Matapos ikuwento ni Nekone ang nangyari sa side niya ay binigyan siya ni Heneral Luna ng option na sumali sa rebel army matapos sabihin ang mga info na nakuha nila pero hindi pa rin siya naniwala sa mga binigay naming inpormasyon kaya naman...
"Andito yung isa sa mga iniligtas niyo?" tanong niya nang makarating kami sa nadanan naming bayan nung mailigtas namin ang mga babae sa may brothel.
"Yup, anak siya ng isang duke," sabi ko at nagsimula ng maglakad patungo sa meeting place at bawal kong ipaalam ang tinitirahan niya in case na mapagdesisyunan niyang kumampi parin sa palasyo at habang nandito kami, nagiimpake na ang rebel army at lilipat na sa ibang hideout.
"Ah, ayan na siya," sabi ko nang makita ang babaeng niligtas, yung elf na nagpasimuno sa revenge seek na nais niya.
"Musta," bati ko nang makalapit siya.
"Ayos naman," sagot niya at tinitigan ng masama si Nekone.
"Woah, easy girl, easy," sabi ko "wala siyang alam at nandito siya for confirmation."
"Anong gusto mong makonpirma?" tanong niya kay Nekone "lahat? Oo binebenta ako gabi-gabi sa gusaling yun sa siyudad ng <Albetra>, ako kasama ang ilan pang mga kababaihan!" sigaw niya at napayuko si Nekone.
"Everytime na may dadating na bago, pinipilahan nila, wala silang paki-alam sa edad, mapa bata man o matandang hanggang kuwarenta ginagalaw nila, marami ang mga namatay sa initiation test, lahat sila ay mga batang nasa edad apat hanggang lima!" sabi niya at napatingin ako sa kanya dahil sa nalaman "yung mga batang ginalaw nila na nabuhay, nabaliw dahil sa naranasan at mangilan-ngilan lang ang nanatiling ayos! Pagnagkaroon ka sakit, wala ng gamot-gamot, didiretso ka nilang papatayin, lalo na kung ang sakit mo ay nakuha dahil sa sobrang dami na ng gumamit sayo!" dugtong niyang sigaw kay Nekone, nagsabi siya ng mga pangalan, sa dami ay kukulangin ang mga daliri sa parehong kamay at paa "ang mga pangalan na iyon, sila ang mga naubusan ng oras! Nagkasakit at pinatay, o kaya naman ay pinili sila ng hari at namatay habang nakikipagtalik!" sigaw niya at narinig kong hunihikbi na si Nekone.
"Sorry," bulong niya.
"Sorry?! Anong magagawa nun! maibabalik ba nung sorry mo ang mga namatay!" sabi niya at huminga ng malalalim at sunod-sunod, pinabayaan ang umiiyak na si Nekone.
"Alam mo bang meron uling bagong pamilihan?" tanong niya sakin at nararamdaman kong kumukulo uli ang dugo ko.
"Ayon kay ama, na nagpunta doon para makapagimbestiga, puro mga bata ang binebenta -" hindi ko na marinig ang sinabi niyang kasunod dahil nagdilim ang paningin ko at isa na lang ang laman ng isipan, mga paraan upang patayin ang mga staff at customer.
"Saan ang brothel?" tanong ko.
"Bayan ng <Atlantika>, ayon sa ulat na sinulat ng ama, karamihan ay mga dinakip na anak ng noble ang mga nandoon," sabi niya.
"Okay, aalis ako saglit," sabi ko at sinaklong sa ulo ang hood ng robang suot.
Aalis na ako nang hawakan ni Nekone ang suot ko kaya napatingin ako sa kanya.
"S-sama ako," may luha sa mata niyang sabi.
"Okay," sabi ko.
"Oo nga pala," malungkot na sabi ni Nekone "alam mo ba kung kanino ito?" tanong niya at nilabas ang isang kwintas.
"Oo, kay Zepira, isang... Kaibigan," sabi niya at napayuko na lang bago sinaklong sa ulo ang hood ng suot niyang roba at narinig ko na lang na humihikbi na siya kaya binigay ni Nekone ang kwintas sa kanya.
"Sorry," paumanhil niya "sorry dahil naging bulag ako at ipinaubaya ang lahat sa namumuno, sisiguraduhin kong hindi na ito mauulit pa," narinig kong bulong niya.
Tumalikod siya at pinanunasan ang mga luha sa mata at sinabi saking "tara, may mga kailangan tayong iligtas," sabi niya.
"Bilib ako sa lakas mo," mahina kong sabi habang naglalakad palabas ng bayan.
****************************************************************************************
"Nakita rin kita da wakas," sabi ko nang makita siyang lumayo sa isang babae "pero nakakairita, sino yang kasama mo, ako lang dapat ang nasa tabi mo," at tumalon ako patungo sa kabilang bubong para sundan ang minamahal.
****************************************************************************************
"Kakayanin mo ba ang bilis ko?" tanong ko kay Nekone nang makalabas kami ng tarangkahan.
"Gaano ka ba kabilis?" tanong niya.
"Pwede kong takbuhin ang bayan at makarating doon within the day," sagot ko.
"Ewan, ano ba gagawin-hiya!" hiyaw niya ng bigla ko siyang buhatin in princess cradle "t-teka, Mark Anthony," at hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil tumkbo na ako patungo sa bayan ng <Atlantika>.
"W-wow... Ang bilis..." sabi ni Nekone nang ibaba ko siya dahil malapit na kami sa siyudad.
"Of course, build-up ba naman ay INT-AGI syempre mabilis talaga," sabi ko.
"Paano tayo makakapasok?" tanong niya dahil may dalawang guwardiya sa tarangkahan.
"Simple lang, <Heat Haze>," gamit ko at pumasok na sa loob.
"W-wow..." sabi niya.
"Say, kaya mo bang pumatay ng tao?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Ba't ako papatay?!" tanong niya.
"Wala," sabi ko at umiling-iling na naglalakad.
"Hey! Sabihin mo bakit?" sabi niya.
"Nothing much, papatayin ko lang silang lahat," sabi ko.
"No! Walang mamamatay!" sabi niya at hinarangan ako at tinitigan sa mata.
"Sabihin mo ang dahilan kung bakit hindi ko sila dapat patayin gayung gumamit sila ng mga bata," sabi ko.
"Kasi ikaw ang tagapangalaga! Prinoprotektahan mo sila dapat ng pantay-pantay!" sagot niya.
"Oo, pero tayo rin ang batas," sabi ko.
"Kahit tayo ang batas hindi tayo pwedeng pumatay na lang basta-basta, kailangan ng imbestigasyon bago ang hatol at ang palasyo ang kailangang magbigay non!" sabi niya.
"Maaring sinabi nila iyan upang mailigtas nila ang mga tauhan nila," sabi ko at napansing pinagitinginan na kami ng mga nglalakad kaya hinila ko siya sa isang eskinita.
"Maari pero maari ring hinde!" sabi niya nang masigurong wala nang nakikinig "at isa pa, nasasakupan ko ang Hydroria, ako ang bahala sa may hawak ko!" sabi niya at huminga ako ng malalim dahil may tama siya at hindi ako gaanong makapag-isip ng maayos dahil sa pagnanasang patayin ang mga customer.
"Haah... Fine, pero pag may nakita akong gumagamit, papatayin ko no questions asked," sabi ko "sexual intercourse with a minor is punishable by death," sabi ko minodify lang ng kaunti ang Nocturian custom to back me up.
"... Hindi nga? Seryoso?" gulat niyang tanong.
"Oo, kaya pag may nakita ako asahan mo na ang mangyayari," sabi ko.
"Then tara na," sabi niya.
"Hey, tanghaling tapat, anong ebidensiya ang makukuha natin?" tanong ko.
"Then anong gagawin natin for a while?" tanong niya.
"Tara at mag-hotel," sabi ko.
"H-hotel?! A-anong gagawin natin doon?" namumula niyang tanong.
"Mag-uusap, sabihan ng info and all, bakit? Ano nasa isip mo?" tanong ko.
"Wala!" sigaw niya upang matakpan ang hiya.
"Iniisip mo bang may gagawin tayong kung ano doon?" tanong ko.
"YUNG PAGKAKASABI MO KASI!" sigaw niya kaya inalala ko ang sinabi kanina.
"Sorry," paghingi ko ng paumanhin dahil mali ako sa ginamit na salita.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...