Dumating sina Nekone at Celine kasama ang mga kasamahan nila sa village matapos ang isa pang araw.
Nagulat sila nang makita si <Flamma>, pero matapos ang isang mahabang paliwanagan at isang pangako kay Celine na dalhin ko siya doon kasi wala pa siyang familliar.
Agad nilang kinuha ang mga rebelde at nakita ko sa mukha nila ang tuwa, pero nang makita nila <Aqua>, ay hindi na mawari ang itsura nila.
"So, papasukin natin yun?" tanong ko.
"Guerilla-Style? O Assassin-Style?" tanong ko.
"Assassin-Style sana hangga't maari pero, hiniram ni Noir si Noire, at masyadong delikado kung..." sabi ni Celine at tinignan si Lulu.
"Sasamahan ko," sabi ko.
"Then on stand-by kami rito," sabi ni Celine "aantayin si Nekone."
"Okay, Lulu, gear up," sabi ko at minanipula na ni Lulu ang <Equipments> niya at ganun din ako, at nang makita ko ang mga damit nina Celine ay agad kong binigay iyon sa kanila matapos sabihing pagbalik sa palasyo ang bayad.
Dahil walang <Shadow Hide> ang suot ni Lulu ay pinahiram ko sa kanya ang <Shadow Dragon Leather Coat> ko at nagtungo na kami sa Oldale.
Dahil sikat pa ang araw ay ginamit ko ang <Heat Haze> para walang makakita saming pumasok, at dumiretso sa may sinasabing base ng mga rebelde.
At gamit ang <Silent Walk> ni Lulu at <Stealth> naman ang sa akin ay agad kaming nakapasok sa pamamagitan ng pagsunod sa isang pumasok.
Ang sinasabing base nila ay sa isang underground cavern na ewan ko kung paano nagawa, maraming mga kwarto ang cavern at kasalukuyang nasa isa kami ni Lulu, nagplaplano.
"Nakuha mo?" tanong ko.
"Opo," sabi niya at sinuot ang maskara niya at ginamit ang <Shadow Hide>.
Dahil sa underground ang cavern, ay maraming anino na pwedeng pagtaguan ni Lulu, specially dark elemented pa siya kaya pwede niyang magamit ang mahika as back-up at padilimin ang paligid.
Ang target namin ay kumuha ng ebidensiya, si Lulu ang kukuha sa mga mahahalagang papel at ako naman sa pinaka-delikadong area, ang kwartong pinagpupulungan ng mga rebelde.
Gamit ang <Heat Haze> at <Shadow Hide> combo, nagtungo ako meeting room at nakita doon ang ilang mga lalaking werebeast na pawang mga beterano ang itsura at ang isang mukhang mayamang lalake.
"Itong lugar na ito," sabi ng mukhang mayaman.
"Ang bayan na iyan?" tanong ng isang lalakeng beterano.
"Oo, iyang bayan na iyan, diyan tayo lilipat sa oras na mapasabog na natin ang Farenhart Manor," ani ng mukhang mayaman.
"Bilib din ako sa mga kalatas na iyon," sabi ng isa pang beterano "nakapaloob ang isang <Advance Rank Magic> sa loob."
"Boss, paano tayo nagkaroon ng ganun?" tanong ng isa.
"Sa totoo lang hindi ko alam dahil ipinadala lang ang mga yun dito mula sa taas," sagot nung mukhang mayaman.
"Bakit?" tanong ng isang beterano nang makita niya ang kasamahan na nakatingin sa kinaroroonan ko.
"Wala, imahinasyon ko lang siguro," sabi ng betaranong tumingin sa direksyon ko.
'Muntik na yun,' sabi ko sa isipan 'dapat manatili akong kalmado, isa lang akong bato.'
'Kuya,' tawag ni Lulu 'wala akong makitang mga papeles na mukhang kailangan, pero nakakita ako ng ilang mga papel na may nakasulat na baybay ng salamangka, anong gagawin ko?'
'Kunin mo lahat ng makita mo, tapos tawagan mo na sina Celine,' sabi ko.
'Okay,' sagot ni Lulu.
Inaantay kong matapos ang pagpupulong, wala na akong makuhang inpormasyon maliban lang sa kikilos na sila ngayon lilipat na, dahil sa kawalan ng magawa ay tinawagan ko si Celine na sabihan ang Farenhart Manor na wag magpalabas sa bayan ng kahit na sino at sasabihin na ang dahilan nang...
"Boss! May batang nakapasok!" sabi ng isang rebelde kasabay ng ulat ni Lulu na nabisto siya kaya.
"Sorry pero matulog muna kayo," sabi ko at ginamitan sila ng <Mana Drain>, skill na nakuha ko matapos kong i-max ang passive skill <Mana Steal>.
Itinali ko ang mga tao sa loob at nagtaka dahil kulang ng isa.
"Mamatay ka!" narinig kong sabi ng isang lalaki at hiniwa ako ng espada sa leeg.
Naputol at tumilapon ang ulo ko, iyon siguro ang imahinasyon niya pero ang nangyari ay nabali at tumilapon ang talim ng espada.
"Eh?" pareho naming sabi ng sabay, nagtataka sa nangyari.
Nagtitigan kami kaya napa-ngiti at pinitik ko siya ng mahina, at para bang sa mga exagerated movies na nag-flip ang pinitik at nawalan ng malay.
"... What?"
*****************************************************************************
"Nakatanggap na kami ng ulat kay Lulu, sabi niya pumunta na tayo doon," sabi ni Celine.
"Okay," sabi namin ni Mimir at sakay kay Aqua ay nagpunta kami sa Oldale.
"Pupuntahan ko ang Farenhart Manor, sasabihan na wag magpapalabas ng kahit na sino sa bayan," sabi ni Celine.
"Bakit?" tanong ko.
"Ewan, hindi sinabi ni Anthony eh, pinatay niya na lang bigla," sabi ni Celine.
"Baka may nangyari," sabi ni Mimir.
"<Aqua>, bilisan mo pa," sabi ni Nekone at lalong bumilis ang lipad ni Aqua.
"Gusto ko malaman kung paano nakakalipad si Aqua," sabi ni Celine.
"Magic," sagot ni Nekone.
"Very convenient," sabi ni Celine at magsasalita na sana pero nakarating na kami sa may Oldale.
"Mauuna na kami," sabi ko at tumalon kami nina Lina mula sa likod ni Aqua.
Mataas ang lipad ni Aqua at hindi ko alam kung gaano kami kataas pero nung bumagsak kami sa may lupa, una paa, ay nagkaroon ng bitak sa lupa, hindi ko na iyon inintindi at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan nina Mark kasunod sina Mimir at Lina at doon—
"Anong ginagawa mo," sabi ko nang makita si Mark, naka-upo sa isang bariles, hinahayaan ang isang lalaki na hiwa-hiwain ang braso niya.
"Ah, time's up," sabi niya nang makita kami at nang marinig iyon ng lalake ay tinaga niya si Lulu sa nakalabas niyang balikat.
Duguang bumagsak si Lulu, putol na ang kaliwang braso... iyon dapat ang mangyari, hindi ang mabali ang talim ng espada, ang tumilapong talim ay tumama sa isa pang bariles na naroroon.
"Sorry, kung nag-alala kayo, nabisto kasi Lulu at akala ko kung napano na," sabi niya.
Kaya tinitigan ko na lang siya.
"Sorry na," sabi niya uli kaya napabuntong-hininga ako.
'Ba't ba ako nag-aalala sa kanya?' sabi ko sa isipan gayung alam na namin na wala doon si Cecile, ang babaeng pwedeng makapanakit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...