"May paraan ba para makakuha tayo ng mga bato na gagamitin natin panggawa sa mga bakod?" tanong ko sa hari matapos maikuwento sa kanya ang mga nangyari sa quest ko."May paraan ba para makakuha tayo ng mga bato na gagamitin natin panggawa sa mga bakod?" tanong ko sa hari matapos maikuwento sa kanya ang mga nangyari sa quest ko.
"Kasalukuyang wala, dahil malapit ng maubos ang mga bato rito sa bansa," sabi ng hari.
"Hmm... paano kaya kung manghingi tayo sa may Floria?" suhestiyon ko.
"Magandang ideya, ngunit kailangan nating paghandaan ang maari nating ipalit sa kanila," sabi ng hari.
"Ang hihingiin natin ay bato na kulang tayo, natural lang na ang ibigay natin ay ang marami tayo hindi ba?" tanong ko.
"Ngunit paano kung marami rin sila ng ibibigya natin?" tanong ng hari "kailangan ay yung kailangan din nila para hindi sila makahindi," at dahil sa sinabi ng hari ay napaisip ako sa pwede naming ipapalit sa mga bato ng Floria.
"Ah! Ba't ba ako nagpapakiharap dito!" sabi ko at kinontak si Lyfa gamit ang method na natuklasan ni Anthony.
'Lyfa, kasama mo ba si Anthony? Kung oo, patanong naman kung ano ang kulang ng Floria,' sabi ko.
'Uhmm... mahal na tagapangalaga, kasama ko nga po si Anthony ngunit... kami ay nasa gitna ng paglalayag patungo ng Hydroria, ngunit tatanungin ko pa rin po baka sakaling alam niya... na malayong mangyari,' sabi ni Lyfa at pansamantalang pinutol ang linya at nang binalik niya ay 'hindi niya daw po alam, pero kung nasa kapitolyo na raw si Zedrick kasama ang kuya, pwede daw niyang tanungin, saglit lang po, kinokontak niya na ang kuya... wala pa raw po sila at nasa gitna rin ng paglalayag patungong Floria.'
'Sige, salamat, sabihan na lang si Eriole na kontakin si Anthony pag-nasa Floria na siya, tapos sabihin mo kay Anthony kontakin niya ako sa tulong mo pag-kinontak na siya ni Eriole,' sabi ko at pinutol na ang linya.
"Haah..." buntong-hininga ko "hindi natin malalaman dahil wala si Anthony sa kapitolyo, naglalayag sila patungong Hydroria, at sina Zedrick naglalayag rin patungong Floria," sabi ko at bumuntong-hininga uli "alam ko na ang pakiramdam ng mga pinuno ng bansa namin," dugtong ko.
"Then, as precaution..."
"As precaution, dagdagan natin ang trabaho ng pumoprotekta sa mga bayan," sabi ko.
"Ngunit pag ginawa natin iyan, bababa pa lalo ang mababa mo ng reputasyon salamat sa alitan niyo ni Anthony na isa palang misunderstanding," sabi ng hari.
"Then... kung bayaran na lang kaya sila?" tanong ko
"Kung gayun naman, mas mainam na kumuha tayo ng A rank pataas na adventurer at tanging gagawin nila ay bantayan ang mga alagaing halimaw sa mga aatake dito," sabi ng hari at napunta na naman ako sa malalim na pag-iisip.
Because of your deep thinking, your INT increased by 1
'Oh shut it! Hindi kita kailangan ngayon!' sabi ko sa isipan at tinanggal ang notification na lumabas sa paningin ko.
"May mga guild house diba?" tanong ko "kung sila na lang kaya ang kuhain natin? Makakamura ba tayo doon?"
"Pwede, ngunit anong <Clan> ang kukunin natin?" tanong niya sakin.
'<Clan> pala ang tawag dun,' sabi ko sa isipan at nag-isip pero walang <Clan> ang pumapasok sa isip ko "pupunta ako sa guild, kukunin ko ang lahat ng mga may Guild House, paniguradong may tala sila nun diba?"
"Iyan ay hindi ko matiyak kung meron nga," sagot sakin ng hari kasabay ng pagtayo ko at labas patungo sa guild.
Nang makarating ako sa guild, agad akong humingi ng kopya ng mga tala ng mga guild house at ng average rank ng mga miyembro.
"Andami naman pala," sabi ko habang tinitignan ang mga tala sa aking silid.
'Kunin ko na lang kaya ang mga A-ranks tapos obserbahan ko sila incognito,' sabi ko sa isipan 'hinde, atakihin ko sila incignito, para masubukan ko sila.'
"Mahal na tagapangalaga," narinig kong tawag ni Lafayette sabay katok sa pintuan ng aking silid.
"Bukas iyan, pumasok ka," sabi ko at pansamantalang binaba ang binabasang tala.
"Mahal na tagapangalaga, ako'y magpapaalam at ako'y mangongolekta ng halamang kailangan sa iyong pinapagawa," sabi niya.
"Akin na ang card mo," sabi ko at agad niyang ibinigay ang guild card niya, agad kong inilabas ang guild card ko, nilapat iyon sa guild card ni Lafayette at idinikit sa crstals sa pana ko na nakadikit sa may likod ko, laking pasalamat ko at pwedeng ilipat ang lokasyon nung pana, pagkadikit ko ay nagliwanag ang dalawang card at sa paningin ko ay isang window ang lumabas na nagsasaad ng:
Transfer money:
Celine Montemayor: 1,500,321 Cole
Lafayette von Lumierre: 1,350 Cole
Pinindot ko ang pangalan ni Lafayette tapos ang pangalan ko at may lumabas uling window at inilagay ko doon ang lahat ng butal kong 500,321 at nang pindutin ko uli ay lumabas ang window na naglalaman ng:
Transfer 500,321 Cole from Celine Montemayor to Lafayette von Lumierre?
At pinindot ko ang yes, nang mawala na ang liwanag ay naging 1,000,000 coles na lang ang meron sa card ko at ang kay Lafayette naman ay 601,671 Cole.
"Gamitin mong pang-hire ng body guard mo," sabi ko at ibinalik ang card niya.
"Salamat po," sabi niya at yumuko at papaalis na sana ngunit napahinto siya at tinignan uli ako "paumanhin po, ngunit maari bang malaman ang iyong ginagawa, baka may maitulong ako," sabi niya at naisip kong pwede siya ang gawin kong observer ko sa mga guild na ito.
"Sige, ganito kasi yan," sabi ko at pinaliwanag sa kanya ang balak ko.
"Hmm... kung gayon, bakit hindi na lang po ang Dark Carnage, ayon sa aking kapatid, nung nangkaroon ng giyera sa guild house na iyon ang nireto ng prinsipe Eriole nung sinabi niyang lumikas sila," sabi ni Lafayette.
"Ah, yung akala nating giyera pero hindi pala at pinaprotekta lang nung kumag yung mga bayan," sabi ko.
"Pero muntikan na po hindi ba? Civil war," sabi niya at napakamot ako ng ulo dahil totoo ang sinabi niya.
"Okay, susubukan ko rin sila," sabi ko at inilista ang ang guild name kasabay ng pag-paalam muli ni Lafayette bago tuluyang umalis 'Dark Carnage... huh...' sabi ko sa isipan at hinanap ang guild name nila sa mga tala para malaman ko rin ang average rank nila 'Hmm? E rank? Mas marami ang E-rank sa guild nila? Titignan ko na lang bukas, ang base of operation nila ay nasa... siyudad ng Montres, medyo malayo pero kung aalis ako bago sumikat ang araw makakarating ako roon ng bandang tanghali.'
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...