Chapter 33

2K 117 0
                                    

"Hubarin mo armor mo," utos ni Galice kay P-knight.

"Kailangan ba talaga?" tanong niya kay Galice.

"Oo kailangan at dapat direct skin contact," sagot ni Galice kaya hinubad na ni P-knight ang armor at unang beses kong makita kung gaano kahirap tanggalin yun, dahil sa tuwing aalis ako sa kwarto sa may posada ay naka-armor pa siya at pagbalik ko ay hindi na, at panigurado ganun din ang pagsuot.

'Kaya pala nakasandal siya lagi sa isang puno kung matulog,' sabi ko sa isipan at naalala ang paraan ng pagtulog niya tuwing sa labas kami natutulog.

"Alam kong mahirap pero mamaya magiging madali na," sabi ni Galice "kasi nagagawang magpalit ng mga tagapangalaga at ng mga desipulo nila sa loob lang ng tatlong segundo."

"Hindi nga?!" gulat kong sabi dahil hindi ko nagagawa yun.

"Oo dun sa may <Status> meron dung <Equipments> kakaladkarin mo lang yung icon ng isang equipment sa may <inventory> tapos masusuot mo na, at pagklinick mo yung icon nung equipment na suot mo lalabas ang stats na meron sila," sagot ni Galice kaya agad kong tinignan ang status ko pero wala akong makita sa sinasabi niya.

"Wala naman eh!" sabi ko at bumuntong hininga siya, maya maya pa ay may dalawang beses siyang pinindot sa hangin at biglang nabalutan ng anino ang katawan niya at nang mawala ay nag-iba na ang suot niya. From a leather armor naging isa iyong full-plate armor.

"See, tignan mo kasing maiigi at maniwala ka," sabi niya kaya tinignan ko uli ang <Status> pero wala parin.

"Anong mahika yan!" sabi ko at kinutusan niya ako.

"Uulitin ko, maniwala ka," sabi niya kaya pinikit ko ang mga mata and deep inside pinilit ko ang isipan na totoo ang sinabi niya kahit na may something sakin na nagsasabing hindi totoo iyon.

Nang idilat ko ang mga mata ay nakita ko agad ang status ko at nakita ang equipment tab. Agad ko iyong pinindot at lumabas ang mga icon ng suot ko nung nasa inventory pa sila.

"Yes!" sigaw ko sabay taas pa ng kamay.

"See, ngayon tara na at simulan na ang decipleship," sabi ni Galice at pinadapa si P-knight sa may kama na naroroon.

"Ilapat mo ang mga kamay mo sa likod niya at ipadaan mo ang mana mo sa kanya habang binibigkas ang isang baybayin at iyon ay..." sabi niya na agad kong ginawa.

Ginawa ko ang mana chanelling pero this time may baybay at iyon ay:

I the one who overseers the flames, commands the power of the origin to give half of what I can to this person to aid me in my quest to protect this world from the evil that lurks within.

Habang binabaybay ko iyon ay nararamadaman kong unti-unti akong nauubusan ng lakas at napapansin ko ring unti-unting nag-aapoy ang likuran ni P-knight na nagsisimula sa kamay ko at kumakalat sa likuran niya sa bawat baybay ko. Nang matapos ko na ang baybay ay tuluyan nang nag-apoy ang buong likuran ni P-knight pero agad rin iyong nawala, iniwan ang isang mala-tattoo sa kanyang likuran na animoy isang nag-aapoy na ibon.

"Gisingin mo na yan," sabi ni Galice kaya agad ko siyang niyugyog pero dahil ayaw niyang magising ay hinamapas ko siya ng kaluban ng espada ko.

"PARA SAAN YON!" reklamo niya.

"Tapos na, may mga nag-iba dapat, ano yun?" tanong ni Galice.

"Ano 'to? HP...MP... may nakikita akong ganun sa paningin ko," sabi niya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon