Matapos naming makapag-agahan ay agad kaming nagstock-up ng mga pagkain since ayon sa <Map> malayo pa ang susunod na village, nagstock-up narin kami ng mga palaso ni Lyfa at dahil mauubos ang mga bala ng baril ni Mimir kung ang gagamitin niya ay ang PSG sniper rifle niya, balik siya uli sa staff, pero may pistol na nakasukbit sa hita niya in case na malapitan siya.
"Pero grabe ha, halos doble ng presyo yung mga pagkain," sabi ni Mimir matapos kaming makapamili.
"Of course, gagawin nila yun, dahil common sense na ang pagtinda ng may tubo tapos bibili ng mura pero sa kaso dito, well, understandable naman since may kakulangan sa pagkain," sabi ko.
"Ano kaya ang nangyari at nagkaroon ng kakulangan sa pagkain," sabi ni Lyfa at dahil na-curious ako ay napagdesisyunan kong tanungin ang village chief at para magawa naming mag-usap kailangan ko ng regalo kaya...
"Tara samahan niyo ako sa gubat," sabi ko "mangangaso tayo."
Gamit ang isang normal na shortbow at improvised throwing knives gawa sa mga sanga ng puno ay nangaso kami ng <Reed>, isa itong mala-usang halimaw na kasing laki ng kalabaw at isang carnivore.
Agad pinakawalan ni Lyfa ang <Magic Arrow> at tumama ito sa ulo killing the monster instantly, at in rare cases na sumablay ang preemptive strike ni Lyfa ay binabato ko ang improvised throwing knife na para bang isang dart at sa cooperation naming dalawa napapatay namin ang halimaw bago pa ito makalapit, at si Mimir, trabaho niya ang pagalingin kami in case na hindi namin magawang mapatay agad ang halimaw at magawa kaming maatake.
Around noon nang mapagpasiyahan kong itigil na ang pangangaso since mayroon na kaming pitong napatay, at dahil sa gutom na rin kami ay pinatulo ko na ang dugo ng isa, at parte-partehin base sa mga nabasa ko, binaon ko din sa lupa ang ulo ng halimaw at ang intestines, syempre wala na ang sungay nung binaon ko ang ulo; at dahil sa mga ginawa ko kanina nagkaroon ako ng brand new misc skill <Hunting> at <Dismantling> tapos nakakuha na rin ako ng bagong titulo <Hunter>, seriously...
Gamit din ang natutunan sa libro, prinoseso ko na ang balat ng halimaw upang mapreserba ito at hindi mabulok habang iniihaw ko ang laman, pinatulo ko na rin ang dugo ng iba pang halimaw para maasikaso ko na pagtapos makakain since ang balak ko lang ay ibigay ang karne sa village chief.
"Luto na yung karne," sabi ni Lyfa kaya pansamantala kong itinigil ang ginagawa at kumain na.
"Dapat siguro mamili tayo ng mga kasangkapan sa pagluluto," sabi ni Lyfa.
"Good idea," pagsang-ayon ni Mimir kasabay ng paglabas ko ng isang maliit na bariles ng tubig, six liters ang kaya ng bariles, actually naisip ko na gamitin ang magic ni Mimir para sa inuming tubig nung nandoon pa kami sa Hydroria at sinubukan ko iyon ang resulta: diarrhea, laking pasalamat ko at ang diarrhea dito ay considered na lason kaya matapos kong uminom ng antidote ay okay na ako, pero nadala na ako at napatunayang hindi totoo ang sinasabi sa internet na kung may magic ka with water element ay hindi ka na mauuhaw.
"Tapos si Lyf-"
"Ang magluluto ay si Mark," sabi ni Lyfa bago pa man ako matapos magsalita.
"Hey... diba ikaw itong cook nung papunta tayo ng Nocturia," sabi ko.
"Correction, katulong lang ako ni Adel, besides... anong level ng <Cooking> mo?" tanong niya.
"Uhmm... sixteen na," sagot ko.
"See, mas masarap ang gawa mo since mas mataas ang level ng <Cooking> mo kasi nasa 10 palang ang akin," rason niya.
"Kanino mo naman narinig yan?" tanong ko.
"Ganun naman talaga eh, yung head chef nga ng palasyo nasa level 18 na ang <Cooking>," sabi niya.
"Wait proficiency yun ah, akala ko akin lang yun," sabi ko.
"Sayo nga lang, 30 years na sa pagluluto ang head chef, pinabilis ng <Proficiency> ang experience accumulation, ayon naman yan sa theory ng tagapangalagang Celine," sagot ni Lyfa kaya napatango na lang ako.
"Then ano ang breaking ng levels?" tanong para malaman kung nasaan ba ako, experienced ba or expert since imposibleng beginner pa lang ako base sa level.
"Levels 1-6: beginner; 7-13: experienced; 14-19: expert," sagot ni Lyfa.
"Ohh... Meron ako ritong skill na level 20 proficiency <Compounding>," sabi ko, nakuha ko yung skill kasabay nung <Pharmaceutical> skill at tumataas every time na naghahalo ako ng kung ano-ano tapos yung kasabayan niya tataas lang after magawa nung finished product.
"Hmm... ewan, paumanhin pero hanggang 19 pa lang ang nakikita ko, tumataas pa ba yun?" tanong niya pero umiling ako since nung naghit na ng 20 ang <Compounding> ay nagkaroon na iyon ng <MAX> sa gilid ng level.
"Something na mas mataas sa expert..." sabi ko at tanging master ang pumapasok sa isip ko pero halos parehas sila ng meaning.
"Godly," bulong ko at napa-huh silang dalawa "iniisip ko kung ano ang itatawag sa level 20, at yun yung naisip ko," sabi ko at inubos na ang karneng hawak sabay kuha pa uli ng isa bago pa nila maubos ang inihaw.
Matapos ang tanghalian ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa kanina pero ngayon ay katukatulong ko na si Lyfa sa dismantling.
Naglaan ako ng dalawang buong karne ng <Reed>, roughly around 8-10 kilos para sa village chief and the rest ay para sa amin na since masarap yung karne.
Pagkabalik na pagkabalim namin sa village ay agad akong nagtungo sa village chief at matapos maibigay ang regalo ay agad ko siyang tinanong, with the pretense na narinig kong nagkakaubusan ng pagkain mula sa dalawang nag-uusap na villager, ang rason.
"Kinasal kasi ang anak ng earl at kailangan naming ibigay ang 30% ng ani bilang congratulatory gift sa mag-asawa," sabi ng village chief "okay pa sana, makakaligtas pa kami hanggang sa susunod na anihan ng pananim kung hindi lang sa mga refugees, hindi ko naman sila maitaboy dahil sa mabait akong tao kaya magtratrabaho sila sa sakahan ng village."
'Hou... then ano yung narinig kong sabi nung landlady na ipagbibili mo sila sa blackmarket?' tanong ko sa isipan pero hindi ko na iyon binoses pa at agad na nagpa-alam dahil nabasa ko ang tunay na laman ng isipan niya salamat sa <Mind Reader I> na pwede na gamitin sa pamamagitan ng pagsabi sa isipan.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...