Chapter 169

976 43 0
                                    

Nang makapag-regroup na kami ni Nekone ay nakita namin sila sa may front gate, pinapatay lahat ng mga sumusugod na kalaban.

"Mark, ang bagal niyo!" sabi ni Celine.

"Mabagal pa yun ah," sabi ko at inihanda si Infernus.

"Let's go!" sabi ni Galice.

Agad naming pinasok ang loob, binuldozer, iyon ang perfect description ng ginawa namin.

May mga halimaw din kaming nakakalaban at lahat ay nasa level 700 pataas pero dahil nagtutulong-tulong kami, sisiw lang samin ang mga halimaw.

Dumiretso kami sa throne room dahil ayon sa map ko ay may hostile doon at nang sipain namin ang pinto ay nakita namin doon ang pakay namin, nakatingin siya sa limang salamin na kung saan ay pinapakita na inaatake ng mga halimaw ang lahat ng bansa.

"Ah, andito na kayo," sabi niya at humarap samin "nainip ako kaya pina-atake ko sa lahat ng bansa ang mga alaga ko."

Agad kong hinawakan si Celine sa braso upang pigilan siya dahil for sure provocation niya yun kahit na feeling ko ay totoo ang nakikita namin sa salamin.

"Tapusin na natin 'to," sabi ni Luxerra nang makita naming may namatay sa pinapakita sa salamin.

"Yeah, patayin na natin siya," sabi ni Ventus at lahat kami ay naghanda na sa pakikipaglaban.

Agad na nagpakawala ng palaso si Celine, followed by magic spells from Nekone and Luxerra.

Winasiwas lang ng summoner ang kanang kamay at biglang nawala ang mga magic spells at gamit ang kaliwa ay sinalo niya ang palaso.

Hindi namin pinansin ang kahibangan ng nasaksihan at agad siyang sinugod.

Sabay naming hiniwa ni Ventus ang summoner, pero bigla siyang tumalon palayo kaya naman nagtama ang dalawang sandata naman.

Nang tumalon ang summoner ay sumulpot si Eri sa tagiliran niya at tinangka siyang suntukin pero hinawakan ng summoner ang braso ni Eri at binalibag siya sa sahig.

Pagkabalibag niya kay Eri sa sahig ay lumitaw bigla si Galice sa likuran niya hiniwa siya horizontally pero pinigilan ng lalaki ang talim sa pamamagitan ng paghawak sa talim.

Biglang lumitaw si Ventus sa tagiliran ng summoner at hiniwa siya vertically na pinigilan din by grabbing the blade.

Habang open ang summoner ay agad akong ngpunta sa harapan ng summoner at binigyan siya ng isang jumping sweeping kick na inilagan niya by bending back kaya naman ipinihit ko ang katawan to do a sommersault kick na sinalag with crossed arms.

Hindi pinalampas nina Ventus at Galice ang tsansa para saksakin ang summoner pero itinulak niya ang binti ko at tumalon palayo kaya naman nagkasaksakan sina Ventus at Galice.

Pagkalapag ko ay agad kong pinaghiwalay ang dalawa at agad na pinagaling ni Luxerra ang dalawa.

"Pinaglalaruan niya tayo," sabi ni Eri habang patayo.

"Complex na ata ng mga malalakas ang paglaruan ang mga mahihina," sabi ni Nekone na nagpunta sa likuran namin kasama sina Luxerra at Celine.

"Yeah, sa lahat ng movies and animè, pinaglalaruan ng mga malalakas ang mga mahihina," sabi ni Ventus at tumayo na.

"But still," sabi ko at naghanda na uli kaya ganun na rin sila.

Mabilis ang mga susunod na nangyari, unang lumusob si Eri, bumuwelo siyang susuntok pero bigla siyang tumalon palayo to give way for Galice na hiniwa ang lalaki diagonally.

Nagside-step ang summoner para umilag pero nagpakawala si Celine ng tatlong explosive arrows kaya winasiwas niya kamay creating a wind to deflect the arrows.

Pagkawasiwas niya ay agad akong lumapit at pinalamon siya ng <Flare Volley>, point blank range at biglaan kaya naman tinamaan siya, agad akong tumalon palayo to give way for Nekone and Luxerra's magic barrage na tumama sa summoner.

"Did that do it?" tanong ni Ventus.

"Flag bearer ka ba or what?!" sabi ko dahil laging ganun ang simula sa mga novels tapos malalaman ng bida na balewala ang ginawa nila "see, tignan mo!" sabi ko dahil nang mawala ang usok na nalikha ng magic barrage at nakita namin ang summoner without any damage.

"Hahaha! Hindi niyo ako mapapatay o mababawasan dahil hanggat may negati—"

"<Plasma Bolt>!" sabi ni Ventus at mula sa espada niyang itinutok sa summoner ay may lumabas doong isang makapal na kidlat.

"<Hydro Cannon>!" at mula sa nakatutok na staff ni Nekone, isang malaking current ng tubig, na para bang binomba ng bumbero, ang siyang kumawala.

Sabay na nagtama ang dalawang spell sa summoner pero tulad ng kanina, walang epekto.

"Spare us with the clichè development," sabi ni Ventus "nakuha na namin, hindi ka masasaktan or mamatay dahil sa negative feelings na nagkalat sa mundo."

"Talaga, hindi namin alam yun," sabi ni Galice.

"Yeah, sobrang daling mahulaan, I mean, may napanaginipan tayo diba, so for sure possibility na yun," sabi niya.

"Point taken, pero paano natin siya mapipigilang gumalaw?" tanong ko at inihanda ang espada, inaantay na mawala ang usok na ginawa ng dalawang magic.

"Okay, pigilin nating gumalaw yan," sabi ni Eri at nilagyan namin ang isa't-isa ng lahat ng mga buff spells meron kami.

Nang matapos maglagay ay agad uli kaming sumugod, pero this time isang one-sided trampling ang nangyari.

Bago pa man kami makalapit ay bigla siyang lumitaw sa harapan namin at sa kamay niya ay may biglang lumitaw na karit.

Binalutan namin ang sarili ng <Mana Shield> upang maprotektahan ang sarili sa ginawa niyang pagwasiwas.

Tinamaan kaming apat ng atake niya blowing us away. Habang patayo kami ay pinaulanan siya ng nina Luxerra ng mga mahika na inilagan niya lahat.

"Oi, next level agad?! Anong game to?" reklamo ni Ventus habang patayo.

"Reality," sagot ko "<Flare Tempest>!" at nagkaroon ng fire storm sa buong throne room.

Tinamaan ang summoner ng spell pero tulad ng dapat asahan, hindi siya tinablan ng spell at lumitaw lang siya sa likod ko at isinaksak sakin ang karit.

Tumagos sa armor ko ang talim kaya naman napasuka ako ng dugo, nang hugutin niya ang talim ay sinipa niya ako at tumalsik at tumama sa may pillar na naroon at bumagsak sa sahig after magkaroon ng bitak ang pillar.

Habang patayo ako ay nakita kong sinutok ni Eri ang summoner pero nagawa nitong maka-ilag at tumalon palayo.

Pagkalapag niya ay may isang pillar of aurora colored light ang tumama sa kanya at nagpasigaw sa kanya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon