Maaga akong gumising kinaumagahan at bago pa man makasikat ang araw ay naka-alis na ako patungo sa Montres. Marami akong nakasagupang halimaw pero dahil sa level kong 60, medyo sisiw na sila sakin, nang makarating ako bandang tanghali ay agad kong pinalitan ang anyo ng pana ko sa isang Hunting Bow, nagpalit din ako ng kasuotan mula sa binigay sakin ng hari na Hunting Armor set na nilagyan ko ng mga angkop saking baraha, nagpalit ako sa isang normal at pipitsuging leather equipments bago pumasok sa loob ng siyudad. Ang una kong ginawa nang makapasok ay nagtanghalian at nagtanong-tanong kung nasaan ang Dark Carnage pero walang nakaka-alam kaya napilitan akong pumunta sa guild at doon magtanong.
Nang maituro na sakin ay agad akong pumunta doon at pagpasok ko ay agad akong pinagtinginan, lahat sila ay mga Floriano ang itsura pero halata ko na mga hybrid sila, dumiretso ako sa may bar counter at sinabi sa tumatao doon na
"Nais kong sumali sa guild niyo," sabi ko kahit na ang balak ko ay atakihin sila pero may something sa loob ko na nagsasabing masamang ideya yun kaya pinagpaliban ko na lang.
"Ah... miss, pasensiya na," sabi ng babeng tumatao sa counter, isa siyang Nocturian, na kasing liit lang ni Lyfa na siyang hanggang dibdib ko... mali, mas maliit pa pala siya dahil nakita kong nakatungtong siya sa isang maliit na upuan, siguro hanggang bewang ko ang babae sa counter, isa siyang weredog na may maliit at bilugang tenga at ang buntot na maihahalintulad sa isang tuta "pero pili lang kasi ang mga pwedeng sumali dito," sabi niya at nginitian ako at sa ngiti niyang iyon ay nakaramdam ako ng isang takot,pakiramdam ko para bang isa akong paroparong naipit sa sapot ng isang gagamba.
"Oi! Ricottta!" tawag ng isang lalaki at ng lumingon ako ay nakita kong isa itong Floriano? Kasama ang dalawang lalaki sa likod niya "aalis kami, pupunta sa kapitolyo para sa paligsahan," paalam niya at aalis na sana pero napatigil siya at nilingon ako "ano kailangan niya rito?" tanong ng lalaki.
"Nais niya raw sumali," sagot ng babae sa may counter na Ricotta pala ang siyang pangalan.
"Hou... ako si Galice, ang leader ng guild na ito," sabi niya at tinitigan ako "nais mong sumali huh... bakit?"
"K-kasi nais kong maging adventurer, tapos may nagpayo sakin na sumali sa isang guild house at ang inireto ng kaibigan ko ay itong guild house na ito," sagot ko.
"Pili lang ang mga pwedeng sumali sa guild house na ito," sabi niya "at hindi pwede ang isang tagapangalaga na tulad mo, tagapangalaga ng kagubatan," dahil sa sinabi niyang iyon, by instict kong binalik sa madalas kong gamitin ang pana sa likuran ko at tinutukan siya.
"Sino ka?" tanong ko at tinignan ang mga tao sa loob, naghahanap ng ruta palabas "sabihin mo sino ka, at paano mo nalaman na isa akong tagapangalaga?" tanong ko dahil siniguro kong hindi ako kilala sa lugar na ito sa pamamagitan ng pagtanong sa guwardiya at sa ilang mamayan bago ako magtungo rito.
"Hmm... I wonder... paano nga ba kita nakilala?" tanong niya at napatawa ang mga tao sa loob, kampanteng hindi ko matatalo ang lalaki sa harapan dahil sa carefree attitude na pinapakita nila "well... sasabihin ko naman but first... <Shadow Bind XX>" sabi niya at hindi ko na maigalaw ang katawan ko, para bang isa na akong istatwa "Rico," tawag niya "alam mo bang siya yung tagapangalaga ng kagubatan?" tanong niya.
"Nope, kung alam ko edi sana tinawag na kita agad," sabi ni Ricotta hindi ako makalaingon kaya hindi ko makita ang ginagawa niya pero may narinig akong nabasag na kung ano "sinong mabait ang tutulong sakin na abutin 'to?" sabi niya at nakita kong may lumapit.
"Okay, apparently, ako lang ang nakaka-alam na ikaw ang tagapangalaga dahil kung alam ni Rico alam na din ng lahat, at paano ko nalaman kasi... sabihin na lang natin na kakampi ako at isa akong desipulo ng kadiliman," sabi ni Galice "woah! Teka lang, alam kong nasa isipan mo, ang kadiliman ay masama! Ano ba namang buhay 'to oh, sino ba nagpasimuno na lahat ng kadiliman ay masama?" sabi niya at pinalagitik ang dalawang daliri at nagawa ko na uling makagalaw.
"Kasi sa mundo namin, sa mga libro, laro, palabas, laging kalaban ang may hawak ng kadiliman," sagot ko, hindi pa rin binababa ang pana.
"SUMPAIN SILA!" sigaw niya at bumuntong-hininga at kinamot ang ulo "anyway, kakampi ako, hindi ka pwedeng sumali dito dahil lahat ng mga miyembro ng guild na ito ay mga desipulo ng kadiliman, kaya sabihin mo na ang tunay mong pakay."
"Naghahanap ako ng pwedeng pumrotekta sa mga alagaing halimaw ng mga bayan sa buong bansa, isang C-rank na halimaw ang madalas umatake at hindi sila isa-isang umaatake kundi kumpulan,protektahan lang sila hanggang sa makagawa na ng bakod na bato," sabi ko at binaba na ang pana kahit na hindi ko parin siya pinagkakatiwalaan.
"Haay nako..." buntong hininga niya "Ricotta, ikaw na ang bahala."
"Hoy kayo! Narinig niyo siya diba? Hala sige layas!" sabi ni Ricotta sa mga tao sa loob.
"Ibigay mo kaya muna samin ang mga bayan na pupuntahan namin," sabi ng tumulong sa kanya.
"Hay nako, ba't ba sakin napunta to, oo nga asawa ko siya pero... haah..." reklamo niya habang patungo sa mapa na nasa pader "okay, team..." at sinabi na niya ang mga pupuntahan nila.
"Ayos lang ba yun? Hindi na sabihin ang magiging pabuya?" tanong ko kay Ricotta matapos magsi-alis ang mga tao sa loob.
"Ayos lang yun," sabi niya "mananagot din naman si Galice kay Luxerra pag-nalaman niyang hindi siya tumulong, hmm... parang nalilito ka," puna niya.
"Nalilito nga ako, I mean, bakit?"
"Halika at ipapaliwanag ko sa'yo, pero wag mo ipapa-alam na sinabi ko ang sikretoniya sa iyo ha, lagot ako sa asawa ko," sabi niya at nilagyan ako ng isang tsaa na agad kong ininom.
"Muka akong ganito pero sa totoo lang nasa, limang daang libong taon na ako," sabi niya na siyang hindi ko inaasahan kaya naman naibuga ko ang ininom na tsaa.
"SERYOSO?!" tanong ko.
"Ang sabi ni Galice siya ay isang desipulo diba?" tanong niya "mali yun, siya mismo ang tagapangalaga ng kadiliman at ako ang kauna-unahan niyang desipulo," dugtong niya "hindi ko alam kung sinabi niya ito sa tagapangalaga ng apoy na dinala niya rito noon pero iyon ang totoo, siya mismo ang nagsabi kay Luxerra na magpapatayan kayo nung lalaking iyon at siya rin ang nagplano ng lahat para pigilan iyon, hindi nasunod sa plano ang lahat pero natigil din naman ang pag-aaway niyo kaya ayos lang, yun."
"Siya mismo ang tagapangalaga?" di ko makapaniwalang sabi.
"Alam mo na ba ang historya? Yung tunay at walang halong katha ng mga sumulat?" tanong niya at umiling ako.
"Kung gayon, hayaan mong sabihin ko sayo," sabi niyang nakangiti, pero this time, hindi ko na naramdaman ang takot na naramandaman ko kanina.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...