga herbs for the 7th time.

"Ano yun?" tanong niya.

"Chance na nasa paligid ng siyudad ang Thasalor?" tanong ko at natigilan sila sa ginagawa.

"Alam mo, wala na ngang nagbabangit niyan kahit na narealize na ng lahat," sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha "70%," sagot niya.

"70%? Ano yung remaining 30%?" tanong ko.

"Asawa ng Thasalor, Thaniar, ang queen of the land," sagot ni Adelaide.

"So walang option na ibang halimaw?" tanong ko.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon