"Nagugutom na ako," reklamo ni Mimir kasabay ng pagtunog ng sikmura niya kaya namula siya hanggang tenga kaya pati yung interior ng tenga niya na kulay pink naging kasing pula ng ketchup.
"Ako rin eh gutom na," sabi ko at tinignan si Lyfa na kasalukuyang nagluluto ng hapunan namin.
"Saglit na lang malapit na akong matapos," sabi ni Lyfa.
Agad kaming umalis matapos maresolba ang <Arun Lake Flood> side-quest, normally dapat mag-stay dahil naghanda sila sa isang piyesta pero nahiya ako at agad na kinaladkad ang dalawa paalis na ngumiti lang ng malaman nila ang rason, kaya nandito kami ngayon, sa may damuhan, di kalayuan sa isang dirt road, magpapalipas ng gabi.
"Ayan, okay na," sabi ni Lyfa at pinagsandukan kami ng niluto niyang stew.
"Salamat," sabay naming sabi ni Mimir at nang maka-upo na si Lyfa, hawak-hawak ang sarili niyang pagkain, ay nagsimula na kami, ang karne ng <Reed> at ilang gulay na binili ang ginamit na sangkap sa stew, kumpleto na sana kung may tinapay lang, at para bang alam ni Lyfa ang iniisip ko, binigyan niya ako ng tinapay, matigas na iyon dahil nakalagay iyon sa <Storage Ring> ni Lyfa, pero nawala naman ang tigas ng isawsaw ko sa stew.
"Asaan na tayo?" tanong ni Mimir habang hinuhugasan ang mga pinagkainan gamit ang water-magic niya.
"Hmm... malapit sa tinitirihan ng earl," sagot ko "isang town na kung tawagin ay <Town of Herling>."
"Dadaan tayo syempre?" tanong ni Lyfa.
"Of course, since first time kong makasalamuha ng isang Florian noble," sagot ko.
"For that reason?" naka-ngiting tanong ni Lyfa.
"Yes, for that reason," sabi ko "ako na first shift," sabi ko na sinang-ayunan lang nila at natulog na.
Habang natutulog sila, ay gumawa ako ng ilang potions, pero kahit na medyo mataas na ang level ng pharmaceutic skill ko ay medyo mababa pa rin ang mga gawa ko kumpara sa gawa nina Lafayette.
Nang magising si Mimir ay nakipagpalit siya sakin kaya natulog na ako, at nang magising ako kina-umagahan ay pinitik ko ang noo ng natutulog na si Mimir dahil nakayakap siya sakin, okay lang sana na nakayakap lang siya pero nasa loob ng damit ko ang kamay niya kaya kinilabutan ako ng maiisip ang pwedeng gawin niya habang tulog ako.
"Aray ko..." reklamo ni Mimir habang nag-aalmusal kami, sapo niya ang noo at hindi makaka-kain ng maayos "Anthony! Hindi ako makakain ng maayos, ahh..." sabi niya at binuka ang bibig, ninanais na subuan ko siya.
"Lyfa," sabi ko at sinubuan ni Lyfa ang kapatid na grabe sa sama kung makatitig habang nginunguya ang pagkain.
Nang matapos kumain ay niligpit na namin ang camp at nagpatuloy uli sa paglalakbay at matapos ang tatlong araw ay narating na namin ang <Town of Herling>.
"Seven days away from here, kung gagamit ng chirtso ang <cursed plains>," ani ko matapos magkapag-check in sa isang hotel.
"Ibig sabihin kailangan na nating mag-ayos?" tanong ni Lyfa.
"Oo, three days of preparation tapos alis na tayo," sabi ko.
"Three days? Ang tagal naman ata," sabi ni Mimir.
"Hindi naman, kailangan natin ng inpormasyon, kung saan ang weak point ng mga kalaban, anong magic spell ang sobrang taas ng resistance nila, and so on," sagot ko.
"Okay," sabay nilang tugon.
"Oo nga pala, sabi mo gusto mong maka-usap yung noble diba?" tanong ni Lyfa.
"Wag na lang, baka madawit ako sa politika, wala akong alam dun," sabi ko.
Agad kaming naghanda sa mga pwede naming makalabang halimaw, at sa loob ng tatlong araw na iyon ay marami akong nakuhang inpormasyon kabilang na doon ang origin ng mga undead type na halimaw.
"Sa lugar na kung saan, maraming namatay, lahat ng negative energy ay naiipon at nagiging sumpa kinakalabasan ng mga undead tulad ng wraith, zombie, skeleton warrior, skeletal mage at kung ano-ano pa," ulit ko sa inpormasyong nakalap habang pabalik sa inn.
Dahil sa masyadong malalim ang iniisip ko ay nakabungo ako ng isang batang babae around 13 years old na napa-upo sa impact. Nakasuot siya ng shrine maiden like outfit, meron siyang kulay pink na buhok at violet na mata, meron siyang maliit na ilong at manipis na labi na siyang umangkop sa maliit niyang mukha at maputlang kutis.
"Paumanhin, nasa malalim akong pag-iisip kaya nabungo kita," sabi ko.
"Wala iyon, ako ay siyang nagmamadali kaya hindi ko nakitang paparating ka," sabi niya "kung iyong ipagpaumanhin, ako'y mauuna na," dugtong niya sabay yuko at dali-daling tumakbo palayo.
'Hmm... what is this deja vu like feeling?' sabi ko sa isipan pero agad din iyong nawala dahil naokupa na uli ang isipan ko ng mga paukol sa undead.
"Handa na kayo?" tanong ko kina Lyfa gabi bago kami umalis.
"Yup, handa na," sabi ni Lyfa habang nilalagay ang mga palaso sa quiver at nilalagay sa singsing niya.
"Lyfa, nagagawa mo bang palitawin ang mga palaso mula sa singsing mo papunta sa quiver na nasa hita mo?" tanong ko "I mean... auto-refill?"
"Hmm... ngayong sinabi mo yan..." at inalis ni Lyfa ang mga palaso sa isang quiver at itinapat doon ang kamay, kumunot ang noo niya marahil dahil sa labis na konsentrasyon, maya-maya pa ay nagkaroon ng liwanag sa loob ng quiver at naging palaso.
"Kaya pero mabagal, kung sasanayin ko siguro magagawa kong mapabilis," sabi ni Lyfa at dahil sa nakarinig ako ng pagkasa ay napatingin ako kay Mimir at nakita siyang inaayos ang dalawa niyang baril.
"Mimir, hindi ko kayang gumawa ng mga bala niyan dahil sa Mountoria nag-originate yang mga baril na yan," sabi ko "kaya hanggat maari wag mo sayangin ang mga bala."
"Okay," sagot niya at kinasa ang pistol saka balik ng dalawang baril sa storage niya "bakit hindi mo nga pala subukang pumunta at makipag-alyansa sa Mountoria?" tanong ni Mimir.
"Hmm... lack of information," sagot ko "ang alam ko lang salamat sa <Grand Archive> ay puro disiyerto ang Mountoria, puno ng mga delikadong halimaw, hindi sila malakas pero marami ang nagtatago sa ilalim ng lupa tapos biglang aatake at lalamunin ka."
"Tapos?" tanong ni Lyfa.
"Tapos ang kapitolyo nila ay ang <Terra> pinangalan sa kauna-unahang tagapangalaga ng lupa," sabi ko "hindi ko alam kung pano palakarin ng leader pero isang unspoken law ang survival of the fittest, in other words, isang near justiceless country na kung saan nasa taas ang mga malalakas."
"Ibig sabihin kung gusto nating makipag-alyansa, kailangan nating baguhin ang pamamalakad ng bansa?" tanong ni Lyfa na tinanguan ko at binuntong-hiningahan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...