Tinuruan nina Celine si Eri, from magic training to combat training, at para makakuha siya ng battle experience, hinayaan namin siyang magpalevel mag-isa, of course may mga support siya in case na hindi niya kayanin, mainly si Lina at Lulu, ang contribution ko since hindi niya magawang lumapit sakin, sinuot niya naman ang gawa ko so okay lang yun.
Ewan ko pero, maybe lahat ng earth guardian nagkaka-interes sa blacksmithing kasi every break ni Eri, nag-aaral siyang magpanday, nag-aaral din siyang manahi at gumawa ng potions through alchemy at pharmaceutics. Gusto kong tanungin ang gumawa ng setting, bakit nila pinaghiwalay ang <Alchemy> at <Pharmaceutics> samantalang pwede naman nilang isama iyon sa <Compounding>, haah... oh well, no use in complaining.
Nag-stay kami doon for three more soria months, at nang masigurong pwede na mag-isa si Eri ay napagdesisyunang umalis na kami at hanapin na ang final guardian.
"... Kuya," tawag ni Eri sakin, the night bago kami umuwi.
"Wag mo akong tawaging kuya, for sure naiisip mo yung ako sa mundo mo," sabi ko.
"Hinde, ikaw yung kuya na kinalakihan ko," sabi niya at napatawa ako, dahil mukhang dahil nga sa pagiging doting brother ko ang ugat ng incestious love ng ako sa mundo niya.
"Bakit ka tumatawa!" sabi niya at naalala ko yung time na niloloko ko siya noon.
"Kasi, naalala ko yung ikaw sa mundo ko," sabi ko at tumingala sa kalangitan, walang gaanong bituin na makikita dahil sa mga crystal light na nagkalat sa siyudad.
"Kuya, ikuwento mo nga yung mga nangyari nung... namatay ako sa mundo mo," sabi niya at tumabi sakin at tumingala rin.
'Ako nga pala ang nagturo sa kanya ng ganda ng stargazing,' sabi ko sa isipan nang maalala ko ang family outing namin sa bundok nung five years old siya.
"Gusto mo malaman?" tanong ko at tumango siya.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot ng "na-depress si mom at dad, specially dahil hindi nahuli ang mga killer; dahil sa depression, namatay si mom, naparalisa si dad dahil nawala ang sinasandalan niya, then nakilala niya yung bwiset kong step-mother, sinusuportahan pa naman niya ako kahit papaano pero hindi na ako belong, parang hangin na lang ako kaya nagrenta ako ng apartment malapit sa university na pinapasukan ko, nagworking student din ako para may pangtustos ako kasi onti lang ang nakukuha ko buwan-buwan then bigla na lang naudlot ang sustenance ko, kasi may bago na si dad, so yun, broken family ang kinalabasan, at nagsimula yun sa'yo," at hinimas ko ang ulo niya "hindi mo alam pero ikaw ang sentro nang pamilya, now ikaw naman, ikuwento mo ang nangyari sa'yo."
"Wala naman akong gaanong ikukuwento, masaya ang pamilya, until namatay si mom nung 14 ako dahil sa sakit; para satin, nagtrabaho si dad then nakilala niya ang bruha, I mean, nagkaroon din tayo ng step-mother, hindi tayo magkasundo kasi ayaw niya sa paraan na pinalaki tayo, so nagtrabaho ka bilang isang workshopper at part-time game programmer, yun din ang kinuha mong course diba?" tanong niya at tumango ako "tapos ayun, then umupa ka sa isang apartment, hindi ko kinaya ang sitwasyon sa bahay kaya lumipat ako sa apartment mo, okay naman then namatay ang girlfriend mong si ate Celine— ayos ka lang kuya?!" sabi niya dahil nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa hindi inaasahang atake.
"O-oo, ayos lang ako," sabi ko "continue."
"Tapos ayun, namatay si ate Celine dahil sa isang aksidente, tapos two months later, ayun na tinangka mo na akong gahasain tapos napunta na ako dito," sabi ni Eri.
"I see... gugustuhin mo pa bang bumalik?" tanong ko.
"Heck no! Magsisimula ako dito ng bagong buhay, although kailangan kong protektahan ang mundo, but still kung gusto mag-start dito, then kailangan ko talagang protektahan ang mundo," sabi niya kaya hinimas ko uli ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...