Habang pabagsak kami ay ginamit ko ang isang aerial drop technique na pinangalanan kong <Meteor Drop>.
Pagbagsak ko sa lupa ay nagkaroon ng crater sa pinagbagsakan ko na pumatay sa mga nasa range at shockwave na sumira sa mga gusali at nagpatalsik sa mga nasa labas ng crater at sumira sa mga buto nila.
Nang bumagsak kami ay nagkaroon katahimikan then, 4 seconds later.
"Yaaahh!" may mga bumunot sa mga sandata nila at nilusob kami.
Agad naming inihanda ang kanya-kanya naming sandata at sinimulan ang counter-attack.
Pinagpapatay namin ang mga humarang, iniwanan sina Lyfa at Mimir to lay waste on the city.
Habang tumatakbo kami patungo sa palasyo ay agad kaming tumalon palayo upang maiwasan ang ilang magic spells na papatama samin.
"Woah♥ nagpunta dito ang mahal ko♥" sabi ni Cecile kaya tumingala ako at nakita siyang lumilipad sa ere kaya tinitigan ko siya ng masama "aahhnn♥ wag mo akong titigan ng masama♥ nababasa ako♥"
"Ugh... yan si ate Cecile ng timeline mo kuya, no wonder..." sabi ni Eri.
"Mauna na kayo, ako na bahala dito," sabi ko at itinaas ang kamay at mula sa puwesto niya ay isang koluma na yari sa apoy ang siyang umusbong bigla.
Direktang tinamaan si Cecile at ginamit nila iyong tsansa para mauna na pero bago pa man sila makalampas sa fire pillar ay tumalon sila palayo upang mailagan ang ilang earth spike at nakita naming pababa ng latitude ang dalawang kalalakihan, kilala ko ang isa, si Envy; yung isa naman ay hindi ko kilala pero isa siyang lalaking bare-chested, mabalahibo ang chest area at ang mga braso niyang makakapal.
"Sorry, pero kailangan niyo munang lumampas samin, Mark Anthony," sabi ng isang pamilyar na boses kaya hinanap ko ang pinagmulan at nakita kong napapalibutan kami.
Nakatayo si Rhozanse sa isang gusali at nakatingin samin, no, kay Ventus.
May isang obese na babae na naka-suot ng two piece bikini at high-heels, which is actually traumatizing, ang nakatayo hindi kalayuan kay Rhozanse.
May isang babaeng may bored na itsura ang nakaupo sa bubong at nakasalumbaba habang tinitignan kami, nakasuot siya ng isang frilly dress at makikita sa bewang niya ang isang latigo, meron siyang tiara sa ulo na may crystal.
At isang lalaking nakasuot ng gaudy clothes, namumukaan ko ang lalaki, siya yung dating hari ng Mountoria.
"I see... so yung lumilipad sa ere si Hephaestus," sabi ko at tinignan ang lalaking may malaking braso na animo'y braso ng isang gorilla.
"Hindi na Hephaestus ang pangalan ko, ang ngalan ko na ay <Pride>," sabi niya.
"Heeh..." sabi ni Galice "so kalaban ka na, okay, pito kami, pito kayo, so, 1-on-1?"
"Fine by me," sabi ni Rhozanse at biglang sumulpot sa harapan ni Ventus at binigyan siya ng uppercut na nailagan ni Ventus by back-flipping.
"Woah! Ba't ako!" reklamo ni Ventus pero tumakbo parin palayo at hinabol siya ni Rhozanse, kasabay ng pagkawala ng fire pillar at lumitaw uli si Cecile na walang kadamage-damage sa katawan, well, distraction lang naman yun so mahina lang talaga ang firepower.
"Papatayin ko kayo kung may aagaw sa mahal ko, ako ang papatay sa kanya!" sabi ni Cecile.
"Then, tara na't lumayo nang walang istorbo," sabi ko at tumalon na sa may bubong, dinaanan ang babaeng obese na walang ginawa sakin at nanatiling nakatingin sa kanila, ewan ko nga lang kung kanino.
Nagpunta kami ni Cecile sa isang plaza, of course napapalibutan kami ng mga demons na nakahandang sumugod pero pinagbawalan sila ni Cecile pero walang umalis sa kanila at nanatiling nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...