Chapter 8

3.7K 211 7
                                    

"Anong level mo?" tanong ni Adelaide sakin at natigilan ako dahil naisip kong kung sasabihin ko ang tunay kong level lalo siyang magtataka dahil sa level 25 nakakagamit na ako ng ilang high-class spells, at kung magsisinungaling naman ako, hindi ko alam ang level cap.

"Sevilla?" sabi ni Adelaide.

"Confidential information, bahala ka diyang mahiwagaan sakin," sabi ko at pinalobo niya ang dalawang pisngi na tulad ng isang bata.

Nang makarating kami sa palasyo ang una kong nakita ay ang babaeng kasama ni F-guy na sinalubong ang pagdating niya.

"Ang bilis, tulad ng inaasahan," sabi niya at natigilan ng umiling si F-guy "ano nangyari?" tanong niya

"Kailangan kong makausap ang mahal na hari at ang mga pinuno ng bawat pulutong" sabi niya "magkakaroon ng giyera laban sa mga <Goblin>," sabi ni F-guy at tumango lang ang babae bago umalis "kayong lahat, maghanda uli kayo, bumili kayo ng mga kakailanganin tapos pumunta kayo sa training grounds at antayin niyo ako doon" utos niya at isa-isang nagsialisan ang mga miyembro ng grupo niya.

'Nothing to do here kundi maglibot' sabi ko sa isipan at nagsimula na maglakad palayo pero may humawak sa balikat ko at nang lingunin ko ay nakita kong si F-guy ang salarin.

"Saan ka sa tingin mo pupunta, kasama ka sa pagpupulong," sabi niya at kinaladkad ako papunta sa isang kwarto na may mapa, meeting room ata.

Hinawakan ko ang mapa at tulad nung nangyari sa slime, nagliwanag ang singsing ko at binalutan ang mapa at nang mawala ang liwanag ay nakakita ako ng isang window saying: <Map> function enabled. At nakita ko sa upper-right corner ng paningin ko ay isang steet map, pinindot ko iyon at lumabas ang isang window na naglalaman ng isang country map, pinindot ko uli para ibalik sa street map pero naging world map iyon na katulad na katulad ng world map ng earth.

"Asaan na yung mapa?" tanong ni F-guy ng lumapit sa mesa matapos siguraduhing nakabukas ang kaisa-isang bintana na nandoon.

"May mapa pala dyan?" pagmamaangmaangan ko at pumunta siya sa may sulok at naglabas ng bagong mapa at nilagay iyon sa mesa.

"Ano gagawin ko dito?" tanong ko matapos matanggal ang world map sa paningin.

"Sasabihin mo lahat ng detalyadong inpormasyon na meron ka" sagot niya.

"Wala na akong masasabi pa, sinabi ko na lahat ng core info," sabi ko.

"Pero hindi kung paano mo nalaman ang <shieldbreak> ability nung scepter na hawak nung halimaw," sabi niya.

"Kailangan ko bang sabihin yun?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya.

Tahimik naming inantay ang mga gusto niyang kausapin at dahil sa tagal ay nagbasa na lang uli ako ng libro.

"Sabi mo nung una tayong nagkita ay dun sa <Fire Tower> diba?" tanong ni F-guy.

"So, narinig mo pala ako," sabi ko.

"Pero nagsinungaling ka nung kinausap kita dun sa pagawaan ng damit, bakit?" tanong niya.

"Kasi, kinainisan kita nung una akong mapunta dito" sabi ko.

"Mapunta?" tanong niya at tinignan ko siya sabay buntong-hininga

"Oo, mapunta, at hindi ko na kailangan sabihin sayo yung detalye kung paano ako napunta dito," sabi ko.

"Then hindi na ako magtatanong, pero may kinuha ka bang damit at mga libro sa tore?" tanong niya "nawalan ng gamit ang isang puting mago sa tore, at ikaw ang unang pumasok sa isipan ko nung marinig ko yun."

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon