Kinaumagahan, agad kaming umalis patungo sa cursed plains dahil 4 days north ng cursed plains ay ang <Dragon Graveyard>.
Habang patungo kami roon ay naka-enkuwentro kami ng laban ng isang grupo ng mga knight at bandido.
"Aling side tutulungan natin?" tanong ko "eenie minnie maynie mo! Rotcha pina pineapo—"
"Tigilan mo na nga yan, tara na," sabi ni Lyfa at nagpakawala ng <Magic Arrow> at pinatamaan ang mga bandido.
Nagpakawala na rin si Mimir ng mga <Mana Bolt> at ako? Sinugod ko sila at pinatulog sa pamamagitan ng pagsuntok sa diaphram nila needless to say, grabeng pagpigil ang ginawa ko.
"Pero ang dami nila," sabi ko nang makita ang mga reinforcement kaya bumuntong hininga ako, lumusob kasama ang ilang knights at nilagyan ng manipis na layer ng mana ang dalawa kong palad at pinagtama iyon kaya nagresulta ito sa isang shockwave na nagpatulog sa mga nasa range na 5 meters "<Stun Palm>," bulong ko sa pangalan ng technique.
Maganda sana ang technique kung hindi lang dahil sa isang malaking down, hindi nun kayang mangingilala kung sino ang kalaban at kung sino ang kakampi kaya pati ang mga knight na nasa range ko ay bagsak din.
"Sorry, for the stun," paumanhin ko matapos malapitan ng ilang knights, sa totoo lang iniisip kong aatakihin nila ako pero ang ginawa nila ay tinapos nila ang mga pinatulog ko, kinuha ang mga gamit at tinulungan ang mga kasamahan.
"How merciless," bulong ko kahit na wala akong karapatang magsalita dahil sa mga ginawa ko dun sa Nocturia 'hmm... ano nga pala nangyari sa mga slave hunter na iyon? hmm... hayaan mo na nga.'
"Salamat sa inyong tulong," sabi ng leader ng mga knights "Ano ang nais ninyong pabuya?"
"Madalas ng may mga kasamang kabalyero ay mga noble o royalty, at sa tuwing may tumutulong sa kanila laging naghahanap ng mga pabuya yung tumulong," bulong ni Lyfa sakin nang makita niya ang pagka-lito sa mukha ko.
"Hmm... Maari bang malaman kung saan kayo patungo?" tanong ko dahil wala naman talaga akong gusto kaya free ride na lang.
"Pupunta kami ng kapitolyo para sa taunang pagpupulong," sagot niya "iikot kami mula dito dadaan sa <cursed plains>, dadaan sa <Silent Forest>, para makapunta sa <Death Cavern> upang makapunta sa susunod na bayan."
"Wow... Dumaan na lang kayo sa <Arun Village> dahil wala na ang baha," sabi ko.
"Totoo ba ang iyong sinasabi?" tanong ng isang matabang lalaki na biglang lumabas mula sa karwahe.
"Ang aking sinasabi ay siyang tunay," sagot ko.
"Mag-iiba tayo ng ruta!" sigaw niya "maari bang malaman ang iyong pangalan?" tanong niya.
"Mark po," sagot ko "at sa aking pabuya sa pagtulong sa iyo, maari po bang sa susunod ko na makuha?" tanong ko sabay yuko.
"Hahaha! Kung gayun ay siyang mangyayari, ang pangalan ko ay Rudo Lankars, isang Earl na humahawak sa teritoryong ito," pakilala niya "at sa iyong pabuya, hanggat kaya ko at hindi taliwas sa batas ay aking ibibigay."
Matapos niyang sabihin iyon ay sumakay na uli siya sa karwahe at umalis na, pabalik sa direksyon ng <Town of Herling>.
"Okay, tara na," sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakbay patungo sa <Cursed Plains>.
Bago pa man kami makarating sa <Cursed Plains> ay natatanaw ko na ang isang parte ng plains na natatabunan ng makakapal na hamog.
"Yun na ata yun," sabi ko at isinenyas kina Lyfa at Mimir ang parteng natatabunan ng hamog.
"Mukha nga," sabi ni Lyfa at lumuhod si Mimir at inilabas sa <Storage Ring> niya ang isang AWM sniping rifle at sumilip sa scope.
"Woah, ang daming undead," sabi niya kaya nilabas ko ang binoculars na kinuha ko noon nung sinugod namin yung barkong may lamang mga hydrorian at sumilip doon.
"Wow... madami nga," sabi ko nang makita ang mga zombie like undead sa may gilid ng hamog.
"<Flare Rain>!" sabi ko at pinatama sa mga undead na pumatay sa marami, pero bali wala lang ang nangyari dahil napalitan uli ang mga zombie na namatay ng mga galing sa loob ng hamog "tsk, bali wala lang," sabi ko.
"Pero hindi ka na nag-chant ah," sabi ni Lyfa.
"Hmm? Ah, kasi lagi kong ginagamit yung spell, kaya nasanay na yung katawan ko sa pakiramdam pag-ginagamit ko, iniimahe ko na lang yung pakiramdam hanggang sa ayun, nagkaroon ako ng <Chantless> passive skill," paliwanag ko "dati dahil sa low level yung <Chantless> hindi ko magawang gawing chantless yung mga spell kaya kailangan ko pa ng chant, pero ngayong max na, mga SS na lang ang kailangan ko ng chant."
"Siguro dapat mag-practice din ako ng <Chantless>," sabi ni Mimir kasabay ng pagbalik ng baril sa singsing niya.
"Agreed, practice tayong dalawa pag may free-time," sabi ni Lyfa.
"Di ba kaya mo?" tanong ko dahil nakita ko siyang gumamit ng <Razor Leaf> spell without chant.
"Hindi ko kaya, kaya lo lang under breath chanting," sabi niya.
"Parang whisper chanting?" tanong ko habang pababa kami ng burol upang makarating sa <Cursed Plains>.
"Parang ganun na nga," sabi niya at inihanda na ang pana.
"<Ifrit>," tawag ko sa familliar na agad lumitaw sa balikat ko "mauna ka na sa cursed plains, sunugin mo gamit ang tinuro ko sayong atake," utos ko kaya agad itong lumipad patungo sa gilid ng <Cursed Plains> at huminto doon, sumigaw siya at pinagaspas ang dalawang pakpak, at sa dalawa niyang pakpak, libo-libong bolang apoy ang nagsitalsikan na tumama sa mga undead na naroon.
"Naalala ko yung <Hraesvaler>," sabi ni Lyfa.
Actually ako rin, naalala ko rin yung ibon na yun sa tuwing gagamit si <Ifrit> ng <Hell's Spark>.
"Tara, hindi kaya ni <Ifrit> na gawin yan ng magdamag," sabi ko kaya tumakbo na kami at nakarating sa gilid ng hamog.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...