Chapter 133

1K 44 0
                                    

Twenty-minutes na takbo ko ang layo ng <Gringre City> sa pinaglalagian ng mga <Arunmanfi>, kung tutuusin, malayo ang pinaglalagian aabutin ka ng ilang araw pero seryosong takbo ang ginawa ko kaya 20 minutes lang ang kinailangan ko.

'So... paano 'to,' sabi ko sa isipan nang makita ang mga cactus na may bulaklak sa pinakatuktok.

Lumapit ako sa may cactus pero hindi man lang ito gumalaw. Ipinosisyon ko ang kamay, akmang dadakmain ang bulaklak, maya-maya'y bigla ko itong himablot at nakuha ang bulaklak, ginamitan ko ito ng <Judge> at napatunayang <Arnmanfi Flower> iyon.

'Nakuha ko na pero hindi man lang gumalaw itong halimaw,' sabi ko isipan kaya bigla ko na lang itong hiniwa gamit ang <Infernus> na agad nitong ikinamatay.

'... Low exp, di man lang magbigay ng kahit 300 points, anong level ba nito?' sabi ko sa isipan at ginamitan <Analyze> ang isang halimaw 'anak ng... 15?! Kaya naman pala.'

Napabuntong-hininga ako kaya mabibilis kong kinolekta ang mga bulaklak, ayon sa <Quest> isa lang okay na, pero mas maganda kung marami dahil may feeling akong mahal ang bulaklak.

Habang nangongolekta ako ay nakarinig ang ng tunog ng naghahampasang metal, kaya agad akong nagtungo sa pinag-galingan ng tunog at nakita ang isang halimaw na may dalawang whip like vines na puno ng mga spike.

'Oh, so yan ang itsura ng <Arumanfi> mukha siyang normal na halimaw kung ganyan ang itsura niya, ah, bagsak na siya,' sabi ko sa isipan.

Nang makita kong bumagsak na ang kumakalaban sa may halimaw at pupuluputan na ng whip-like arms ng halimaw ay agad akong nagbato ng <Firebolt>. Hindi ko nasunog ang halimaw tulad ng nais ko, pero nagbigay ito ng butas sa katawan, unti-unting natuyo ang halimaw at namatay, kinolekta ko ang bulaklak at lumapit sa lumalaban, nakasuot siya ng helmet kaya hindi ko makita ang mukha pero dahil may sugat siya at may lason ang halimaw ay agad ko siyang pinagaling gamit ang <Curaga> at habang inaantay na magising siya ay nagdikdik ako ng isang bulaklak at ang katas ay inihalo ko sa isang basong tubig. Nagawa ko na ang antidote pero hindi pa rin siya nagigising kaya inalis ko ang helmet niya at napag-alamang isa siyang babae, pina-inom ko sa kanya ang antidote, at nang maubos na ang laman ng isang baso ay binuhat ko siya at dinala sa may posadang inupahan sa may <Gringre City>. Iniwan ko siya sa kwarto namin at nagpunta sa guild upang ibigay ang quest item, pero sinabihan akong ako na magbigay sa kliyente tapos sa kanya na lang yung reward, kaya sinaksak ko ang kamay ng lalaking receptionist gamit <Fire Blade> at tinanong sa may register counter kung saan ang tirahan ng kliyente at yung reward ko, since ang tumatao sa may register counter ay yung babae kanina na umasikaso sakin ay dagli-dagli siyang kumilos, nilagay sa card ko ang reward at sinabi kung saan makikita ang kliyente. Pagkalabas ko ay agad na nagsitakbuhan ang mga tao sa loob upang tulungan ang lalaki.

Agad kong nakita ang kliyente, at agad na binigay ang bulaklak, agad siyang pumasok sa loob, being curious ay sumilip ako sa may bintana at agad na nakita ang isang babae, hindi ako sure kung bata ba ang babae o hinde dahil sa race niya, na kulay lila na ang balat, isa ang ibig sabihin nun, kumalat na ang paralysis toxin sa katawan ng babae, humihinga pa siya pero estimated ko, hindi siya makaka-abot dahil natataranta ang gumagawa ng antidote at nang maitapon niya pa ay napaluhod ang lalaki.

"<Curaga>," bulong ko at nakitang nawala ang pagka-lila ng balat niya.

"Pinawala ko lang ang pagka-lila ng kanyang balat, pinalayo ang lason, kaya wag ka mataranta," sabi ko sa lalaki ng makitang nakatingin siya sakin at hinagisan ng isa pang bulaklak ng Arumanfi.

Hindi ko na inantay ang sasabihin ng lalaki at agad na akong umalis. Nagtungo ako sa isang herbalist at pinakita ang bulaklak, bago pa ako makapagsalita ay sinabi niyang bibilhin niya for 4000 gold pieces at wag ko na daw taasan pa, wala na siyang pera.

Mabait ako kaya hindi ko tinanggap ang pera niya sa halim ay trade kami, ang talagang halaga ng bulaklak ay 10,000 Gold, kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng isang buong encyclopedia ng mga halaman na makikita sa <Mountoria> since may nakita akong halaman na may <???> imbis na ang pangalan nito. Kumuha din ako ng mga halamang gamot sa herbalist, lahat ng meron siya at dahil wala na akong maisip na mabili sa natitirang 1000 Gold ay pinera ko na lang ito.

Naghanap uli ako ng ilang herbalist, binebenta ang mga <Arumanfi Flower> hanggang sa kalahati na lang ang natitira, may mga nagagawang magbayad  in-full cash, at iba naman ay trade lang, ang iba naman tulad ng nauna ay halo.

Matapos kong maibenta ang mga bulaklak ay agad akong nagbalik sa may posada at nakitang tulog pa rin ang babae. Wala akong magawa kaya binasa ko na lang ang libro pero natapos na ang araw hindi pa rin siya nagigising.

Kinaumagahan, kakatapos ko lang mag-almusal at kababalik ko lang sa may kwarto nang makita ko na ang babae, nakaupo at nagtatakang tumitingin sa paligid.

"Buti naman at gising ka na," sabi ko kaya bigla siyang tumingin sakin.

"Nakita kitang bumagsak ng mahagupit ka ng latigong baging ng <Arumanfi> kaya sinagip kita at dinala sa may <Gringre City>," sabi ko at bigla na lang siyang umiyak.

"Ah... Miss, ayos ka lang?" tanong ko at umupo sa gilid ng kama, hinihimas ang likod niya, nagpatuloy lang siya sa pag-iyak kaya pinabayaan ko na lang siya, hindi ako magsasabi ng mga clichè line na ayos lang siya, ligtas na siya, dahil sa mga nababasa ko, pag-umiiyak sila hindi lagi dahil sa trauma.

"Maari bang malaman kung anong dahilan ng iyong pag-iyak?" tanong ko nang tumahan na siya bandang tanghali, risky question ng ginawa ko dahil maari siyang umiyak uli "sa tingin ko ay hindi gagaan ang loob mo kung hindi mo sasabihin, pero kung ayaw mo, hindi kita pipiliin."

"Meron akong kapatid na babae," sabi niya "tinamaan siya ng isang ligaw na kutsilyo sa may binti, pinagaling na siya ng isang paring kaibigan, pero matapos ang ilang araw ay bigla siyang nawalan ng malay, pinatingin namin siya sa isang herbalista at napag-alamang may lason siya ng <Arunmanfi> sa may katawan."

"Mauurong ang pagkalat ng lason sa katawan gamit ang isang healing spell, pero mahirap lang kami, ginamit namin ang lahat ng yaman na meron kami at naglagay ng request sa guild, pero dahil sa mababa ang reward, walang may gustong kumuha sa quest kaya't napagdesisyunan kong ako na ang kumuha," dugtong niya "inabot ako ng tatlong araw para makarating doon pero mahirap ang makapatay ng isang <Arumanfi>, may mga tumutulong sakin pero kinukuha nila ang bulaklak, wala akong magawa dahil mas malakas sila sakin, hanggang sa inabot na ako ng dalawa pang araw, nawalan na ako ng pag-asang mailigtas ang kapatid ko, dahil paniguradong wala na ang aking kapatid pagbalik ko at ayokong makita ang itsura ng aking ama..."

"I see, balak mong magpakamatay na lang, pero naisip mo ba kung anong mangyayari sa iyong ama kung hindi ka bumalik? Nawalan siya ng dalawang anak," sabi ko at biglang pumasok sa isipan ko ang aking ama 'anong pinagsasabi ko? Sa tatay ko nga wala akong pake, tapos eto ako, pinapagalitan ang isang babaeng hindi ko kilala,' sabi ko sa isipan.

"Naisip ko, pero hindi ko kakayanin, alam kong susunod siya samin, at magsasama kami sa langit, sa tirahan ng tagapangalaga ng lupa," sabi niya.

'Sure ka, titira ka sa mundong yun? Sa description ni Hephaestus, impiyerno yun, corrupted nga ang sa timeline ko pero extreme yung kanya, imposibleng future yun ng timeline ko dahil wala kaming mga makabagong baril, 9mm at M16 lang ang madalas kong makitang service gun,' sabi ko sa isipan.

"Pero iniligtas kita, hawak ko na ang buhay mo," sabi ko dahil ayon kay Orin, sa oras na may iniligtas ka sa may <Mountoria> pag-aari mo na ang buhay ng iniligtas mo, yeah, masamang isipin na parang gamit lang ang turing sa buhay dito pero wala akong magagawa unless ma-alis ko ang nakaupo sa trono.

"Gawin niyo po ang kung anong gusto niyo sakin pero sana po ay alisin niyo ako agad sa siyudad na ito," sabi niya "ayokong makita ng aking ama at malamang yumao na ang aking kapatid."

"I see, then tara sa baba nang makakain na tayo ng tanghaliam," sabi ko at agad kaming bumama.

Medyo malinamnam na ang binigay sakin, salamat sa limang gramong asin na iniwan ko sa kusina nung nagluto ako.

"Okay, pupunta tayo sa bahay niyo," sabi ko matapos kumain.

"P-please po, maawa po kayo, wag niyo akong dalhin sa bahay, ayokong makita ang malungkot na mukha ng aking ama," sabi niyang may mga luha sa mata.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon