Chapter 84

1.4K 84 1
                                    


Nang maramdaman kong pinagmamasdan ako ay agad kong zinoom ang <Map> at nakita ang nagmamasid, dalawa sila, natatago sa likod ng puno hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Mimir, Lyfa, alam kong nandiyan kayo," tawag ko at agad na lumabas ang dalawa.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.

"Para pigilan si Mimir," sabi ni Lyfa na namumula ang dalawang pisngi pero nakatingin parin sakin.

"Para manood sayo," sagot ni Mimir na halos kasabay lang ng sagot ni Lyfa.

"BAKIT KA MANONOOD SAKIN! NALILIGO AKO!" reklamo ko kay Mimir na dinilaan lang ako sabay alis na sinundan ni Lyfa.

Dalawang araw na ang lumipas simula nung mapagdesisyunang tapusin na ang giyera, sa loob ng dalawang araw na iyon ay puro pagplaplano ang ginawa namin at para hindi mahalata ay pinagsisira naming dalawa ni Nekone ang mga brothel na puro slave ang laman, resulting sa kawalan ng paligo for two days.

"Hahh..." buntong-hininga ko habang pabalik sa tent.

"Bakit? Ano problema?" tanong ni Nekone na nakasalubong ko kaya kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina na para bang nawala na ang hiya ni Mimir "ah, ako ang nagpayo nun sa kanya, sabi ko ipakita niya pa lalo ang pagmamahal niya sa'yo."

"Ikaw pala ang may sala!" reklamo ko.

"Nope, payo lang yun pero yung ideya nakuha niya sa isang libro," sagot niya "binasa ko na rin yung libro and well..." at namula na ang mukha niya making me shiver sa maaring laman nung libro.

"By any chance..."

"Diary iyon ng isang certain Nocturian about sa kung papaano niya sinuyo ang iniirog, at kung papaano niya palihim na inoobserbahan ang katawan ng mahal niya," sabi ni Nekone.

"In other words, diary ng isang stalker, at yun pa ang napili niyang gayahin," sabi ko at nagsimulang kabahan sa mga maari niyang gawin pero kumpara sa noon na madali akong napatay nung dalawang may-gusto sakin, magagawa ko ng protektahan ang sarili ko... siguro...

"Ginoong Sevilla at Binibining Nekone, pinapatawag kayo ng reyna," sabi ng isang sundalo kaya agad kaming nagtungo doon.

"Nakaposisyon na ang mga sundalo," sabi ni Reyna Emeralda nang makarating kami "maghanda na kayo."

"Roger!" sabay naming sagot.

Nang gabing iyon, sakay kay <Aqua>, nagtungo kami; ako, si Nekone, si Lyfa, si Mimir, at si Lunaria, sa may kapitolyo.

Nag-antay kami ng ilang oras at nang marinig namin ang kalembang ng kampana, ay sumugod na rin kami.

Dahil kailangan naming makarating agad sa palasyo nang patago, tumatakbo lang kami at pinapatulog ang mga sundalong nakakita samin.

Nang makarating kami sa palasyo ay agad kaming napalibutan ng mga sundalo.

"Nekone, ikaw na ang gumawa, kami na bahala rito," sabi ko at nagpakawala ng sword wave upang mabigyan daan si Nekone na agad tumakbo, may mga humabol sa kanya pero salamat kina Lyfa at Mimir ay agad na napatay ang mga humabol.

"Lunaria, sundan mo si Nekone, isama mo si Mimir, siguraduhin niyong walang hahadlang sa laban niya," utos ko.

"Okay!" sabay na sagot ng dalawa at agad na umalis nang mabigyan daan nang magpakawala ako ng isa pang sword wave.

"Ako ano gagawin ko?" tanong ni Lyfa.

"Hmm... Dahil sa takot sila at hindi na maka-atake... patulugin mo na lang sila," sabi ko at agad na tumalon si Lyfa sa may pader na kinalalagyan ng ilang mamamana at salamangkero.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon