Chapter 15

3.1K 174 4
                                    

"Paanong pagsasanay ang gagawin mo?" tanong ni Lyfa

"Hmm... gusto kong magsanay gumamit ng espada," sabi ko

"Mamamana ako, hindi ko alam kung paano gumamit ng espada," sabi ni Lyfa.

"Kung gayon, turuan mo akong gumamit ng pana," sabi ko.

"Madali lang gumamit ng pana," sabi niya "sa sobrang dali, matututo ka sa panonood,"

"Oo nga, pero iba pa rin ang trained, mas mataas ang accuracy dahil alam mo ang tamang postura," sabi ko at natahimik siya "teka... wag mo sabihing... natuto ka sa panonood?" tanong ko at tumango siya kaya napabuntong-hininga ako.

"Ano magagawa ko! Pinagbabawalan ako ng ama na humawak ng kahit anong sandata kaya nga ang mga mahikang alam ko ay lahat ay nasa linya ng suporta," paliwanag niya.

"Fine, magpapaturo na lang ako kay Mira, tapos, ituturo ko sa'yo ang tamang postura," sabi ko

"Ba't narinig ko ang pangalan ko?" tanong ni Mira na sumulpot na lang mula sa kung saan.

"Please wag kang maging kabute, sumusulpot sa kung saan-saan," sabi ko.

"Ano ba ang kailangan mo?" tanong niya.

"Magpapaturo sana ako sa'yo gumamit ng pana," sabi ko.

"Yun lang pala," sabi niya "antayin mo ako sa knight's training ground," at umalis na siya kaya agad kaming nagtungo sa training grounds.

"Sino yun?" tanong ni Lyfa habang naglalakad kami.

"Ayon kay F-guy, siya ang punong mamamana ng palasyo," sagot ko at tumango-tango siya.

Inantay namin siya sa may training grounds at nang dumating siya ay may dala na siyang target, pana at mga palaso. Inilagay niya ang target sampung metro ang layo samin at tinuruan na niya akong gumamit na pana, tulad ng sabi ni Lyfa, madaling matutunan ang bow usage at tanging tinuro lang sakin ay ang tamang postura sa paghila ng palaso for higher accuracy at tamang pag-asinta, at isa lang ang nalaman ko, wala akong compability sa pana kaya matapos ang 30 minutes ay tinuro ko iyon kay Lyfa, na agad niyang natutunan. Of course nagtaka si Mira, kaya sinabi ko sa kanya na mamaya ko ipapaliwanag at sumama siya samin sa oras na dumating na si F-guy para masabi ko na rin sa hari.

"Pero, nakakairita siya, sinabi niya pa na pumunta ako pero ngayong andito ako, siya naman ang wala," reklamo ko

"Alam mo ba kung anong oras palang?" tanong ni Mira at mula sa bulsa ay naglabas siya ng isang pocket watch "sobrang aga pa kaya."

30 minutes pa naming tinuruan si Lyfa sa archery bago dumating si F-guy kasama si Adelaide kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Hoy, alam mo bang kanina pa kami nandito," sabi ko kay F-guy habang alerto sa mga pwedeng gawin ni Adelaide, alam kong paranoid ako but better safe than sorry dahil baka maulit uli yun.

"Ha? Kanina ka pa dito?" tanong niya

"Oo, mga isang oras na," sabi ko

"Ang aga mo!" reklamo niya.

"Maaga talaga akong nagigising," sabi ko "diba sinabi ko na sa'yo pagtapos kong mag-almusal pupunta agad ako rito."

"Letche, mamaya pa magigising ang mahal na hari," sabi niya

"Kung gayon, turuan mo akong gumamit ng espada," sabi ko at napabuntong hininga siya "kahit basics lang."

"Fine," sabi niya at tinuruan na niya ako sa pag-gamit ng espada at nalaman kong... wala rin akong compability sa espada.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon