Chapter 79

1.3K 82 0
                                    


Buo na ang buwan nang makarating ako sa bayan na kinatitirahan ng pamilya ng informant, madali ko lang silang natunton dahil sila ang namununo sa bayan, at tulad ng sabi niya, madalas ang tatay niya sa hardin nila upang magmuni-muni at kalimutan ang mga problema pansamantala.

"Iniisip mo ba kung anong mangyayari kung hindi nadukot ang iyong anak?" tanong ko mula sa likod niya siyang kanyang ikinabigla kaya agad niyang binunot ang isang G18 pistol at itinutok sakin.

"Sino ka?!" gulat niyang tanong.

"Woah, teka, teka," sabi ko "may inpormasyon ako paukol sa iyong anak na," sabi ko at binigkas ang alias ng dalaga na tanging mga kamag-anak niya lang ang nakaka-alam.

"Alam mo kung nasaan siya? Ayos lang ba siya? Asaan siya? Sino ka?" sunod-sunod niyang tanong sakin.

"Hinay-hinay lang, unang tanong: oo, alam ko kung nasaan siya; ikalawang tanong: ayos naman siya physically, ewan ko lang kung ayos siya mentally," sagot ko.

"Paano mo nasabing hindi ayos ang pag-iisip niya?" tanong sakin ng tatay ng informant.

"Wait lang, masasagot yan kasi ang sagot sa third question ay: nasa isang brothel sa siyudad ng <Atlantika> ang iyong anak, now dun sa tanong mo, paulit-ulit siyang ginagamit dun kaya di ako sure kung medyo ayos pa ang pag-iisip niya," pagsisinungaling ko sa isang info para maging kakamppi siya.

Dahil sa nalaman ng tatay ng informant, napaluhod siya na para bang nilambutan ng tuhod.

"For your final question, isa akong... mersenaryo na inupahan ng rebel army, top secret ito pero dahil sa kamag-anak ka ng informant sasabihin ko, papakawalan namin ang mga babae sa brothel na iyon sa pamamagitan ng pagdakip sa mga empleyado doon, kung gusto mong tumulong then magtungo ka doon, pero mas mainam kung maghahanda ka ng <slave seal removal potion>," sabi ko at maglalakad na sana palayo ngunit.

"Sino... ang namamalakad ng bahay-aliwan?" tanong niya.

"Wag kang gagalaw ng kung ano, kailangan naming hindi nila mahalata," sabi ko at nangako siya sa pangalan ni Aqua na hindi siya gagalaw ng kung ano.

"Palasyo ang namamalakad, si Lunyar ang may hawak ng slave seal," sagot ko dahil ayon kay Lunaria noong naglalayag pa kami patungo rito, pagnangako ang isang elf sa pangalan ni Aqua, ang kaunanahang tagapangalaga ng tubig, ay ibig sabihin ay hindi nila sisirain ang pangakong iyon kahit ikamatay pa nila.

"Ha...hahaha.... panaginip lang ito, panaginip na trinaydor ako ng palasyong pinaglilingkuran," sabi ko.

"Yeah... Right... Keep rejecting the reality," sabi ko at naglakad na palayo "ikaw na ang bahala kung mag-iimbestiga ka or hinde," dugtong ko.

Habang naglalakad ako palabas ng bayan ay nakaramdam ako na para bang may nagmamatyag sa akin kaya agad akong lumingon ngunit wala ako nakita kaya bigla akong tumingala at nakitang may gumalaw na shadow kaya agad akong tumalon patungo sa bubong ngunit nang makalapag ako, wala na ang shadow.

'Crap, may sumusunod sakin, hindi ako makakabalik sa hideout nito,' sabi ko sa isipan 'kung wala ako nito.'

"<Heat Haze>," gamit ko sa skill at nang maramdamang nababalutan na ako ng mahika ay agad na akong tumakbo pabalik sa hideout.

Habang tumatakbo pabalik ay nakita ko ang isang kulay kahel sa isang parte ng langit sa bandang kanluran ko, nacurious ako kaya agad akong nagtungo sa lugar at nakita ang isang nasusunog na bayan.

"Ano nangyari dito..." sabi ko at lumapit sa isang bahay at sumilip doon kung saan nakita ko ang isang lalaking walang malay at nakadapa.

Agad kong sinipa ang pintuan upang ito ay mabuksan, at dali-daling lumapit sa lalaki upang iligtas ngunit natigilan nang makita kong may laslas ang leeg nito.

"May you rest in peace," sambit ko at pina-apoy ang katawan upang maging abo at kumalat sa hangin.

'Better investigate nang malaman ko kung anong nagyari dito,' sabi ko sa isipan at lumabas na ng bahay.

Nilibot ko ang bayan, sumisilip sa mga bahay at pagnakakakita ng tao sa loob ay dali-dali akong papasok para lang malaman na patay na ito kaya sinusunog ko na lang. Kadalasan ng mga nakikita ko ay mga lalaki, meron akong nakitang babae ngunit wala itong saplot at bakas sa katawan na ginalaw siya bago paslangin.

'No clues,' sabi ko sa isipan at nag-alay ng dasal para sa mga sinunog ko.

Dahil sa walang clue upang malaman ko kung sino ang may sala ay minabuti kong umalis na at nakita ang isang babae sa may boundary ng gubat at nang bayan, tulad nang sa mga nakita ko sa bayan, wala siyang saplot at puno ng sugat ang katawan ang kaibahan lang ay naghihingalo pa ang babae at may tyansa pang mabuhay. Agad kong ginamitan ng <Curaga> ang babae at nakitang unti-unting naghihilom ang mga sugat niya ngunit kulang pa iyon kaya ginamitan ko uli siya, paulit-ulit hanggang sa maghilom ang sugat niya. Matapos mapaghilom ang mga sugat niya ay agad ko siyang binalutan ng roba upang maitago ang kanyang katawan at binuhat siya pabalik sa may hideout.

Nang makarating ako sa hideout ay saktong naghahanda na sila sa paglipat kaya matapos pansamatalang maihiga ang dalaga ay agad akong nag-ulat kay Heneral Luna.

"Isang survivor sa isang nasusunog na bayan ha... ituro mo nga sa mapa kung saan," sabi niya matapos kong mag-ulat na agad kong sinunod at tinuro sa mapa ang lugar "malapit lang sa bagong hideout, sige, iimbestigahan namin ito, asaan ang dalaga?"

"Nasa tent namin," sagot ko "mauuna na ako, ituturo ko pa ang basics sa elite ten mo," at lumabas na ako ng tent at pumunta sa kinalalagyan ng mga bagong baril at tulad ng ipinag-utos ko bago ako pumunta sa command tent, andoon ang lahat ng isasama ko.

"Anong armas ito?" tanong ni Princess pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng tent hawak-hawak ang isang pistol.

"Ginamitan mo ng appraissal? Ano nakasulat?" tanong ko.

"Uhmm... <Makarov> a semi-automatic pistol whose bullet is a 9x18mm. The only runed bullets that is compatible with the gun is <Fire Engraved Bullet>,' basa niya "ano yun?"

"Alam mo ba ang attack speed ng isang archer?" tanong ko.

"5 seconds ang kailangan para makapagpakawala ng palaso," sagot ni Princess "draw, notch, pull, aim, release."

"Actually nakadepende sa tao, anyway sa mundong kinagalingan ko, mahirap ang mag-asinta, specially kung matagalang asintahan dahil salo ng braso mo ang lahat ng bigat habang humihila ka ng string, mas matagal mas mahirap kaya naimbento ang <Crossbow>, nakakita ako nun dito, sinasakripsyo ang bilis for accuracy and power dahil mechanized ang crossbow at ayos lang kahit matagal kang umasinta," sabi ko at tinanong ang isang sundalo sa reloading speed ng crossbow.

"5 seconds ang kailangan upang malagyan ng bala ang crossbow, 8 seconds naman ang bilis ng atake ng isang crossbowman," sagot niya "dahil 5 seconds for reload, 1 second for ready, 1 second for aim, 1 second to shoot."

"See, 8 seconds ang attack speed ng isang crossbow user, dahil impraktikal iyon sa giyera, gumawa sila ng mga paraan upang mapabilis ang attack speed, gayung naimbento ang tinatawag nilang kasahan para mapadali ang reloading, gumawa ng crossbow na kung saan hindi lang isa ang mailalagay na bala, andun yung ginawa nilang tatlo ang kakawalang palaso, hanggang sa maging yang hawak mo," sabi ko.

"Wow..." sabi niya.

"Anyway, kayung sampu, patingin ako ng mga pinili niyo?" tanong ko at pinakita nila sakin ang dalawang FAMAS, isang AWM, isang CheyTac, isang Dragunov, dalawang TMP, at tatlong MP7; ang mga back-up naman nila ay lahat glock pistol na pawang mga machine pistol.

"Okay, kayo, ganito ang pag-gamit niyan," sabi ko at itnuro na sa kanila ang mga pagreload ng baril, at dahil nahiwagaan si Princess, ninais niyang sumubok kaya nirecommend ko sa kanya ang steyr scout at usp .45 bilang back up pistol.



Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon