Matapos mapuksa ang mga lumusob na goblin ay pinatawag kami sa may palasyo para magdiwang, at dahil nagtataka ako kung paano ko nagawang mapatay ang <King Goblin> ng walang kahirap-hirap ay sinubukan kong gamitan ng <Judge> ang espada at napanganga dahil:
<Flame Overseer's Sword>
Attack +500
All Status +100%
Fire Enchant (Large)
Auto-Restoration
Quality: Best
"Hoy! Sabihin mo sakin! Kung kaya mo naman palang patayin mag-isa yung halimaw bakit hindi mo ginawa kagad!" sabi ni F-guy habang tinitignan ko ang espada.
"Kanina ka pa nagtatanong niyan, at uulitin ko ang sagot, malay ko bang kaya kong gawin yun, at isa pa salamat lang yun sa espada, kahit tignan mo pa," sabi ko at ini-abot sa kanya ang espada na agad niya namang kinuha, pero pagkahawak niya ay bigla itong tumalsik sa kamay niya na para bang ni-reject, nasalo ko naman kaya walang natamaan at nakita ko ang isang notification na nagsasabing:
Bounded item. Cannot be used by anyone other than the owner.
"Iniisip mo sigurong pwede mong magamit ano?" tanong ko dahil kanina ay hiniram ito ng tatay niya pero hindi naman ito tumalsik.
"Paumanhin?" patanong niyang sabi at inabot ko uli ang espada pero this time ay hindi na ito tumalsik "ba't nga pala tumalsik yung espada?" tanong niya habang tinitignan ang espada.
"Bound item, ako lang makakagamit," sagot ko sabay subo sa hawak-hawak na pagkain.
"Sevilla," tawag ni Adelaide at biglang bumilis ang tibok ng puso ko... Dahil sa kaba.
"A-ano yun?" tanong ko
"Totoo bang ikaw ang yung pumatay sa <King Goblin?" tanong niya, hihindi na sana ako pero...
"Oo, siya yung pumatay" sumagot na si F-guy bago pa ako makapagsalita at nakita ko sa mukha ni Adelaide na namangha nanaman siya at kulang na lang ay kuminang-kinang na ang mga mata niya sa sobrang pagkamangha.
"Mr. Mark Anthony Sevilla," sabi ng isang maid.
"Bakit?" tanong ko
"Nais kang maka-usap ng hari sa isang pribadong lugar," sabi niya at tumayo na ako mula sa pagkaka-upo, kinuha ang espada kay F-guy at sinabing
"Lead the way," at naglakad na siya palayo na sinundan ko.
"So... Bakit mo ako pinatawag?" tanong ko sa hari, walang pakialam kahit na hindi magalang ang pagkakasabi ko.
"Nais ko lang itanong, ikaw ba ang tagapangalaga ng apoy?" tanong niya.
"Asaan na yung tatay nina Adelaide?" tanong ko dahil sabi niya hindi daw niya ipagsasabi.
"Walang kinalaman si Rikkimaru, sinabi niya lang na bakit hindi ikaw ang tanungin ko." sabi niya at napabuntong-hininga ako.
"Oo, ako ang tagapangalaga ng apoy, since may titulo akong <Overseer of the flames>," sagot ko at bigla siyang lumuhod at dinikit ang ulo niya sa sahig "ayos lang bang lumuhod ka ng ganyan sakin? hari ka diba?" tanong ko.
"Nararapat lang na lumuhod ako ng luhod ng mga alipin sa iyo o' dakilang tagapangala, ang diyos na kumokontrol sa apoy, lalo na't humuhingi ako ng tulong sa iyo para labanan ang mga matatalinong halimaw," sabi ng hari kaya napabuntong-hininga uli ako.
"Tumayo ka," sabi ko at tumayo siya "una sa lahat hayaan mo muna akong maglabas ng sama ng loob," panimula ko at mapalunok siya ng laway "sabi mo, tinawag niyo ako para tulungan kayo sa giyera diba?" at tumango siya as confirnation "alam niyo bang dahil doon namatay ako sa mundo ko?" tanong ko.
Napatingin na lang sa sahig ang hari at mahinang sabi ng "paumanhin."
"Hindi naman talaga ako galit, nainis lang ako, pero siguro okay na rin na natawag ako dito kasi ganito yung nais kong mundo," sabi ko at nawala ang lungkot sa mukha ng hari "now for the second, anong mapapala ko kung tutulungan ko kayo?"
"Uh... Fame?"
"Sisikat ako basta ipakita ko ang galing ko sa mahika," sagot ko sa sinabi ng hari.
"Power?"
"Sabi mo ako ang diyos na kumokontrol sa apoy, sabihin ko lang na ako ang tagapangala lahat na sila ay susunod sakin," sagot ko
"Diba, wala akong mapapala kung tutulong ako sa inyo," sabi ko sa hari nang hindi na makapagsalita pa "wag ka mag-alala, di ko naman sinabing hindi ako tutulong," sabi ko at sumaya uli ang lumungkot na mukha ng hari "oo nga pala, diba sabi mo ako ang diyos? sinong lapastangan ang nagsabi niyan?" tanong ko
"Ang simbahan po," sagot ng hari at napamura ako dahil mahirap mapilit ang religion.
"Haah... fine, simula ngayon, pantay lang tayo pero under special circumstances, doon lang tataas ang position ko," sabi ko
"Masusunod," sabi niya.
"Tsaka, bago tayo makipag-giyera nais ko munang imbestigahan itong mga matatalinong halimaw na 'to," sabi ko "kaya nais kong libutin ang mundo, at kung sakaling umatake sila, tama na ang mapalayas niyo sila."
"Masusunod po," sabi niya "at maari po bang malaman kung kailan mo balak maglakbay?" tanong niya
"Balak kong umalis agad, after kong makakita ng pwedeng isama at yung maagkakatiwalaan ko," sagot ko sa tanong niya.
"Bakit hindi ka bumili ng alipin?" tanong niya.
"Paki-ulit?" sabi ko 'May... Slave system...' sabi ko sa isipan, hindi makapaniwala sa narinig.
"Bakit hindi ka bumili ng alipin?" ulit niya "hindi ka nila mapagtataksilan dahil sa oras na ginawa nila iyon, makaaramdam sila ng sakit at nakadepende sa sa iyo kung gaano kasakit amg mararamdaman nila."
"Ang dami mong alam ah," sabi ko.
"Nung kabataan ko, nangongolekta ako ng mga halimaw para maging alaga, may seal na tinatatak sa kanila, special yung seal dahil may dugo mo yun for ownership tapos- paumanhin muntik na akong malayo, ngayon may isang researcher na sinibukang gamitin ang monster seal sa isang tao at sucessful at doon na pinanganak ang pang-aalipin, at ginagamit din namin ang seal na tinatawag na slave seal para sa mga kriminal," sagot niya
"Ah... so legal ang slavery," sabi ko
"Oo, legal ang slavery pero illegal ang pang-aabuso sa alipin," sabi niya
"Define abuso," sabi ko
"Pinagbabawal ng batas ang panaakit ng sobra sa mga alipin ng walang ginagawang masama, kumbaga, bawal ang pananakit sa kanila for enjoyment," sabi niya "maliban lang don, pwede mong gawin sa kanila ang lahat, pati na 'yun'."
"May alipin ka for that purpose ano?" tanong ko at umiling siya "haah... anyway, aalis na ako at gusto ko ng matulog."
"Kung gayon, ipapa-ayos ko na ang-"
"Wag na, at paniguradong mamamahay ako, pupuntahan ko na lang yung tinuluyan kong posada, at kung kailangan mo ako, hanapin niyo ako sa guild," sabi ko at umalis na ng palasyo, hindi na ako nagpa-alam kina F-guy dahil kinakabahan ako kay Adelaide.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...