Habang tumatakbo ay gumawa ako ng isang normal na <Mana Blade> sa kaliwa kong kamay at nang makita ang isang lalaking hihiwain ng isang skeleton ng hawak nitong espada ay buong puwersa akong dumaluhong, dahilan para mabiyak ang tinatapakan ko pero nagawa ko namang mapunta sa gitna ng lalaki at skeleton na agad kong binigyan ng roundhouse kick na bumasag sa bungo.
"Marunong kang gumamit ng espada?" tanong ko na tinanguan niya kaya binigay ko ang hawak ng skeleton na agad niyang kinuha.
"Alis na," sabi ko at dali-daling na ring umalis.
Gumamit ako ng <Connect> upang malaman ang lokasyon nila Lyfa at napag-alamang pareho silang patungo sa posada upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga kilala kaya naman agad akong nagpunta sa may Shrine.
Marami akong nakakasalubong na papuntang guild upang doon magtago sa mga undead, at nang makita kong may nadapang bata na matatapakan ng mga nagpapanic na tao ay agad ko iyong sinagip at tumalon sa may bubong, dahilan para atakihin ako ng ilang skeleton archers sa kabilang ayon.
"Tch, <Mana Shield X> sabi ko at hinarang ng force field na bumalot sakin ang mga palaso "<Firewall>," sabi ko at itinuro ang mga skeleton archers dahilan para biglang magkaroon ng bakod na yari sa apoy.
"Bata, saan ka pupunta at bakit hindi mo kasama ang mga magulang mo?" tanong ko dahil 4 years old palang ang bata.
"Sa guild po, nabitawan po ako ni mama nang maanod ako ng mga tao," sabi niya sakin
Marami akong nakakasalubong na papuntang guild upang doon magtago sa mga undead, at nang makita kong may nadapang bata na matatapakan ng mga nagpapanic na tao ay agad ko iyong sinagip at tumalon sa may bubong, dahilan para atakihin ako ng ilang skeleton archers sa kabilang ayon.
"Tch, <Mana Shield X> sabi ko at hinarang ng force field na bumalot sakin ang mga palaso "<Firewall>," sabi ko at itinuro ang mga skeleton archers dahilan para biglang magkaroon ng bakod na yari sa apoy.
"Bata, saan ka pupunta at bakit hindi mo kasama ang mga magulang mo?" tanong ko dahil 4 years old palang ang bata.
"Sa guild po, nabitawan po ako ni mama nang maanod ako ng mga tao," sabi niya sakin.
"Okay, mas ligtas ka sa tabi ko, hahanapin natin ang mama mo mamaya," sabi ko at tumalon patungo sa kabilang bubong, bumubwelo at nang may sapat nang momentum para sa isang sobrang taas na talon ay tumalon na ako at "<Flight>!" lumipad patungo sa Shrine, pero nang makarating ako ay may mga skeleton na sa paligid.
**************************************************************************************
"Ate," tawag ko kay ate Lina habang yakap-yakap si meow meow, nginitian lang ako ni ate at sinabing
"Sasamahan natin ang tagapangalaga kaya kailangang maging matapang ka, dahil pagkasama na tayo, araw-araw tayong makakakita ng mga ganyan," sabi ni ate na tinanguan ko at nagpakatapang.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagtatago dito sa pinakamalaking silid-sanayan pero nung mag-umpisa ang lahat ay natutulog na kami.
Ginising kami dahil sa kalembang ng kampana na nasa guild. Dahil hindi agad nagising ang lahat ay late na kaming naka-alis pero nang pababa na kami ay biglang naging itim ang lupa kasabay ng paglitaw ng mga gumagalaw na kalansay ng tao. Hindi ako nakasigaw dahil sa takot di tulad ng iba kong ate, at nang sabihang magtago kami ay agad kaming tumakbo patungo sa pinakamalaking silid-sanayan, may mga napahiwalay samin at sana ayos lang sila.
Lahat ay napapigil sa paghinga nang makakita kami ng anino sa labas, at nang i-angat nito ang kamay at inihampas sa pinto ay agad itong nasira at nakita namin ang isang kalansay na nagpasigaw samin pero walang makagalaw samin dahil sa takot.
"<Fire Blade>!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na lalaki at mula sa likuran ng kalansay ay hinampas ito ng espadang yari sa apoy na nasa parehong kamay, hindi ko makita ang itsura ng lalaki dahil sa madilim at malayo ang apoy na espada para makita ko ang mukha ni kuya; naka-suot siya ng mga itim na bota, pantalon, kamisadentro, at tsalekong balok na hanggang tuhod ang haba at sa braso niya ay isang pares ng brasaletang guwantelete na kulay itim din.
Gusto kong sabihing may kalansay sa likod pero hindi ko magawa dahil sa takot, ngunit kahit hindi ko sabihin ay bigla siyang umikot, humarap sa kalansay at buong puwerasang inihampas ang dalawang hawak sa kalansay dahilan para maghiwa-hiwalay ang mga buto at masunog.
"Haah... ngayon, kumpleto na, ayos lang kayo?" tanong ng lalaki, at sa ilalim ng buwan, nakita ko si Kuya Mark, ang tagapangalaga ng apoy.
**************************************************************************************
Nang makarating ako sa may Shrine ay nakita kong may mga skeleton na sa paligid, at nang makita ko ang isang shrine maiden around 20 of age na hihiwain ng isang skeleton gamit ang isang palakol ay agad ko siyang sinagip sa pamamahitan ng pagbagsak sa may kalansay upang masira ang ulong bunggo nito.
"Asaan ang iba?" tanong ko sa shrine maiden.
"Hindi ko po alam, pinatakbo po sila para magtago," sabi niya.
"Okay, tara," sabi ko at pinasunod ang shrine maiden, pinahawak sa kanya ang bata at gumawa ng isang mana blade.
"Pwede na siguro dito," sabi ko nang makakita ng isang nag-iisang gusali na medyo kalakihan at siguradong magkasya ang lahat ng mga nagsasanay at tagapagsanay dito.
"Dumito muna kayo," sabi ko nang pumasok ako sa loob at nakitang storehouse iyon, kakasya naman siguro lahat since may kadugtong pa ang storehouse "magtago kayo dito," ulit ko "dadalhin ko dito ang mga makikita ko kaya mag-antay kayo dito at wag mag-iingay," sabi ko at lumabas na at pinalibutan ng firewall ang storehouse bilang proteksyon sa mga undead.
Salamat sa map, madali kong nakikita kung saan may nagtatago, at sa bawat kita ko, hinahatid ko sila agad sa may storehouse. Akala ko may magugulat nang makita nila ang apoy sa paligid ng storehouse pero hindi iyon nangyari.
Habang palayo ako ng palayo sa storehouse ay parami ng parami ang mga skeleton, siguro ay may hinabol sila kaya madami dito.
Habang hinahatid ko ang ilang mga batang shrine maiden sa storehouse ay nakita ko ang head shrine maiden, tumatakbo at hinahabol ng ilang skeleton kaya agad ko silang hinagisan ng ping-pong mana bolt upang mailigtas ang head shrine maiden.
"Head maiden," sabi ko nang makarating kami sa storehouse "pakibilang ang mga nandito since hindi ako sigurado sa kabuuang bilang niyo," sabi ko.
"Okay," sabi niya kaya agad akong umalis at pinuntahan ang kwartong may pinakamaraming nagtatago.
Habang papunta ako ay nakarinig ako ng sigaw at nakita ang isang skeleton na sinira na ang pinto kaya agad akong gumawa ng fire blade sa magkabilang kamay at pinatay ang skeleton; dahil naramdaman kong may naka-likod sakin ay agad akong yumuko, umikot at buong pwersang inihampas ang hawak sa skeleton.
"Ayos lang kayo?" tanong ko at nang um-oo sila ay hinatid ko na sila sa storehouse; kabilang doon sina Lulu at Lina pero siguro dahil sa takot ay hindi sila nagsasalita pero napapansin kong nakatingin sakin si Lulu, humihingi siguro ng kasiguraduhan kaya hinimas ko ang ulo niya.
Nang makarating kami sa storehouse ay agad binilang ng head shrine maiden ang mga kasama ko at sinabing
"Kulang pa ng lima," sabi niya.
"Okay," sabi ko at lalabas na sana pero sumunod si Lina at Lulu sakin.
"Kayong dalawa, hindi niyo pa kayang protektahan ang sarili niyo diba?" tanong ko at napatungo sila "dumito na kayo," sabi ko at lumabas na.
Nilibot ko muli ang buong shrine, tinignan ang map dahil baka may hindi akong napansing daan pero nakadalawang ikot na ako pero maliban sa mga nasa storehouse ay wala ng puting dot na ang ibig sabihin ay neutral at lahat ay mga pawang pula na kaya agad akong bumalik at sinabi ang katotohanan.
Papalabas na uli ako para gumawa ng ruta nang makarinig ako ng isang sobrang lakas na pagsabog at pati ang shockwave ay naramdaman ko dito dahil umalog ang buong gusali, buti na lang at hindi gumuho ang storehouse.
"Lalabas muna ako, gagawa ng ruta papunta sa guild," sabi ko at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...