Chapter 138

1K 46 0
                                    

"Master," sabi nina Iya at Aya nang pa-alis na ako.

"Ah, dumito muna kayo, pupuntahan ko kayo sa oras na bumalik na ako," sabi ko at yumuko sila 'as if na puntahan ko kayo,' sabi ko sa isipan.

Agad akong tumalon sa may likod ni <Flamma> kung saan ay kinasasakyan ni Lyfa.

"Okay, tara na," sabi ko at agad na lumipad palayo si <Flamma>.

"Lyfa, ano, tungkol sa sinabi ko kagabi," sabi ko.

"Hmm... sa Floria na lang," sabi niya.

"Then, dalhin ko na lang si Lamiah?" tanong ko.

"No, wag mo silang istorbohin," sabi niya sakin.

"Okay," sabi ko at humiga siya sa may hita ko.

"Inaantok ako," sabi niya at pumikit.

"Ang bilis," sabi ni Lyfa nang makita ang <Pyr City> nang mag-tanghali.

"Nasa 5000 ang AGI ni <Flamma> kung gugustuhin ko, pwede tayong makarating dito sa loob ng tatlong oras, pero sobrang bilis non at hindi ko alam kung makakabuti ba iyon sa iyo," sabi ko.

Nang bumaba kami sa may tapat ng bahay ay nagsilabasan ang mga dating shrine maidens upang salubungin kami.

Sinabi ko sa head maiden ang sitwasyon ni Lyfa, binigay ko na din kay Lyfa ang isang buong amount na kayang ipakita ng card under ng currency Zeny kay Lyfa, at dahil humiling uli siya ng luto ko ay ipinagluto ko uli siya.

"Mark," sabi ni Lyfa nang nasa kwarto kami.

"Ano yun?" tanong ko.

"Anong pangalan ang ibibigay ko?" tanong niya "in case na hindi ka agad maka-uwi sa araw ng panganganak ko."

"Hmm... ano ba gusto mo?" tanong ko.

"Ikaw, ano gusto mo?" tanong niya.

"Kung babae, Aria," sabi ko "at kung lalaki... ikaw na lang mag-isip kung lalaki," sabi ko at inakbayan siya at agad niya naman akong niyakap.

"Okay, kung lalaki, ako ang magpapangalan," sabi niya.

"Aalis na ako, magseseryoso na ako, papa-alisin ko ang namumuno sa <Mountoria> at papalitan ko ng matino nang hindi na maging ang malalakas ang nasa itaas," sabi ko at hinalikan siya sa pingi kaya sumangot siya at hinalikan ako sa labi.

"Ingat ka, hindi natin alam kung nandoon ba si Cecile," sabi niya.

"Oo, mag-iingat ako," sabi ko at tumayo na at lumabas.

"Ikaw na muna ang bahala," sabi ko sa head maid na yumuko.

"Masusunod po, mahal na tagapangalaga, poprotektahan namin si Lady Lyfa," sagot niya bago ako lumabas at tinawag uli si <Flamma> at bago ko paliparin si <Flamma> ay nakita ko si Lyfa na nakatingin sa may bintana kaya kumaway ako bago umalis.

Full-speed ang lipad ni <Flamma> kaya nakarating ako sa may <Gringre City> in less than two hours, taliwas sa estimate kong three hours.

'Paano ko kaya mapapabago ang pamamalakad?' tanong ko sa isipan at nang may tumawag sakin ay nakita ko ang tatay nina Iya at Aya, nagtitinda katulong ang dalawa, aalis na sana sina Aya at Iya pero sinabi ko na tulungan na lang nila ang kanilang ama dahil hindi ako mapakali tuwing nasa paligid sila.

"Butihing ginoo, nais ko sanang ibigay ito sa iyo," sabi ng tatay nina Aya at Iya at ibinigay sakin ang isang coconut like fruit, kaya tinitigan ko iyong mabuti at nakitang ang pangalan ay <Conucot>.

"Salamat," sabi ko at tinignan ang tatay nila at natulala sa lumabas na info niya, specially ang title niya na: <Former King>.

"Former king..." sabi ko at nakita kong nanigas ang katawan ng lalaki.

"Kailangan nating mag-usap kaya mamaya, pagsapit ng gabi, puntahan mo ako sa may posada," sabi ko at tumango lang ang lalaki, hindi magawang huminde dahil ibinigay niya sakin ang buhay niya, kahit ayaw ko.

Nang mag-gabi ay tinawag ako ng landlord kaya bumaba ako at nakita ang tatay nina Iya at Aya. Nanghiram ako sa landlord ng isang silid at doon ay pinapaliwanag ko sa kanya ang lahat.

"Hindi ko po alam kung papaano nalaman ng butihing ginoo na ako ang dating hari, pero kung iyong nais ay kapaliwanagan ay siyang aking ibibigay," sabi niya matapos kong maglapag ng tsaa na ginawa ko mula sa dahon na ibinigay ni Lafayette na mainam daw for stress relief.

"Please, pakisimulan," sabi ko at tumango siya.

Ang summary ng kwento niya ay ganito: Siya ang hari 20 years ago pero may taong gustong kunin ang trono sa kanya, ang kanyang kapatid. Nagkaroon ng civil war, at natalo siya, upang magawa niyang makuha uli ang trono ay tumakas siya, kasama ang kanyang asawa. Nagtago sila dito, ang gitna ng komersya upang mangalap ng pwersang lalaban kasama niya sa pagbawi sa trono, pero walang gustong tumulong sa isang talunang hari, pasalamat niya na lang at hindi siya ipinagkalulong, pero natunton parin sila isang araw at sumama ang asawa niya sa hari upang mabuhay lang siya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay magagawa na niyang mabawi uli ang trono at asawa pero wala siyang makitang butas sa pamamalakad ng kapatid niya, malupit ito at pinapapatay na agad ang mga maaring mag-rebelde hanggang sa lumipas ang limang taon at nalaman niya na lang na may anak na ang asawa niya sa kapatid at dahil sa kawalan ng butas sa pamamalakad at sa balita ay nawalan siya ng pag-asa at nahulog sa bangin ng kadiliman, at ang nagligtas sa kanya ay isang commoner na siyang ina nina Iya at Aya, doon ay nagpasiya na siyang sumuko, mahirap lang sila pero nagagawa naman nilang makaraos sa araw-araw pero nang mamatay ang babae nang ipanganak si Aya ay lalo silang naghirap sa puntong hindi na sila nakakakain ng isang buong araw dahil sa lagi silang ginogoyo ng mga mamimili, tapos nangyari na ang paralysis toxin incident, at dumating na ako, at binago ang pamamalakad sa siyudad, marami ang nagagalit sakin pero walang magawa dahil hindi nila ako kayang matalo, pero matapos ang ilang araw, ang galit ay naging tuwa dahil mas gusto nila ang pamamalakad ngayon kesa sa noon.

"Haah..." buntong-hininga ko "okay salamat, may kakausapin muna ako saglit at pupuntahan na lang kita."

"Butihing ginoo, maari bang malaman ang iyong pinaplano?" tanong niya.

"Balak kong sakupin ang bansa na ito at baguhin ang pamamalakad, pero bago iyon, kailangan ko munang kausapin ang mga ka-alyado ko," sagot ko.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon