Nang umalis na sila Lyfa, ay agad akong pumikit para matulog na at nang gabing iyon, napanaginipan ko ang kapatid ko kaya nagising akong umiiyak.
"Wah! Freyja?! Paano mo ako natunton?!" sabi ko ng makita ang batang nakayakap sakin, aalisin ko na sana siya sa pagkakayakap pero nakita kong may mga luha siya sa mata kaya ngumiti ako at napayakap na lang sa kanya.
"Ahem," agad akong tumingin sa pinagmulan at nakita si Lyfa, nakangiti siya pero ang mata hindi "anong ginagawa mo?" tanong niya.
"N-niyayakap siya," sagot ko.
"At bakit?" tanong niya at sinenyasan ko siyang lumapit, at nang makalapit na siya ay pinunasan ko ang mga luha sa mata ni Freyja, at napangiti si Lyfa nang makita ang dahilan "tara na at mag-almusal."
Inabot kami ng ilang araw para makabalik sa hideout; sa mga bayang nadadaanan namin at kung may mayroon silang kamag-anak doon ay ako na mismo ang naghahatid, at isa lang ang lagi nilang sinasabi, sasapi sila sa rebellion group or should I say, sa grupo namin upang mabigyan hustisya ang sinapit ng either, anak, kapatid, pamangkin, etc.
"Bakit mo sila dinala dito?!" sabi ni heneral Luna nang iulat ko ang mga nangyari.
"Bakit masama ba?" tanong ko.
"Oo! Kulang tayo sa mga tao, pati sa pagkain nagkukulang na rin!" sabi niya.
"Then... wait, bumalik na ba sina Princess?" tanong ko at umiling sila "hold-out for a while, yung barko ba andyan pa?" tanong ko "kung nandyan pa, ipapadala ko sila sa bansa namin at sila na muna ang bahalang mag-alaga sa kanila, ipapasama ko si Princess sa kanila for safety purpose."
"Ngayon susundan mo sila?" sabi niya at tumango ako "paano sa pagkain nila? Mga kasuotan?" tanong niya.
"About that," at iniulat ko na rin na sasapi ang ilang pamilya ng mga nasagip ko, inulat ko rin na may isang anak doon ng duke kaya magkakaroon na ng financial support.
"Oo nga pala, ginagamit na namin ang mga baril at crystal pero tulad ng sinabi ko noon, hindi namin alam kung papaano gamitin yung mga dinala mo mula sa deposito nila," sabi ni Heneral Luna.
"Mahirap kasi kung walang demonstration kaya antayin niyo na lang muna ang pagbabalik ko," sabi ko "oo nga pala, saan sila muna manunuluyan?" tanong ko.
"Sa tent na malapit sa inyo, alagain mo sila," sabi niya at napangiwi ako nang maalala ang mga araw na pabalik kami rito kung saan...
"Okay," sabi ko at lumabas na at bumalik sa tent na pinagpapahingahan namin.
"Lyfa, aalis uli ako," sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Kailangan kong ... wait, pwedeng ikaw na lang," sabi ko nang maalalang hindi nakakapagsalita si Princess ng Hydrorian language.
"Saan?" tanong niya.
"Dahil sa kakulangan ng pagkain, ipapadala natin sila sa Floria, at ipapaalaga muna doon pansamantala," sagot ko at tumango siya.
Sunod akong pumunta sa tabing tent kasama si Lyfa, para ipaalam sa kanila ang mangyayari.
"Aalis kami patungong Floria, para doon muna manuluyan pansamantala dahil sa kakulangan ng pagkain?" tanong ng isa sa mga nailigtas namin.
"Oo, sorry, pero -" hindi natuloy ang sasabihin ko dahil may isang batang tumakbo at niyakap ako.
"Kuya, ibabalik niyo po ba kami sa lugar na iyon? Ayoko ko po bumalik doon," naiiyak niyang sabi kaya lumuhod ako at hinimas ang ulo ng bata.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...