Chapter 20

2.9K 152 3
                                    

Nang magising ako, nakita ko ang sarili kong nakahiga sa isang sapin sa loob ng simbahan. Madilim ang paligid kaya napagtanto kong gabi na pero kahit madilim ay tumayo pa rin ako at lumabas at doon, nakita ko ang ilang villagers nasa harap ng isang bonfire.

"Total casualty count, 200, 150 adventurers at remaining 50 ay ang mga hindi kaagad nakalikas at naabutan ng mga halimaw," sabi ni F-guy kaya napalingon ako.

"...hindi ba sila nagagalit?" tanong ko dahil maaring may buhay pa bago ko ginamit ang skill at namatay lang nung ginamit ko.

"Ba't sila magagalit? Kung hindi dahil sa'yo mas mataas ang body count," sabi niya "tsaka kaya kami nasa harap ng simbahan ay dahil napaligiran kami, inatake sa lahat ng direksyon."

"I see..." sabi ko at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam.

"Pero... nakakapagtaka," sabi ni F-guy.

"Ang alin?" tanong ko.

"Kilala ang ogre bilang pinakabobong halimaw," sabi niya at naalala ko ang stats nila nung ginamitan ng analyze, meron silang 3 points int "pero yung pag-atake... parang planado, parang may kumokontrol sa kanila?"

"Maaring may king sila tulad nung sa king goblin," sabi ko.

"Sana nga," sagot niya.

"Ano na nga pala nangyari sa mayor?" tanong ko nang maalala ang sinabi niya kanina.

"Nabalian ng buto plus sinakitan ng likod kaya out of commission at si Rumia ang naging tempo mayor," sagot niya "napagaling na ni Adelaide kaya ayun sila," sabi niya at tinuro ang mga tao na nasa paligid ng bon fire.

"Ano ginagawa nila?" tanong ko.

"Kinukuwento ang mga alam nila sa mga namatay, upang maalala nila, ayun nga pala yung bagong graveyard," sabi niya at tinuro ang mga tombstone sa malayo "nasira rin kasi yung sementeryo nila kaya gumawa sila ng bago," sabi niya

"Sorry," paumanhin ko.

"Pumunta ka doon," sabi niya.

"Ayoko," sabi ko at tumayo saka pumunta sa loob ng simbahan.

Katulad na katulad ng simbahan sa may kapitolyo itong simbahan, may mga rebulto ng mga tao, mapa-babae o lalaki at sa gitna ay ang estatwa ng isang lalaki na may apoy din sa kamay.

'May makukuha kaya ako?' tanong ko sa sarili nang maalala ang nangyari dun sa kapitolyo kaya lumapit ako at hinawakan ang apoy at bigla na lang pumasok sa isipan ko kung papaano ang tamang pag-gamit ng iba't-ibang uri ng sandata kasabay ng notification na naglevel up ako.

Gained 75000 experience points.

<Blade Mastery> acquired

<Bow Mastery> acquired.

<Spear Mastery> acquired.

<Throwing Mastery> acquired.

<Dual wield> acquired.

'Pakiramdam ko nag-cheat ako sa isang laro' di ko mapigilang isipin dahil maxed ang mga skills na nakuha ko at ang status ko ay:

Name: Mark Anthony Sevilla

Level: 55

RANK: B

HP: 6525/ 6525

MP: 10520/10520

STR: 930

AGI: 1880 

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon