Chapter 96

1.2K 71 0
                                    

"Mahal na tagapangalaga, sino ang iyong nais na mapangasawa?" tanong sakin ng head shrine maiden.

"Ah..."

Sa ilalim ng sirkumstansiya na kinakailangang malusutan, natural na sa isipan ng tao na alalahanin ang mga karanasan upang malusutan ang kasalukuyang problema.

"Mahal na tagapangalaga?" sabi ni head shrine maiden.

Sa puntong iyon, ang unang pumasok sa isipan ko ay sina Lyfa at Mimir at para bang automatic na bumukas ang bibig ko at sinabing:

"Sorry, may asawa na ako, dalawa, sina Lyfa at Mimir," sabi ko.

*Clack*

Agad akong napalingon nang marinig na may nalaglag na kung ano sa loob ng silid, at nang dahil sa nalaglag na iyon ay nabalik sa reyalidad ang mga nasa loob at dali-daling nag-sikilos upang maisalba nila ang mga niluluto.

'Did I just dug my own grave?' sabi ko sa isipan.

"Maari bang malaman ang iyong nagustuhan sa kanila," sabi ng head shrine maiden.

"Paumanhin ngunit, hayaan mo akong tanggihang sagutin iyang tanong na iyan," sabi ko "ayokong madagdagan pa ang mga sasanayin ng mga dilag na naririto," pagsisinungaling ko.

"Ikaw ang masusunod," sabi ni head shrine maiden.

Hindi na ako nagtagal sa dambana at dali-daling umalis, nagmamadali, nagpasikot-sikot ako sa buong bayan sa ilalim ng paglilibot dahil pakiramdam ko may sumusunod sakin, at nang mag-gabi ay agad akong bumalik sa posada.

"Ba't parang naka-kita ka ng multo? Nakita mo si Cecile?" tanong ni Luxerra, nang makita ko siya nakaupo sa isang lamesa kaya pinuntahan ko siya at iyon ang tinanong niya.

"Hah... hindi, may na-enkuwentro lang ako at baka masundan ako kaya..." sabi ko habang palinga-linga.

"Asaan nga pala si Lyfa?" tanong ko nang mapansing wala siya.

"Andun sa may kusina, since tinikman niya ang pagkain at ayaw niya sa lasa, kaya sinugod niya ang kusina at nagluto nang para samin, at dahil naibigay sa maling table... ayun naging part-timer siya," sagot ni Luxerra.

"At si Mimir?" tanong ko at tinuro niya ang isang babaeng were-fox na may kayumangging buhok na naka-suot ng isang waitress-outfit, yes, si Mimir.

"Dahil biglang full-house, ayun naging part-time waitress siya," sagot ni Luxerra.

"Heh..." sabi ko at biglang dumating si Lyfa kasama si Mimir, may dalang pagkain para sa tatlo.

"Mark? Kelan ka dumating?" tanong ni Mimir.

"Kani-kanina lang," sagot ko.

"Wait lang, ikukuha kita," sabi ni Lyfa at bumalik uli sa may kusina, at nang bumalik siya ay may dala uli siyang pagkain para sakin.

"So, saan ka nagpunta?" tanong ni Luxerra kaya nilabas ko ang mga libro na binili.

"Recipe book?" tanong ni Lyfa nang makita ang recipe book "magluluto ka na uli?"

"Akala ko ba ikaw na muna ang mag-luluto?" tanong ko.

"Ugh... gusto ko lang uli kasi makakain ng luto mo," sabi niya.

"Fine, bukas, almusal, ako magluluto," sabi ko.

"Talaga?!" sabi ni Mimir hindi tinatago ang tuwa sa mata.

"Oo, ako na ang magluluto," sabi ko.

"Talaga?" ulit niya.

"Oo," sagot ko.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon