Nang dumating na ang dating hari ay agad ko siyang pina-upo. Nakatingin siya kay Eriole, siguro first time niya lang makakita ng isang Nocturian.
"Butihing ginoo, iyong bagong alipin?" tanong niya.
"Hinde, prinsipe siya ng isang bansa na tutulong sayong kuhain uli ang trono," sagot ko "sa bansa nila ganyan ang lahi na nandoon, kaya siguraduhin mong mawawala na sila sa slavery."
"Masusunod po," sabi niya at yumuko "Eriole, pakitawag si Lunaria," sabi ko nang maalala na may ipinadadala ang dating adminstrado ng Hydroria dito sa Mountoria, tumango si Eriole at lumabas, maya-maya pa ay bumalik siya kasama si Lunaria.
"Pati rin ang lahi nila, tutulong sayo kaya aalisin mo na din sila, no mas maganda kung ang slavery ay gawin mo na lang bilang parusa sa mga susuway sa batas," sabi ko at tumango uli ang dating hari.
"Okay, now tulad ng sinabi ko kanina, may tutulong na sayong kuhain uli ang trono, ang Nocturia, Hydroria at Floria," sabi ko "tutulungan ka lang ng dalawang bansa dahil may kailangan sila sa may palasyo, isang babaeng nagngangalang Cecile at isang taong tinatawag na envy, na isang pekeng tagapangalaga ng lupa, since ang tunay ay nagtatago sa siyudad na ito," sabi ko at tumango uli siya "and for Floria, balak nila— naming sakupin ang bansa na ito, at ikaw ang magiging puppet namin, pero wag ka mag-alala, papakawalan din namin ang bansa."
"Maari bang malaman kung kailan iyon?" tanong niya kaya napa-ngiti ako dahil ang tono niya ay sa isang hari.
"Sa oras na maayos na ang pamamahala ng bansa, wala na ang magrerebelde," sabi ko "pero hindi pa sigurado iyon dahil pinag-uusapan pa ng pamahalaan ng Floria ang mangyayari."
"Kung gayon ay aking aasahan na mapapakawalan ang bansa sa aking pamamalakad," sabi niya.
"Depende, kung magsusumikap ka," sabi ko "oo nga pala, mainam kung kukunin mo ang tagapangalaga ng lupa," dugtong ko "pero wag mo ipapa-alam na dahil sa sinabi ko sayo, sabihin mo lang na matagal mo na siyang minamanmanan."
"Saan ko po siya makikita?" tanong niya.
"Madali lang makita ang tirahan niya, after all, sikat siya," sabi ko "ang tagapangalaga ng lupa ay nasa ilalim ng pangalan na Hephaestus."
"Hephaestus?! Ang tanyag na panday," sabi niya at tumango ako.
"Ayaw niya nga palang maki-alam dito kaya ikaw na ang bahala kung paano mo siya makukuha either as battle asset or support," sabi ko.
"K-kung gayon, kailangan ko na siyang maka-usap, butihing ginoo, kung ako ay iyong ipagpapaumanhin," sabi niya at aalis na ngunit bigla siyang huminto at lumingon "maari bang malaman ang iyong pangalan?"
"Ma— Helios," sagot ko.
"Ginoong Helios, kung iyong ipagpapaumanhin," sabi niya at umalis na.
"Maari bang malaman ang dahilan kung bakit ka nagsinungaling sa pangalan?" tanong ni Eriole.
"In case na magalit si Hephaestus dahil sa pinaka-usap ko siya sa dating hari," sagot ko kaya napangiti na lang si Eriole.
Kinaumagahan, nagtungo ako sa bahay ni Hephaestus para sa isang dahilan, alamin ang resulta sa ilalim ng rason na gagawa ako ng espada at wala akong mga gamit kaya manghihiram ako.
"Anong kailangan mo?" tanong niya nang makita ako.
"Hihiramin ko ang pandayan mo," sabi ko.
"May dala kang materyal?" tanong niya kaya tumango ako.
"Ba't parang bad trip ka?" tanong ko habang tinutunaw ko ang mga metal.
"Ah, may nagpunta dito kagabi, nirerecruit ako," sabi niya "either as battle asset or support, in other words, soldier or blacksmith, mamili ako."
"Ano desisyon mo?" tanong ko.
"Pinag-iisipan ko pa," sabi niya.
"I see, then bakit ka nakasimangot?" tanong ko.
"Kasi sa reward na makukuha kung sasali ako," sabi niya.
"Ano ba?" tanong ko.
"Yung mahal kong prinsesa," sagot niya "pagnanalo siya, gagawin niyang alipin ang prinsesa at ibibigay sakin."
"Maganda pero, magkakagusto ba siya sakin? Mamahalin niya ba ako?" ani niya at tinitigan ang dalawang kamay.
"Then ang gawin mo na lang ay pagbentahan siya ng mga sandata," sabi ko "tindero at isa siyang mamimili, walang kasalanan ang pera."
"Pero, kung i-recruit ako, sasapi ako," sabi ko kaya napatingin siya sakin.
"Bakit?" tanong niya.
"Nakatanggap ako ng ulat na may nagpapanggap na may na tagapangalaga ng lupa at kinukupkop niya ang isang wanted criminal," sagot ko "pero naka-depende sa desisyon ng hari ng Floria kung tutulungan ba namin o hinde," pagsisinungaling ako "wag ka mag-alala, kung tutulungan namin yang recruiter na yan, sisiguraduhin kong magkakaroon pa rin ng kalayaan ang prinsesa na yun, kung sasabihin mo kung sino," sabi ko.
"Pwede bang pag-isipan ko muna?" tanong niya.
"Oo, hindi pa naman ako inaaya eh," sabi ko at sinimulan na ang pagpapanday.
Katulad ng <Infernus> ang ginawa ko, kaibahan lang ay ang <Infernus> ay may kulay platinang talim, samantala ang nagawa ko ay may talim na kulay itim, kaya pinangalanan ko itong <Umbra>.
"Wow... di ko alam na magaling ka sa pagpapanday," sabi ni Hephaestus.
"Mas magaling ka, sadyang mga normal na metal lang ang ginagamit mo; <Iron>, <Steel>, <Silver>, <Copper>, <Gold>, yun lang ang mga nakikita kong ginagawa mo, kung gagawa ka ng <Mythril>, <Orichalcum> o kaya naman <Adamantite>, panigurado makakagawa ka rin ng mga <Divine> quality," sabi ko at ni-refine ang <Umbra> hanggang +7 at nilagyan ng mga baraha na katulad ng meron sa <Infernus> ang kaibahan lang ay naglagay din ako ng barahang may effect skill na <Ice Magic Edge>, kabaligtaran ng sa <Infernus>.
"Dual blader ka ano?" tanong ni Hephaestus nang ilagay ko ang <Flame Overseer's Sword> sa <Inventory> at ipinalit ang <Umbra>.
"Hindi naman talaga, more like, Swordmage," sagot ko at parehong binunot ang dalawang espada at nagpakawala ng dalawang sword energy wave na hugis 'X' sa ere.
"Salamat sa pagpapahiram," sabi ko.
"May bayad yan uy," sabi niya kaya hinagisan ko siya ng isang <Mythril>.
"Una na ako," sabi ko at naglakad palayo "pag-isipan mong maiigi," dugtong ko habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...