-Mark Anthony Sevilla-
"So ayun, pwede nating gawin ang kung ano mang gusto nating gawin for the next seven days," sabi ko sa kanila, kinaumagahan matapos naming makabalik.
"Then ibig sabihin pwede naming libutin ang siyudad?" tanong ni Lulu.
"Oo, pero mag-iingat kayo, hindi natin alam kung kelan kakagat sa pain ang mga rebelde," sabi ko.
"Okay!" sabi nila.
"Tama, Lyfa," sabi ko nang maka-alis na sila Mimir.
"Ano yun?" tanong niya.
"May kustomarya ba kayo sa kasal? May ginagawa ba kayong seremonyas?" tanong ko.
"Wala naman kaming seremonyas, bakit?" tanong niya kaya sinabi ko ang wedding ceremony sa earth.
"Ang ganda naman nun," sabi niya "mangangako kayong magsasama hanggang sa paghiwalayin ng kamatayan."
"Bakit, paano ba dito?" tanong ko.
"Sa ibang bansa, hindi ko alam kung papaano, pero dito sa Nocturia, kailangan lang bigyan ng lalaki ng amoy niya ang babae," sagot niya.
"Paano magagawa yun?" tanong ko at ngumiti siya.
"Ginawa mo na," sabi niya at nilagay ang kamay sa bandang sikmura kaya di ko mapigilang mapangiti.
"Then... hayaan mo akong lagyan ka uli," sabi ko at natawa siya.
-Mimir de Sylfaen Nocturia-
"Hmm..."
"Anong ginagawa mo Mimir?" tanong sakin ni Kuya Eriole nang makita niya akong nakatitig sa tatlong platong may pagkain at natatakpan sa may lamesa dun sa kusina.
"Inaalam ko kung ano ang mga natatakpang pagkain base sa amoy," sabi ko.
"Hmm?" lumapit si kuya sa may lamesa at inamoy ang mga natatakpang pagkain at isa-isang sinabi kung ano ang mga iyon.
Agad kong inalis ang mga takip at nanlumo dahil tama si kuya matapos lang ang isang amuyan samantalang ako...
"Bakit ba gusto mong malaman?" tanong ni kuya.
"Nag-kita na ba kayo ni ate?" tanong ko.
"Hindi pa bakit?" tanong niya.
"Pagnagkita na kayo, malalaman mo," sabi ko "samantalang ako... di ko agad nalaman, nalaman ko lang dahil sa instinct ko," naiiyak kong sabi "masyadong mahina ang pang-amoy ko, paningin ko din, hindi ako gaanong makakita sa dilim, mahina ang katawan ko kaya pinili kong maging mago."
"Okay, okay, wag ka na umiyak, makukuha mo naman si Mark," sabi ni kuya at naalala ko ang mga sinabi niya kaya lalo akong napa-iyak "wha?! Mimir, wag ka na umiyak, inaway ka ba ni Mark, nireject ka na ba niya?"
"I HATE YOU!" sabi ko dahil ang salitang 'reject' ang ayaw kong marinig ngayong mga araw na ito kaya aksidente kong nagamitan si kuya ng chantless water cannon.
-Eriole de Sylfaen Nocturia-
"Haah... Ano ba meron kay Lyfa at nagkakaganun si Mimir," reklamo ko habang naka-upo sa mesa ni Lafayette, pinapanood siyang gumawa ng kung anong potion na naisip ng tagapangalagang Nekone.
"Ano meron?" tanong ni Lafayette nang mapansin ako kaya kinuwento ko ang nangyari kanina nung nasa kusina ako para mag-almusal.
"Desipulo kayong pareho diba? Paniguradong laking damage nun," sabi ni Zedrick habang naghahalungkat si Lafayette sa may shelf.
"Sinabi mo pa," sabi ko.
"Eto, inumin mo," sabi ni Lafayette.
"Hindi pa ba sira ito?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasíaMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...